dalawampu't siyam | ʳʰⁱᵃⁿ'ˢ

637 26 4
                                    

RHIAN'S

Napabalikwas ako ng higa dahil sa sobrang kaboryongan. Kakagising ko pa lang dahil sobrang daming school works ang pinapagawa sa amin ngayon. Halos maga-alas dos na nung magising ako at halos isang oras na akong nakahiga dito at nakikipagtitigan sa kisame ng kwarto ko.

Napabuntong-hininga ako saka tumayo sa higaan ko. Nang makalabas ako ay tahimik ang paligid. Asan na naman kaya itong si Justino?

"Engot! Asan ka?" sigaw ko sa buong bahay. Nag-echo pa ang boses ko.

"Bakit?" rinig kong sagot niya.

"Asan ka?" tanong ko pabalik.

"Bakit nga? Namimiss mo na naman ako" hindi ko mapigilang mapatawa. Lakas na ng confidence ng lalaking ito ah.

"Kapal ng apog mo. Asan ka nga?" sigaw ko ulit sa kanya

"Nasa sala" nang sagutin niya ako ay dali-dali akong bumaba papunta sa kanya. Ngumiti ako saka isinandal ang ulo ko sa balikat niya.

"Anong meron sayo?" rinig kong tanong niya kaya bahagya akong natawa.

"I'm bored" sagot ko.

"Naglalambing ka lang kase bored ka? Hindi ata tamang paglaruan ang damdamin ko" agad akong napatingin sa kanya saka tuluyang tumawa.

"Ang deep" pang-asar ko with matching hand gestures pa.

"May lovelife ka na 'no? Isusumbong kita kay Tito" matapang na sabi ko. Ewan ko kung bakit bahagya akong nasaktan sa idea na yun.

Ahh alam ko na, baka kase mahahati ang atensyon niya sa akin at dun sa babae niya. But at least that was good for him.

"Bukod sayo at kay mama, wala na akong iba pang babae" Sabi niya saka inilapat ang hintuturo niya sa noo ko bago itulak ang ulo ko. Napaka-salbahe talaga.

"Jah, let's do it" nakita kong nanlaki ang mga mata niya saka napaatras.

"A-anong do it? Siraulo ka ba?!" hindi makapaniwalang tanong niya sa akin.

"Bored nga akooo! Tara na sa kwarto please" sabi ko saka pinipilit siyang hilain. Akmang hihilain ko siya nang ipag-cross niya sa katawan niya ang dalawang kamay niya.

Putek, sabi ko na iyon ang iisipin niya napaka-berde talaga ng utak eh.

"Engot! Kung ano mang iniisip mo, hindi 'yun yun" Sabi ko naman sa kanya. Pasimple siyang napakagat ng labi saka umiwas ng tingin. Ayan, siraulo ka ah. Green minded ka eh, buti nga sayo.

"A-ano ba kase yun? Ayusin mo nga mga usage of words mo! Mamaya kung ibang tao pa yan baka namisunderstand ka pa" sabi niya saka muling lumingon sa ibang direksyon.

"Ang sabihin mo berde lang talaga utak mo. Lika na ngaaaa!" sabi ko sa kanya saka inoffer ang kamay ko para tulungan siyang tumayo mula sa sofa.

Tumikhim siya bago nakaiwas ang tinging kinuha ang kamay ko. Parang gusto ko siyang itulak nang magkonekta ang kamay namin dahil sa kuryenteng dumaloy sa akin. Takte, di naman sinabi sakin ni Mama na si Electric Boy pala 'tong mapapangasawa ko edi sana nag-ready ako.

Nang makarating kami sa kwarto niya ay itinulak ko siya saka binuksan ang cabinet niya.

"A-anong ginagawa mo?" tanong niya sa akin.

"Kumakain, Jah. Kumakain ako ngayon dito sa kwarto mo" sarkastiko kong tanong habang focused na focused sa paghahanap ng damit na isusuot niya.

