tatlo ┃ ʳʰⁱᵃⁿ'ˢ

895 28 3
                                    

RHIAN'S

"Bakit ba kailangan kong sumama? Diba sinabi ko na sa inyo nung una palang na wala akong interes sa kompanya?" Ana ko at padabog na isinara ang pinto ng kotse

They just sighed, both Mom and Dad pagkapasok sa sasakyan. Minsan malas pala maging nag-iisang anak. Matagal ko ng sinabi sa kanilang ayaw kong mag-trabaho sa kompanya for the future pero eto at pinipilit parin nila ako

"We know, Rhian. Kaya nga we're doing this. You are our one and only child. And we know you're not Interested, that's why we need to do this" napairap na lamang ako saka binaling ang tingin ko sa bintana.

Ilang sandali lang katahimikan ay nakarating kami sa building kung saan nagta-trabaho si Daddy. Kung ano mang ginagawa ko dito, wala akong pakialam. Pinilit lang naman ako nila Mommy and as if I have a choice naman

Agad akong umupo nang nakapasok na kami sa opisina ni Daddy, I really don't know what will happen next. But I'm pretty sure hindi maganda dahil sila ang gumawa ng desisyon na iyon. Let's see

I grabbed my phone at naglaro muna para at least malibang ako habang naghihintay, dahil kung kakausapin ko yung dalawang depungal kong kaibigan, panigurado mang-aasar lang ang mga mga iyon

Suddenly an unfamiliar man and a woman entered the room, I guess siya yung kikitain namin. Good thing na hindi ako pinaghintay ng matagal. Dahil kung oo, aalis na ko

But it seems like hindi lang siya yung makakameeting namin. A man also entered the room, but he's familiar. Veeeery familiar

ANAK NG LIMANG TOKWANG KINAIN NG BABOY! Anong ginagawa ni Justin dito?! Why is he here?!

Don't tell me-

"You can sit Mr. de Dios. Rhian, I want you to meet Mr. de Dios and his son, Justin. Your Fiancé" ana ni Dad. Halos manlaki ang mata namin parehas and I almost swear about this.

Yes, I want to Swear!

"Punyet-"

"Your words, Rhianna" pagpuputol sa akin ni Daddy.

"I don't care, why you didn't tell me about this?! Mom? Dad?" Tanong ko sa kanila. Nagkatinginan naman ang mag-ama

"Because honey, I know you will disagree-"

"Well, I will not totally agree with this" pagpuputol ko kay Mom. Then Justin made his lines. Sandali lang, gaya ba 'to sa mga nababasa kong wattpad stories? Akala ko ba anak nila ako? Eh bakit parang pambayad utang yung eksena ko dito?

"Yeah! I won't agree too, You can't control me, Dad! Bakit sa dinami-dami ng babae bakit sa isang mayabang na akala mo maganda at laging mataas ang tingin sa sarili kahit isa rin namang estudyanteng kapantay ng ibang estudyante niyo ko ipapakasal?" Napanganga naman ako sa pinagsasabi nitong lalaking 'to. Aba! Ang yabang nito ah, akala niya ba ginusto ko 'tong mangyare?!

"Hoy aba! Ang kapal rin naman ng mukha mo 'no? At bakit sa niyo ko ipapakasal sa isang nerd slash loser na mahinang lampa pa na walang ibang ginawa kundi yumuko" napaharap si Justin sakin at kita ang inis sa itsura niya. Yan! Tama yan! Mainis ka dahil na-offend ako sa pinagsasabi mong engot ka.

"Aba't-ayoko rin sa isang katulad mong feelingera" halos maibato ko na ang baso na nasa lamesa sa sinabi niya. Konti na lang talaga ang pasensya ko sa engot na 'to.

"Sino ba may sabing gusto ko ikasal sayo, Nerd?!" Tanong ko sa kanya at pinamewangan siya. Akala mo kung sinong gwapo, hindi naman gwapo. Duh!

"Feelingera!"

"Patpatin!"

"Assuming!"

"Loser!"

"Asar Talo!"

"Argh! You are freaking annoying, Nerd! This meeting is over, you heard me?! Walang ikakasal at walang magpapakasal!" Sigaw ko at halos mabalibag ang lamesa sa opisina ni Daddy dahil sa sobrang inis

Pero imbis na itigil nila dahil sa ugali na ipinapakita namin, they just laughed. Mga aning ata 'tong mga 'to. Bakit sila tumatawa!? Hindi kami nagpapatawa dito! We hate each other with all our hearts and they did is to laugh?! Gusto ko talagang manakit ngayong araw.

"Easy, Rhian, Justin. It seems you know each other na" napairap ako sa sinabi ni Tito. Samantalang napaiwas ng tingin si Justin.

"But kids, listen to me" dagdag niya kaya napilitan kaming tumingin.

"Both Roxas Group of Company and De Dios Group of Company are losing money, The sales of both company are decreasing. Baka umabot sa pagkalugi at mapilitan kaming magsara. The thing is we both know our children doesn't have an interest for managing the company in the future, That's why we made this plan" pag-eexplain ni tito sa amin

"Pero bakit hindi si Kuya?" Tanong ni Justin. May kapatid pala siya. Siguro he's more nice kesa sa lalaking 'to. Hopefully, he wasn't like this nerdy ass guy

"Because your brother is studying abroad and besides magkalapit lang kayo ng edad" yeah, I think he's a month older than me. But still, hindi parin yun dahilan para pakasalan namin ang isa't isa. Ni hindi nga din namin mahal ang isa't isa. What kind of nonsense is this?

"Rhian please, do this for our company. You just have to sign a contract for seven years, then it's done. We promise" ana ni Dad. Argh, bakit ba lumalambot ang puso ko sa tuwing may gantong eksena ang pamilya namin? Argh I hate it!

"Dad, wala bang ibang paraan. I don't want to get married" ana ko gamit ang mahinahon na boses. Pero umiling siya. Malas naman

"There's another way pero I don't want you to suffer early and I'm sure walang chance of surviving on that way" he said. Alam ko na ibig sabihin niyan. I will transfer on a Public School, start finding a part time job. Then magiging mahirap. Well I guys I don't want to experience that

I have no choice

"Justin, this is for our sake. Please, minsan lang kami humingi ng pabor sayo, sa inyong magka-kapatid. Please pagbigyan mo kami ayokong bumalik tayo sa hirap, ayokong makita kayong naghi-hirap" ana ni Tito. His eyes are now different. Mukhang family oriented din siya.

"Fine, I agree. But promise me it will happen for only seven years. Walang mag-eextend ng kontrata" ana ni Justin. Bumugtong hininga ako at um-oo na rin. Geez, sana lang matagalan ko 'to.

"Thank you for understanding" I just smiled at them saka bumuntong-hininga

It's just seven years. You can do it, Rhian. For seven fucking years do this, para sa company and para na rin sa family mo.

TO BE CONTINUED..

❛Marrying You❜ ┇ SB19's Justin✔️Where stories live. Discover now