isa ┃ ᵗʰⁱʳᵈ

1.7K 40 7
                                    

THIRD PERSON'S

"Eto nalang kaya?" Tanong ni Justin sa mga kaibigan pero umiling lang sila

"Wala ka ba talagang sense sa fashion? Kaya napag-iiwanan ka eh! Old-fashioned ka" irap na ana ni Josh samantalang Tumayo naman si Sejun

"Grabe ka maka-old eh ikaw nga yung pinakamatanda dito" pang-aasar ni Stell na ikina-sama ng tingin ni Josh

"Eto, I-try mo" suggest ni Sejun at ibinigay ang isang damit na pang-summer. It was actually a polo shirt with palm tree designs.

"Hindi ba masyadong showy yan?" Tanong ni Justin at nanlumo sa damit dahil tatlong butones ang kulang at sigurado siya na pag sinuot nya ito ay makikita na ang kayamanan sa katawan niya which is he really hates. He doesn't want to wear showy outfits kaya kahit sila Sejun ay nahihirapan sa pagpili ng damit para sa kanya.

"It is called Fashion, Jah. Ganyan na trend ngayon" ana ni Josh tumayo bago dukutin ang wallet nya

"Eto pa, tatlo yan. Isukat mo. Ewan ko nalang kung anong magagawa namin pag di mo pa nagustuhan yan" saad ni Sejun at pumunta kay Josh bago itulak si Justin papasok sa fitting room. Justin sighed in defeat.

"Bibili lang kami ng Fries, Nagugutom ako. Andyan lang oh, tapat lang ng boutique baka naman umiyak ka pa" napasimangot si Justin sa pang-aasar ni Josh

Noong nakalabas na ang apat sa boutique, naka-yukong pumasok si Justin sa loob ng Fitting Room dala dala ang tatlong damit na nais ipasuot sa kanya nila Josh.

He just looked at the mirrors. He wanted to change his styles para hindi na siya nabubully and his friends just helping him. But it's hard for him to change easily since he used to be very conservative especially when he wear clothes. Daig niya pa nga siguro si Maria Clara sa pagiging konserbatibo niya.

Tama ang mga kaibigan niya, may itsura naman talaga si Justin pero hindi lang siya marunong mag-ayos sa sarili. Hindi sa tinatamad, ayaw lang talaga niya.

Lahat ng itinuturo sa kanya lagi niyang nakakalimutan. Ang sabi sa kanya, cover his forehead but ayaw nya. Ang sabi, remove his Eye Glasses kasi wala naman problema sa mata nya pero ayaw niya. Ang sabi, stand straight pero laging nakayuko. Hindi na rin alam ng mga kaibigan niya kung anong gagawin kay Justin

He just sighed at dahan dahan nyang tinanggal ang butones ng polo nya. Wala siyang choice kundi i-suot ang mga damit na pinili para sakanya. Lahat kasi ng mga tipo niyang damit walang pumasa sa apat.

Pagkatapos niyang hubarin ang polo niya ay muli siyang napatingin sa salamin at tinignan ang kaniyang katawan. He just chuckled at himself dahil naalala niya ang sinabi ni Stell noon sa kanya

'Sayang yang abs mo kung walang girls na makakakita'

Again, he just sighed bago pinagmasdan ang damit. He really wanted to change his style. He's tired of being nerd.

Sa kabilang banda, pumasok ng hingal na hingal si Rhian sa isang boutique. Hindi na niya alam kung saan siya pupunta at dito sa boutique siya dinala ng nga paa niya. Wala na siyang pakialam since she was really in a hurry

Kanina pa siya takbo ng takbo. She just wanted to have fun but nauwi sa pagtakas.
Kanina pa siya hinahabol ng mga taga-sunod ni Yohan.

Yohan is well known for being tough and cruel, he was actually a gang leader at sa kamalas-malasang pagkakataon ay nalaman niyang may gusto sa kanya ito

Rhian also have a gang but not exactly like a gang na bumubugbog ng tao nor gumagawa ng masama kumbaga tropahan lang. Pero since hindi maganda ang relasyon ng samahan ni Rhian sa Gang ni Yohan, that's why tinanggihan ni Rhian ang gusto ni Yohan na makipag-date sa kanya, isa pa she doesn't like bad boys kaya iwas na iwas siya kay Yohan

Pero mukhang hindi nagustuhan ni Yohan ang sagot ni Rhian kaya heto siya at sinusubukang takasan si Yohan halos malibot na ni Rhian ang buong mall sa kalahating minuto lamang dahil sa pagtakbo nya

She knows na malapit na rin ang mga humahabol sakanya kaya dali dali siyang pumasok sa random na Fitting Room para magtago

Dahil sa pagod sa pagtakbo, hindi alintana ni Rhian na may tao pala sa loob ng Fitting Room na pinasukan niya

Nagtagpo ang mga mata nila, halos limang segundo rin silang nakatingin lang sa isa't isa. Hindi alam ni Rhian ang ire-react nya sa topless na si Justin.

At this point mukhang nag-sink in na lahat sa utak ni Justin ang nangyare. Sisigaw na dapat si Justin pero ramdam ni Rhian ang mga kalaban kaya agad niyang tinakpan ang bibig ni Justin at pumasok sa Fitting Room

Pinakiramdaman lang ni Rhian ang paligid habang nakatakip ang kamay nito sa bibig ni Justin.

Unti unting bumibilis ang tibok ng puso ni Justin dahil sa ginagawa ni Rhian for some uncertain reason. Ngayon ay nakita na ni Justin ng malapitan si Rhian. He was the same school with the girl but then since they weren't interested in each other, wala ni isa sa kanila ang nagtangkang kumausap sa isa't isa.

Nakahinga ng malalim si Rhian saka dahan-dahang sinilip ang labas para tignan kung nasa labas parin ba ang mga alipores ni Yohan na humahabol sa kanya kanina, nang makita niyang nakaalis na ang mga humahabol sa kanya ay napabaling ang tingin niya kay Justin bago balutin ng hiya nang marealize niya ang sitwasyon ni Justin

"Anong ginagawa mo?" Tanong ni Justin sa dalaga, hindi nalang ito pinansin ng dalaga dahil sa hiya at agad na lumabas sa Fitting Room

Saktong paglabas nito ay ang pag-pasok ng mga kaibigan ni Justin. Nagulat ang apat sa pag-labas ni Rhian sa Fitting Room habang kita si Justin na walang pang-itaas na saplot sa loob

"Hoy! Anong ginagawa niyo?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Stell habang nanlalaki ang mga mata nilang apat dahil sa nasaksihan

Patay

TO BE CONTINUED..

❛Marrying You❜ ┇ SB19's Justin✔️Where stories live. Discover now