chapter 24

94 4 0
                                    

Mary's POV.

Walang hiyang Clarisse yun, Siya siguro yung niligawan ni Ejay.

"Bhe, Ok kalang ba?" Tanong ni Shai sakin habang nilalagyan ng bacon ang plato ko

"Ok lang ako bhe, Ikaw?" Sagot ko pabalik

"Ok lang den" Sagot nito

"Bhe, Mukang may pagaalala sayo si Jherico ah" Pangaasar ko

"Hindi naman! Sadyang matulongin lang siya" Sagot nito at sabay inom ng orange juice

"Bakit kase hiniwalayan mo pa siya?" Tanong ko na nagpatigil sa kanya sa pag-inom ng juice

"Ano ba? May closure na kami ok?" Sabi nito sabay ta-yo at nagtungo sa kusina

"Bhe?" Pagtawag ko rito

"Hmm?" Sagot nito

"Paano kapag may babae si Gm?" Tanong ko na nagpatigil dito

"Anong klaseng tanong yan bhe?" Sagot nito na nakatingin sakin

Jusme'yo marimar, Sasabihin ko ba?

"Tanong lang naman eh" Sabi ko at napapikit

"Sempre, Magagalit ako tipong gusto kong pumatay" Ramdam ko ang lungkot sa boses niya

Bhe, May babae si Gm! At si Vanessa yun.

"Matulog kana muna, Ako na bahala diyan" Pagtataboy ko sa kanya

"Sure ka bhe?" Napatango nalang ako sa tanong nito, Umakyat na ito at ako naiwan sa baba.

Binabanlawan ko na ang mga inurungan ko ng biglang may magsalita.

"Good afternoon Mary, Asan si Shai?" Tanong nito, Napatingin ako sa kanya

Andito na siya! Andito na yung manloloko!

Hindi ko ito kinibo at nagpatuloy ulit sa pagbabanlaw ng pinagkainan namin.

"Mary, May problema ka ba sakin? Kase parang kahapon ka pa hindi namamansin" Tanong nito kaya napatigil ako sa ginagawa ko at hinarap siya

"Oo meron" Sagot ko sabay taas sa kanya ng kilay

"Ano yun? Pwede ko bang malaman?" Tanong muli nito, Agad ko itong sinampal halata ang pagkagulat sa muka nito

"Para saan yun?" Tanong nito at hinawakan ang pisnge niya

"Anong para saan? Akala mo hindi ko alam yung kalokohang ginagawa mo!" Sigaw ko rito

Maang-maangan pa!

"Anong kalokohan?" Tanong nito na mas lalong nagpagalit sakin

"Walang hiya ka! Wag ka ngang mag-deny" Sabi ko rito at dinuro-duro siya

"Ano bang sinasabi mo?" Napasabunot ako sa sagot nito

"Akala mo ba hindi ko alam na may babae ka! Akala mo hindi ko alam na niloloko mo si Shairah!" Sigaw ko rito naging seryoso ang muka nito at tumingin sakin ng deretso

"Kanino mo nalaman?" Seryosong tanong nito

"Wala kang maitatago sakin Gm, Wala." Sagot ko

"Please Mary, Wag mong sabihin kay Shairah toh" Pagpipigil nito sakin

"Hiwalayan muna si Vanessa" Mahinahon kong sabi

Hindi ko na kayang lokohin niya pa si Shai, May magiging baby na sila.

"Ma--" Hindi ko na tinuloy ang sasabihin niya

"Hindi mo kaya?" Tanong ko

"Hindi sa ganon, Pero wag mo munang ipaalam kay Shairah toh" Sabi nito

"Wag kang magalala, Hindi ko gugustohin na mapahamak sila ng baby" Sagot ko at iniwan siya sa baba, Hindi ko na tinapos ang uurungan ko.

Pagpasok ko sa kuwarto ay bigla nalang akong naluha dahil sa ginawa niyang panloloko kay Shairah, Napakagago niya! Hindi niya deserve si Shairah.

Gm's POV.

Hindi ko inaasahan ang mga sinabi ni Mary sakin kanina, Alam niyang nagkikita kami ni Vanessa.

Umakyat ako sa kuwarto namin ni Shairah at naabutan ko itong natutulog, Nilapitan ko ito at hinalikan sa noo.

Sorry love, Hindi ko gustong lokohin ka, Maniwala ka.

Sandali itong gumalaw at tumagilid sakin.

"Love?" Panggigising ko rito

"Hmm?" Sagot nito

"Hindi ako uuwe bukas" Sabi ko kaya napaharap ito sakin

"Huh? Bakit?"

"Magoover-time ako love" Napatango ito sa sinabi ko, Pero ang totoo nangako ako kay Vanessa na sa kanya ako boung magdamag bukas.

"Pwede ba kitang tabihan?" Tanong ko

"Oo naman" Sagot nito kaya agad ko itong tinabihan at niyakap.

Ayokong saktan ka love pero hindi ko alam kong kailan kami matatapos ni Vanessa, Nag-away kase tayo kaya sa kanya ako tumatakbo kapag kailangan ko ng kausap at lagi niyang pinapagaan ang loob ko, Patawarin mo ako sa mga nagagawa ko mahal na mahal ko kayo ng magiging baby natin.

Pinikit ko na ang mata ko, Hindi ko nakuha agad ang tulog ko dahil kakaalis ko lang sa condo ni Vanessa.

Thanks for reading✨💜
God bless❤️✨

Bleeding Love(Completed✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon