animnapu't apat ┃ʳʰⁱᵃⁿ'ˢ

559 27 37
                                    

RHIAN'S

"Hoy girl, nag-away ba kayo ni Justin?" tanong ni Jaime sa akin.

"Ewan ko sa kanya" malamig na tugon ko kay Jaime saka nagpatuloy sa pagkopya ng notes kanina. Ewan ko ba, lutang na lutang ako ngayon ni isang word kanina sa discussion wala akong naisulat.

"Ano bang nangyare?" tanong naman ni Raine. Sa totoo lang ayoko ng pag-usapan kase sa tuwing naaalala ko yung nangyare kahapon naba-badtrip lang ako eh.

"Wala" tipid na sagot ko habang nagsusulat.

"Eh bakit nga ganyan ka maka-react. Para namang may nahanap na bagong chix si Justin kaya galit na galit ka dyan" nang sabihin ni Raine iyon ay dumiin ang pagkakahawak ko sa ballpen ko at saka ako napangiwi.

"Ay oh. Mukhang alam ko na" napaangat ang tingin ko saka sumalubong sakin ang mala-demonyong ngisi ni Jaime.

"That darn Queenie. Magsama silang dalawa ni Yohan mga peste sila sa buhay ko!" inis na bulong ko saka padabog na binitawan ang ballpen ko. I frustratedly pushed my hair backward.

"Queenie? You mean yung ka-partylist ni Yohan?" tumango lang ako.

"Wait, ang rinig ko may gusto nga kay Justin yun" sinamaan ko ng tingin si Jaime. At talagang walang preno ang bibig ng babaeng 'to, dire-diretso pang sinabi sa harap ko. The betrayal, I can nearly feel it.

"Oh, sorry" sabi nito

"So does that mean that you like Justin?" kantyaw ni Raine sa akin.

"Sino? That nerd loser? The hell would I like him?" pasigaw na tanong ko sa kanya. He's a complete loser, wala pa nga siya sa kalingkingan ng ideal types ko dzuh.

"Wag ka nga sumigaw! Saka halata ka na, ide-deny mo pa talaga ngayon?" napabuntong hininga na lamang ako para na rin pakalmahin ang sarili ko.

"Oo nga girl, saka sino ba namang hindi magkakagusto sa future hubby mo. Mabait na, matalino na, bonus pa na gwapo" napairap naman ako sa sinabi ni Jaime.

"Shut up. You guys are annoying. Punta lang ako ng locker room sandali" Sabi ko sa kanila saka kinuha ang bag ko. Geez, hindi talaga nila ako titigilan about Justin. Sila na lang kaya magka-gusto dun. So annoying.

Nakahinga naman ako ng maluwag nang makalabas ako ng canteen. I just feel suffocating pag andun ako. I'm glad na nakalabas na ako sa wakas. Sakto rin palang kailangan ko talagang dumaan ng locker room dahil inilagay ko pala nung friday dun yung assignment ko sa Trigo so I'll just go and get it.

Nang makarating ako roon ay akala ko makakahinga na ako ng maluwag at magkakaroon ng space pero akala ko lang pala.

"Uhm, I just wanted to say that you look good today" napatawa ako ng sarkastiko sa sarili ko.

"uHm, I juSt wAnteD tO sAy thAt yoU loOk goOd TodAy" mahinang panggagaya ko sa boses nung Queenie na yun.

"Thank you! You too" nakangiting sabi naman nitong engot na 'to. Uto uto.

"How dare you smile like that!?" tanong ko sa sarili ko. Napahigpit ang hawak ko sa strap ng bag ko saka naglakad.

"Excuse lang ah, harang harang eh" mataray na sabi ko saka dumaan sa gitna nilang dalawa. Ang sasakit nila sa mata.

"Ouch, ano bang problem mo?" tinatanong pa ba yan?! Syempre kayong dalawa ng magaling mong kasama. Ang sasakit niyo kase sa mata eh.

"Wala akong problema. Baka ikaw meron" sabi ko saka in-unlock ang locker ko.

"Rhian!" saway niya sa akin pero tinawanan ko lang siya na parang nang-aasar.

"Wala naman talaga ah?"

"Eh bakit nanunulak ka dyan?" tanong niya sa akin. Naglagay ako ng ilang libro saka kinuha ang homework ko sa Trigo bago harapin silang dalawa.

"Kasalanan ko bang nakaharang kayong dalawa sa daanan? Sa lahat ng lugar dito sa school, dito pa talaga kayo sa locker room nagkakalat. Alam niyo, dapat siguro tayong mag-publish ng school newspaper this year 'no? Tapos ang headline ay 'President and Treasurer, dating nga ba?' You like that? Parang tv patrol lang" sarkastikong sabi ko sa kanila.

"Rhianna Jade!" napabaling ang tingin ko sa kanya saka sinamaan siya ng tingin.

"Can you stop calling me?! Hindi naman tayp close diba?"

"Ang yabang mo naman. Ka-ano ano mo ba si Justin para umakto ka ng ganyan?" tanong niya sa akin. I laughed sarcastically again, ang sarap pala mang-asar 'no? Kung alam ko lang na ganito yung feeling sana dati pa lang sumama na ako kay Yohan.

"Eto? Are you asking about this nerdy loser guy? Wala. Hindi ko nga siya papakasalan next year eh. Diba Jah?" I said emphasizing his nickname. Nakita kong gulat na gulat ang reaksyon niya

"Rhian, stop"

"No! You stop, Jah. Alam mo sayang lang kayo sa oras. Bahala kayo, kung gusto niyo mag-lambingan dyan wala na akong pake" sabi ko saka nilayasan silang dalawa.

Narinig ko pang tinatawag niya ako but I didn't dare to look back. Naiinis ako! Naiinis ako kay Queenie, naiinis ako kay Justin. Lahat sila nakakainis!

Ano ba kasing meron sa akin? Shuta naman oh

TO BE CONTINUED..

❛Marrying You❜ ┇ SB19's Justin✔️حيث تعيش القصص. اكتشف الآن