apatnapu ┃ ʳʰⁱᵃⁿ'ˢ

599 25 2
                                    

RHIAN'S

"Rhian please let's talk" salubong sa akin ni Yohan then he grabbed my hands. Shocks, nagpipigil lang ako pero masasapak ko talaga 'to after what he did at the restaurant last Saturday ang kapal ng apog niya para magpakita sa akin.

"Wala na tayong dapat pag-usapan. Diba ang sabi ko sayo layuan mo ko?" Sigaw ko sa kanya at inalis ang kamay niya pero he hugged me. Like, eww! Hindi ako kinikilig shuta 'tong lalaking 'to.

"What the heck are you doing?" Tanong ko at tinulak siya papalayo. Kadiri siya!

"Rhian, you know that I love you. Please, let me be your man" nagmamakaawang sabi niya. Punyeta paulit ulit lang kami, ang hirap niyang makaintindi. Hindi ko alam kung anong maling ginawa ko nung past life ko at kailangan kong harapin ang lalaking 'to ngayon

"Diba sinabi ko sayong hindi kita mahal?" Inis na sabi ko pero nagulat ako noong lumuhod siya sa harap ko. Wow, for the first time, lumuhod ang isang Yohan Aquino. But sadly, hindi niya ako madadaan sa ganito niya.

"Please, maybe we can still have a chance—"

"Punyeta! Paulit-ulit na lang. Di ka parin ba natututo? If I say I don't love you nor like you, it means I don't want you! Pwede ba? Please lang Yohan! Stop this craziness!" Pagpuputol ko sa kanya habang nakayuko sya. Magsasalita na ulit sana siya pero inunahan ko siya

"You're not my type. You're so disgusting. I don't like you nung una palang. Bakit ba hindi mo maitatak sa utak mo na hindi nga kita gusto!?" Sigaw ko sa kanya. Samantalang taas noo siyang tumayo.

"Tungkol ba 'to kay Justin? Binabantaan ka ba niya na may gagawin siyang masama sayo pag sakin ka sumama? Ano?" tanong niya. Anak ng pusang may siyam na buhay, idadamay na naman ba nya si Justin dito?

"No, Justin hasn't do anything about this, in fact I like him more than you. There's more chance that I'll fall for him than to fall for you. Yohan, look at yourself. Pinipilit mo ang sarili mo sa isang bagay na hindi pwede sayo. He's not like any boys out there and that attitude is my type. I would rather love him than to love you" Sabi ko at nagbalak na umalis na pero natigilan ako sa sinabi niya.

Harsh na kung harsh, I just don't want people to get hopes on me. Kahit na nandidiri ako sa pinagsasabi ko about sa nerd na yun, kailangan kong sabihin yun. Ayokong umasa sila sakin tapos ako ang sisisihin nila kapag nasaktan sila. It wasn't my fault tho kaya habang maaga pa, gusto kong tumigil na ang isang 'to sa kakakulit sakin.

"Hindi mo naman siya gusto, diba? You don't have feelings for him, Right? Tell me, tama ako diba?" Napabugtong hininga ako sa sinabi nya

"Hindi pa ba obvious kung bakit ganun ang sinabi niya sayo sa rooftop last time? He likes me and I like him too. We like each other, at wala kang magagawa doon" ana ko at nagsimula nang lumakad papalayo

-

"That Yohan is really creeping me out!" pagod na sabi ko dahilan para mapatawa naman ang dalawa. Buti nga sila patawa patawa na lang habang ako gulong gulo na sa buhay ko

"Alam mo kung hindi lang masama ugali ni Yohan siguro naging jowa ko na yon" Pabirong sabi ni Jaime. Etong babaeng 'to talaga oh, hunter ng lalaki

"Kayo ba Raine? Kamusta kayo ni Stell?" Tanong ni Jaime. Oo nga! Lumalablayp na si Raine parang kailan lang nasa comment section lang sila tas ngayon nagdedate na. Sanaol na lang

❛Marrying You❜ ┇ SB19's Justin✔️Where stories live. Discover now