chapter 31

116 4 0
                                    

Shairah's POV.

Naiwan akong magisa sa bahay dahil sina-ma nila si Mary sa gagawin nilang catering kase magaling daw siyang magdesign, Andito lang ako sa kuwarto namin dahil wala naman akong gagawin sa labas naisipan kong magfacebook muna at biglang nagpump-up ang pangalan ni Vanessa sa messenger ko, Nagsend ito ng picture... Agad ko itong tinignan at ganon nalang ang panghihina ko ng si Gm at Vanessa ang nakita kong magkatabi sa kama ng walang damit at tanging kumot lang ang nakatakip sa katawan nila.

Ano toh? Babae ba siya ni Gm?

Bigla na lamang akong naiyak sa nakita ko, Ihahagis ko na sana ang cellphone ko ng bigla ulit itong tumunog kaya tinignan ko ulit kong kanino galing ang chat at kay Vanessa nanaman, Agad ko itong pinindot at tumambad sakin na magkasama sila sa isang restaurant na paborito naming Puntahan ni Gm.

Niloloko niya nga ako at tang ina! Talagang sa ex niya pa. Kaya pala hindi na siya umuuwe.

Agad kong tinawagan si Jherico agad naman itong sumagot.

~In call~

Jherico: Hi Shai, Napatawag ka?

Humihikbi akong sumagot sa kanya.

Shairah: Asan ka? May ginagawa kaba? Pwede mo ba akong samahan?
Jherico: Umiiyak kaba? May nangyari ba?
Shairah: Tsaka ko na sasabihin sayo, Puntahan mo ko sa bahay

~End call~

Agad kong pinatay ang tawag, Ilang sandali pa ang lumipas ay agad kong narinig ang kotse ni Jherico mula sa labas.

Tinakbo ko siya tsaka ko siya niyakap habang umiiyak, Niyakap niya ako pabalik tsaka ito nagsalita.

"Shai? Anong nangyari?" Tanong nito

"Ni-loloko a-ako ni G-Gm" Utal na sagot ko habang nakayakap parin sa kanya

"Shhh, Wag ka ng umiyak" Pagpapakalma niya sakin kaya kumalas na ako sa yakap namin

"Samahan mo ko, Babawiin ko na si Gm sa kanya" Sabi ko tsaka ako sumakay sa kotse niya sumakay den siya

"Shai, Baka mapahamak yung baby niyo sa gagawin mo" Sabi nito kaya tinignan ko ito

Buti pa siya inaalala yung baby namin.

"Makapit naman daw siya diba? Dalhin mo sa Thai Restaurant na pinupuntahan natin noon" Sagot ko, Hindi ko mapigilang umiyak dahil sa ginawa nila, Sumunod si Jherico sa sinabi ko.

Nakarating kami sa restaurant, Tanaw ko si Gm at Vanessa na nagsusubuan, Agad ko silang nilapitan at walang pasabing sinampal si Gm.

"Love?" Gulat na usal ni Gm

"Tang ina Ka! Walang Hiya Ka!" Malakas na Sigaw ko kaya napatingin na sakin ang mga taong nasa loob ng restaurant

"Buti naman at alam mo ng Hindi Ka na Mahal ni Gm" Sabat ni Vanessa kaya hinila ko ang buhok niya tsaka sinubsob ang muka nito sa pag-kain nila ni Gm

"Love, Tama na" Pag-aawat sakin ni Gm tinulak ko lang siya, Dahil nasasaktan ako

"Bitawan mo ko! Pagkatapos mo kong lokohin!" Malakas na Sigaw ko

"Love, Magpapaliwanag ako" Pagmamakaawa nito sakin

"Hindi ko kailangan ng paliwanag mo! Magsama kayo ng babae mo!" Umiiyak na Sigaw ko

"Talaga! Kase hindi Ka na niya Mahal" Nanginginig ang kamay ko na lumapit sa kanya Tsaka Ito sinampal

"Makati Ka! Kong akala mong mahal Ka ni Gm nagkakamali Ka!" Saad ko habang pinupunasan ang luhang nasa pisngi ko

"At anong tawag mo sa ilang beses ng may nangyari samin?"

"Parausan kalang niya, Wala kang laban sa'king malandi Ka! Magkakaroon sakin Ng anak si Gm at Kasal den kami kaya... Babawiin ko na yung asawa ko!"

"Shai! Tama na" Sigaw ni Jherico at tsaka lumapit sa likod ko

"Bakit kayo magkasama?" Takang tanong ni Gm

"Wag mo kong igaya sayo Gm, Ni minsan hindi kita niloko" Sagot ko ng bigla nalang sumakit ang tyan ko kaya napahawak ako dito

"A-arayyyyy..."

"Love, Ok Ka Lang?" Tanong ni Gm at akmang hahawakan na ako ng itulak ko siya

"Wag mo kong hawakan! Wag kang lumapit sakin!" Sigaw ko sa kanya

"Shai, Dinu-dugo ka na" Sabi ni Jherico Kaya napatingin ako sa binti ko

"Halika na Shai, Dadalhin na Kita sa ospital" Sabi nito kaya napatango nalang ako dahil baka may mangyaring masama sa anak ko, Nang maisakay niya ako sa kotse niya ay agad narin akong nawalan Ng Malay.

Thanks for reading✨💜
God bless❤️✨

Bleeding Love(Completed✓)Where stories live. Discover now