chapter 05

161 3 0
                                    

Mary's POV.

Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mata ko, Bumangon ako at tinignan ang oras na nasa cellphone ko at laking gulat ko dahil 9:00 am na.

Shocks, May outing pala kami! Hindi pa 'ko nakakaimpake.

Pupunta na sana ako sa cabenit ko ng biglang pumasok si Shairah sa kuwarto ko.

"Oh san ka pupunta?" Tanong nito

"Mag-iimpake, Hindi pa ako nakakapagimpake eh" Sabi ko

"No need, Naimpake ko na yung mga gamit mo, Ikaw nalang ang hinihintay naming gumising" Saad nito kaya napaawang ang labi ko ngumiti ito

"Talaga?"

"Oo, Kaya magligo kana at kumain para makaalis narin tayo" Nakangiti nitong sabi agad akong napatakbo sa CR at naligo.

Pagkatapos kong maligo ay bumaba na ako, Wala akong nakitang iba kundi si Gm at si Shairah.

"Bessy, Asan sila?" Tanong ko at umupo sa harap nilang dalawa

"Nauna na silang bumiyahe, Tayo nalang nila Gm ang andito" Sabi nito kaya napatango ako, Napatingin ako sa kinakain niyang mangga.

"Bessy, Bakit ka kumakain ng mangga?" Tanong ko napatingin naman sakin si Gm

"Ewan ko nga dito eh, Nagpapabili siya kanina pa" Sabat ni Gm

"Manahimik nga kayong dalawa" Sabi nito at umalis, Sinundan naman siya ni Gm

Bakit kaya gusto niya ng mangga? Eh January palang naman.

"Bhe kumain kana, Para makaalis na tayo!" Sigaw nito mula sa sala kaya naman agad akong kumain, Pagkatapos ay inurungan ko ang pinagkainan ko tsaka kami umalis.

Habang nasa biyahe kami ay napakatahimik namin dahil tulog si Shairah.

"Hoy Gm, Bakit kumakain yan ng mangga? Eh diba January palang!" Tanong ko kay Gm

"Ewan ko ba dito eh, Ang weird niya kaya ngayon" Sagot naman nito at tinignan si Shai

"Buntis ba siya?" Wala sa sariling tanong ko

"Huh? Bakit mo naman na sabi yan?"

"Eh kase kahapon tulog ng tulog yan" Sabi ko at naalala ko ang kahapon.

Luh, Oo nga! Baka magkaka-baby na sila.

"Eh bakit, Ikaw rin naman Diba?" Sagot ni Gm at hinawakan ang kamay ni Shairah

"Hindi ako natulog kahapon nagcellphone ako ok?" Sabi ko at inirapan siya

Higit 1 year narin silang kasal kaya wala namang masama doon.

"Bakit ang ingay niyo?" Tanong nito

"Sorry love, Matulog kana lang ulit" Sabi ni Gm at hinalikan ang kamay ni Shairah

Tsk! Magkakajowa den ako 'kala niyo ah.

"Tingin niyo makatulog pa ako?" Sabi nito, Sasagot na sana ako ng biglang magring ang phone ko at si Jasmine ang tumatawag, Sinagot ko iyon at tinignan ang dalawa.

~In call~

Jasmine: Hello besh?
Mary: Oh bakit? May nangyari ba sa biyahe niyo?
Jasmine: Wala, Pinapasabi ni Ejay na huminto daw kayo sa unang 7/11 na madaraanan niyo kase mag-iistop over daw tayo dun
Mary: Ah sige, Anjan na ba kayo sa 7/11?
Jasmine: Oo kararating lang, Kayo ba? Asan na kayo?
Mary: Medyo malayo pa ata.
Jasmine: Ah ok, Ingat kayo ah! Bye.

~End call~

"Ano daw bhe?" Tanong ni Shairah

"Ahmm, Pinapasabi daw ni Ejay na mag-stop over tayo sa pinakaunang 7/11 na madaraanan natin"

"Sure ka? Andito na tayo" Sabat ni Gm

"Sure ka?" Tanong ko

"Oo tignan mo pa sa labas" Agad akong napatingin sa labas at 7/11 nga

Bumaba na si Gm at pinagbuksan niya si Shairah ng pintuan.

Ang gentleman naman!

Ako magisa lang akong bumaba dahil wala naman akong jowa para pagbuksan ako ng pintuan ng kotse, Agad na sumalubong samin sila Crystalline, Izen at Jasmine.

"Bilis niyo ah, Akala ko ba malayo pa kayo" Sabi ni Jasmine

"Akala ko rin eh" Sagot ko at pumasok na kami sa loob naabutan namin sila Daryl, Ariel, Gero at yung isa. Siguro siya si Ejay!

"Oh andito na pala sila Ate eh" Sabi ni Daryl kaya napatingin sakin ang lalaking nagngangalang Ejay.

Ejay's POV.

Busy ako sa cellphone ko ng biglang magsalita si Daryl ng....

"Oh andito na pala sila Ate eh" Sabi ni Daryl kaya napatingin ako sa babaeng kasama nila na nakatingin sakin.

Shet, Nakakalaglag brief! Para bang nag-slowmo siya nang papalapit na siya sakin.

"Ejay si Mary kaibigan ko" Pagpapakilala sakin ni Shairah

"Hi Mary, I'm Ejay Gm's cousin" Pagpapakilala ko at inilahad ang kamay ko sa kanya

"Hello, I'm Mary Shairah's bestfriend nice to meet you." Sabi niya na nakangiti at kinuha ang kamay ko

Napakalambot ng kamay.

"Ahemmmm!!!!" Tikhim ni Daryl kaya nagpabitaw ako sa kamay nito

Panira naman si pare oh!

"Tara na, Umoeder na tayo" Sabi ni Izen kaya naman inorder na kami.

*After 25 minutes*

Lumabas na kami at bumiyahe.

Pagpasok palang sa kotse ay agad na akong pumikit dahil parang inantok ako

Thanks for reading✨💜
God bless❤️✨

Bleeding Love(Completed✓)Where stories live. Discover now