apatnapu't anim ┃ʳʰⁱᵃⁿ'ˢ

582 26 1
                                    

RHIAN'S

"Hoy engot, gising na!" sigaw ko kay Justin habang inaalog siya para makapag-simula na siyang mag-handa.

"5 minutes pa, mommy" napanganga naman ako dahil sa tinawag niya sa akin. Aba siraulo 'to ginawa pa akong si Tita.

I hissed bago kunin ang bolster na yakap yakap niya bago malakas na hinampas ito sa kanya.

"Anong mommy?! Hindi kita anak! Kaya tumayo ka na dyan bago kita ilubog ngayon sa hinihigaan mo!" sigaw ko sa kanya pero nanatili lang siyang tulog. Anak ng tokneneng naman oh.

"Justin de Dios! Gigising ka o hihilain pa kita papasok ng banyo?!" sigaw ko ulit sa kanya for the third time pero hindi na naman siya tinablan.

Napabuntong-hininga na lamang ako bago ilapit ang mukha ko sa tenga niya bago ako sumigaw ulit. Ang hirap pala gisingin ng tukmol na 'to. Para akong gumi-gising ng bata sa sobrang hirap niya gisingin.

"JUSTIN DE DIOS, GIGISING KA O—" nasa kalagitnaan na ako ng pag-sigaw nang makita ko siyang magitla at agad na tumayo

Gago


Potangina



Hayop!


Please lord, sabihin niyong hindi totoo 'to!



AAAAAAAAHHHHHHH MAMAAAAAA



Naputol lang naman ang sasabihin ko nang bigla siyang tumayo. My face were near him kaya halos magulat din kaming dalawa sa nangyare.



We...




We freaking kissed!

Hindi ko alam pero bigla na naman akong kinabahan na ewan. Our eyes were both wide.

Boba ka talaga, Rhian! Bakit mo naman kase naisipang sigawan iyang baliw na yan?! Napahamak ka pa tuloy!

Agad ko siyang tinulak papalayo bago punasan ang labi ko dahil sa nangyare.

"Aishh! Bakit ba kase ang tagal mong magising!?" inis na sigaw ko sa kanya. Takte naman oh! Pahamak talaga 'tong nerd na 'to nakakaurat!

"Eh bakit mo kase ako sinisigawan?!" ganting sigaw niya rin sa akin. Aba! Lumalaban na rin ang isang 'to ah.

"Eh ang tagal mo kase magising! Kasalanan ko ba yun?!" sabi ko sa kanya.

"Ang tagal magising. Ang sabihin mo gusto mo lang maka-chansing sa akin!" sigaw niya pa. Muling napaawang ang bibig ko dahil sa sinabi niya.

"Ang kapal naman ng mukha mo! Bakit ko gugustuhing halikan ang nerd na gaya mo?!" sigaw ko sa kanya. Geez! Dapat pala hindi ko na siya tinulungan noon pa lang kung alam kong kakapal ng ganito ang mukha niya jusko.

"Gwapo naman!"

"Mangarap ka, de Dios! Dalian mo na! Anong oras na oh?!" saway ko sa kanya.

"Bakit ka ba andito? It's not that sasabay kang pumasok sa akin para hintayin mo pa ako" napairap naman ako. Ang slow talaga ng lalaking 'to.

❛Marrying You❜ ┇ SB19's Justin✔️Where stories live. Discover now