chapter 20

106 3 0
                                    

Gm's POV.

Nagising ako dahil sa araw na tumatama sa mata ko, Hindi ko alam kong kaninong kuwarto toh.

Tatayo na sana ako nang maramdaman kong meron akong katabi, Tinignan ko ang katabi ko at ganon nalang ang pagka-kaba ko nang si Vanessa ang katabi ko! Anong ginagawa ko dito? Bakit andito ako sa kuwarto niya? Kailangan ko ng umuwe.

Agad akong tumayo at lumabas sa bahay, Inistart ko na ang kotse ko at pinatakbo ito ng mabilis.

Kinuha ko ang cellphone ko sa aking bulsa at agad na tinawagan si Shairah, Agad naman niya itong sinagot.

"Hello love?" Panimula ko

"Thank God, Asan Ka?" Sagot nito

"Pauwe na ako love" Sagot ko

"Mamaya nalang tayo magusap, Magiingat Ka" Sabi nito at pinatay na ang tawag.

Gm naman! Ano bang ginawa mo kagabi? Bakit hindi ka umuwe?

Ilang sandali pa ang lumipas ay nakarating ako sa bahay, Naabutan ko sila Jasmine, Ariel, Mary, Ejay Izen at Gero na kumakain.

"Oh Gm, San ka galing?" Bungad na tanong sakin ni Mary

"Sa trabaho, Nagover-night ako dun" Pagsisinungaling ko

"Ah, Kain na pare" Pag-yayaya sakin ni Gero

"Sige lang, Puntahan ko muna si Shairah" Paalam ko sa kanila at umakyat na.

Pagpasok ko sa kuwarto ay naabutan ko siyang naglilinis.

"Love, Anong ginagawa mo?" Tanong ko rito at binaba ang hawak niyang walis tambo.

"Naglilinis, Bakit?" Sagot lang nito

"Diba dapat hindi ka nagpapagod" Sabi ko at pinaupo siya sa kama

"Ok lang love, Hindi naman nakakapagod yan eh"

"Hindi nga pwede, Kumain kana ba?"

"Oo kanina pa, Ikaw?"

"Hindi pa, Sige kakain muna ako" Paalis na sana ako ng magsalita ulit ito

"Love, Papasok ka ba?" Tanong nito

"Hindi, Aalagaan kita" Sagot ko tsaka ito niyakap

"Hindi ka na nga pumasok kahapon hindi ka nanaman papasok ngayon? Baka matanggal ka na niyan love" Sabi nito kaya napakalas ako sa yakap ko sa kanya

Tinataboy niya ba ako?

"Ayaw mo ba akong kasama love?" Tanong ko kaya napatingin ito sakin

"Hindi naman sa ganon, Ayoko lang na matanggal---" Hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya

"Ayaw mo palang alagaan kita eh, Sige papasok nalang ako" Sabi ko at tumayo

"Hindi sa ganon love"

"Hindi! Yun yung gusto mong sabihin" Pasigaw na sabi ko halata ang pagkagulat sa muka niya

"Edi sige, Pumasok Ka" Sabi nito at pumunta sa CR tsaka niya padabog na sinara ang pinto.

Lumabas ako at tuloy-tuloy na naglakad papunta sa kotse ko alam kong nakatingin sila sakin ngayon pero hindi ko sila pinapansin, Agad kong inistart ang kotse ko at pinatakbo ito ng mabilis.

Pumasok ako sa opisina ng hindi kumakain at hindi naliligo, Pero pagdating ko ay agad akong hinarang ng guard.

"Sir Gm, May naghahanap po sa inyo" Sabi nito

Sino naman?

"Huh? Sino po?" Tanong ko

"Girlfriend niyo daw po eh" Sagot nito at kumamot sa batok niya

Ano daw? Girlfriend? Eh kilala naman nito ang asawa ko ah!

"Girlfriend? Manong guard naman, Kilala niyo naman si Shairah diba? Siya ang asawa ko, Ano bang pangalan ng babae na yun?"

"Vanessa daw po eh" Pagkasabi palang ni Manong yun ay agad na akong nagsalita

Shet!

"Asan po siya?" Tanong ko

"Andun po sa office niyo" Karipas ako ng takbong pumunta sa office.

Pagpasok ko palang ay naabutan ko itong nakaupo doon.

"Vanessa, Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko at nilock ang pinto

"Hinahanap ka, Bakit kaba umalis?"

"Umuwe ako sa asawa ko, Pwede ba Vanessa umalis kana" Pagtataboy ko rito

"Hindi ako aalis dito hangga't hindi ka sumasama sakin" Sagot nito sabay ta-yo sa kanyang pagkakaupo

"Bakit naman ako sasama sayo?" Nakataas kilay na tanong ko

"Dahil yun ang gusto ko" Sagot nito habang lumalapit sakin

"Ano namang pakialam ko sa gusto mo?" Sumama ang muka niya dahil sa sinabi ko

"Ah ganon? Kapag hindi ka sakin sumama sasabihin ko kay Shairah na sakin ka natulog kagabi" Sabi nito kaya naging seryoso ang muka ko

"Pwede ba Vanessa, Umalis kana" Sabi kk at umupo sa upuan ko

"Hindi ako aalis hanggang hindi kita kasama" Saad nito kaya napata-yo ako

"Hindi ako sayo sasama" Sagot ko

"Edi gusto mong sabihin ko kay Shairah na nasa bahay kita kagabi?" Nang masabi niya yan ay bigla akong kinabahan

Baka maistress siya kapag nalaman niya.

"Ok fine, Tara!" Sabi ko at hinila siya.

Alam kong mali ito Shai, Pero ayokong maistress ka dahil baka yun ang maging dahilan para malaglag ang baby natin.

Thanks for reading✨💜
God bless❤️✨





Bleeding Love(Completed✓)Where stories live. Discover now