Nagulat ako nang may malakas na tumama sa ulo ko kaya inis akong lumingon pabalik sa kanya at nakita siyang nagpipigil ng tawa.

"Ikaw ba yun?" tanong ko habang nanlilisik ang mga mata sa kanya.

"Hindi ah. Bakit ko naman gagawin yun sayo?" sabi niya habang pigil na pigil parin ang tawa. Ang bopols naman kase ng tanong ko eh! Malamang, Rhian! Kayong dalawa lang naman ni Justin yung andito ngayon. Magulat ka iba bumato sayo.

"Justin, alam mo nanggigigil ako sayo, halika ditong bata ka at tuturuan lang kita ng leksyon" asar na sabi ko at kinuha sa sahig yung unan na binato niya sa akin.

Sinugod ko siya sa kama niya saka pinag-hahamas ang mukha niya pero swerte siya at hindi ko direktang mahampas yun sa mukha niya dahil sa kamay niyang nakaharang.

"Nakakainis kaaaaaaaa! Hindi ko alam kung bakit ako pumayag magpakasal sa katulad mong nerd! Bwisit ka talagaaaa!" sigaw ko sa kanya saka ko siya narinig na tumawa na parang demonyo. Jusmiyo naman.

"Alam mo kung bakit?" tanong niya. Napatigil ako sa paghahampas sa kanya.

"At bakit?"

"Sa gwapo kong 'to? Sino bang di makakatiis sakin? HAHAHAHAHAHAHAHA" takte yung tawa niya talaga. Si Justin pa ba 'to? Para siyang sinaniban, paki-tulungan naman huhu

"Ang kapal ng pagmumukha mooo! At kailan ka pa naging mahangin ha?"

"Ngayon lang, Love" para akong nilamig sa tinawag niya sa akin.

"Love ka dyan?! Hindi tayo mag-jowa tigilan mo ko, de Dios! Pwede ba?!" sabi ko habang hinahampas pa rin siya.

"Pero mag-asawa tayo" sabi niya habang anay ang pag-taas baba ng kilay niya. Siraulo talaga eh.

"Kadiri ka talagaaaaaa!" sigaw ko saka hinamas siya.

"Enough hitting me, Jade" sabi niya. Nagulat ako nang hablutin niya ang kamay ko at hilain ako papalapit sa kanya.

Shutangina, ano bang pinaggagagawa ng lalaking 'to? Aning ata siya eh.

Napatigil ako sa paghampas sa kanya nang mag-tama ang tingin naming dalawa.

THIRD PERSON'S

Hindi maintindihan ni Rhian ang nararamdaman niya matapos siyang hilain ni Justin papalapit sa kanya. Both hearts are pounding loudly.

At this point, ngayon lang napansin ni Rhian ang pambihirang ganda ng mata ng binata, staring at him para bang gusto nitong makita pati ang kaloob-looban ng dalaga. His stares were the scariest, hindi niya alam pero siguro ay dahil sa isang titig mo pa lang sa kanya ay imposibleng hindi ka magkagusto sa lalaking ito.

His pointed nose, his perfect eyebrows and his reddish lips, hindi niya alam at para bang masisira ang utak niya dahil sa binata.

As for the boy, there's something in him that pushing him to kiss her so he almost did. He leaned in closer to her, closer and closer. He barely could breath because of it, ramdam niya ang pag-hinga ng dalaga sa kanya. At the last chance to kiss her, kaagad natauhan si Rhian at agad na tumayo. Kinuha ang unan ang ibinato kay Justin.

"Puro ka kalokohan" sabi nito saka kumuha ng kahit anong damit at ipinasuot sa binata.

"Suotin mo 'to. Dalian mo" sabi niya. He didn't complained pero sinunod na lamang ang sinabi ni Rhian.

Nang makapasok ng loob ng banyo si Justin ay para bang nanghina ang mga tuhod ng dalaga at napaupo na lamang sa kama habang hinahabol ang hininga niya.

What in the world just happened?!

TO BE CONTINUED..

❛Marrying You❜ ┇ SB19's Justin✔️Where stories live. Discover now