"Why do you look so glum na hindi ako buntis? Having kids is not yet in our plans." Sabi niya sa lalaki, kanina pa kasi itong mukhang malungkot. "Do you want a baby now?"

"Well," he sighed. "Iisipin mo baliw ako."

"Ako?" Bobbie pointed towards herself. "Matagal ko nang naisip yun kaya sabihin mo na sa akin."

"I was just too excited to have kids with you. Hindi ko lang na-contain but I'm okay. When its already in our plans, I will be with you every single step of the way." Paliwanag nito sa kanya. "I want to be the father of your kids."

"That's..." she smiled. "I'll choose you too. It is crazy that you want a kid with someone like me pero hindi ka naman baliw."

After that short expectancy of a pregnancy, Bobbie finally made up her mind. She wants to be with Andrew, not just Andrew who's pretending to be Adrian but Andrew. Life's too short to keep on pretending, hindi niya dapat isipin ang iba, dapat yung desires naman niya. And this time, she wants to be completely free to hold Andrew's hand.

"Kuya," hindi man lang siya napansin nito nang pumasok siya sa kwarto. Nakatingin lang kasi ito kay Mikee habang tulog ito. "Sorry to bother you pero may gusto lang sana akong i-consult sayo."

"Bobbie, andyan ka pala." He said, parang pagod na pagod ito. Nahiya tuloy siya na guguluhin niya pa ito sa problema din niya. Ito lang kasi ang alam niyang kayang makapagsabi sa kanya kung tama o mali ba ang gagawin niya.

"Have you been sleeping? Baka ikaw naman ang magkasakit niyan." Nag-aalala ang lahat dito mula noong maaksidente sila ni Mikee.

He suffered relatively minor injuries compared to his girlfriend. Si Mikee ay nananatiling comatose mula pa noong naaksidente sila ng nakaraan na buwan. There were about two instances na nag-flatline ang dalaga. She was there in one of those instances at hindi niya talaga maipaliwanag ang nakita niyang takot sa mukha ng pinsan niya. He loves her and everybody prays that he gets her back.

"How is Mikee?"

"Nothing new, hindi pa din siya gumigising." Sagot nito sa kanya. "I hope she wakes up soon. Gumagaling naman na ang mga sugat niya at successful naman lahat ng operasyon niya pero..."

"Baka her body needs the rest. Gigising din si Mikee, Kuya." Hindi siya sigurado sa sinasabi pero mas mabuting iyon na lang ang sabihin niya. "If you need anything, sabihan mo lang din kami Kuya. We're here for you and Mikee."

Tumango ito bago nanahimik. Hindi niya alam kung ano ang pupwede niyang sabihin para gumaan ang loob nito kahit na papaano. She was already thinking of just asking Meg kasi ayaw na niyang bigyan pa ng problema si Kairos nang bigla itong magsalita.

"Mabuti din at nandito ka. I need to talk to you," sabi nito. "I've been putting it off kasi si Mikaela ang focus ko."

"Ano yun Kuya?" Napaisip siya bigla, ano naman kaya ang kailangan nitong sabihin sa kanya?

"The man you're with..." then he looked at her with dead serious eyes. "He's not Adrian dela Merced, right?"

"Kuya," she laughed nervously. "What are you—"

"I've had a month at least to think about this. Alam mo naman na alam ko ang family background ni Adrian. He acted out of character noong naaksidente kami ni Mikaela. Tapos naalala ko na may kakambal si Adrian. Hindi siya kilala because he's supposedly in Visayas or Mindanao. He's a doctor." Parang nilalatag nito ngayon ang sana ay sasabihin pa lang niya dito. She wanted his advice but here he is, already on top of the facts.

"Kuya—"

"Hindi ako galit. Hindi ako pupwedeng magalit because he's helped Mikaela and me. But I just want to be certain that you knew." Kalmado lang ito, nakakapanibago na hindi siya nireprimand nito.

San Vicente 2: Fallacious ✅Where stories live. Discover now