labing-pito ┃ʲᵘˢᵗⁱⁿ'ˢ

667 22 0
                                    

JUSTIN'S

"I like you" mahinang sabo ko sa kanya pero napaiwas sya ng tingin

"But sorry, I don't like you. I'm just doing this for the company. The man that I like is Yohan" Hindi totoo ang lahat ng 'to diba? Tell me she doesn't love that man!

"Justin, wake up! It's just a dream" naalimpungatan ako dahil sa isang pamilyar na boses kasabay nito ang marahang pag-tapik niya sa pisngi ko.

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at halos magulantang ako nang maramdaman ko ang luha na tumutulo sa gilid ng mata ko. It was just a dream right?

"Are you alright?" bumungad ang mukha niya sa akin at bakas ang pag-aalala sa kanyang mga mata.

"Y-yeah" sabi ko saka sinubukang bumangon mula sa higaan.

"B-bakit ka pala andito?" tanong ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan sa panaginip na yun. Ano naman kung magkagusto siya kay Yohan?


Pakiramdam ko ay tinusok ng ilang milyong karayom ang dibdib ko sa sobrang kirot ng puso ko. Bakit ba kase yun yung napanaginipan ko? Jusmiyo naman.

"I heard your sobs kaya pinasok na kita sa kwarto mo and surprisingly, you are crying. Nakita ko ba yung itsura mo kanina? Pfft" hindi ko alam kung bakit ako bahagyang nagulat nang marinig ko siyang tumawa.

It was really weird pero inaamin kong ang sarap pakinggan ng tawa niya.

"Nga pala, sorry if I woke you up. Nag-alala lang ako sooo" wala parin ako sa sarili ko nang sabihin niya yun. Siya? Concern sakin? Wow! I am very startled na concern siya sa tulad ko.

Nang makalabas siya ng kwarto ko ay hindi ko mapigilang sabunutan ang sarili ko. Ang weird talaga nun. And why am I crying? This is crazy. Napaangat ang tingin ko sa alarm clock sa gilid ko.

Anak ng Baby Shark. Mas maaga ako ng tatlong minuto magising ngayon ah dahil ba yun sa panaginip ko? Ewan ko ba kung panaginip o bangungot tawag dun.

Tatayo na sana ako para maligo nang may biglang kumatok. Si Rhian ata, siya lang naman yung kasama ko dito. Magulat ako may ibang taong kumatok sa kwarto ko pfft.

Pag-bukas ko ng pinto ay iniabot niya saakin ang ilang mga make up. Oo nga pala dapat mag make up pagpapasok para magmukhang maayos. Akala ko talaga nung una para lang sa girls 'to pero ngayon ko lang nalaman na kahit pala lalaki kailangan ng ganito.

Baka asarin nila ako na bakla kasi nagme-make up ako pero si Yohan nagmemake up din daw sabi ni Rhian so whatever

Pfft. Ang tapang tapang nun tas nagmemake up hahahha.

-

Pagkatapos kong magayos ng sarili ay bumaba ako para sana maghanap ng makakain. Pagkababa ko ay nakita ko siya na tulalang kumakain. Ano kayang iniisip niya? Pfft.

"Good Morning" ngumiti lang siya sa'kin at hindi nagsalita. Ang sungit naman

Sinusubukan kong magluto para sa pagkain namin pero ang alam ko lang lutuin ay noodles. Hindi naman kase ako pinagluluto sa amin eh. Haaays

I'm trying to cook bacons pero nakakatakot lumapit sa lutuan dahil tatalsik yung mantika

Habang takot na takot magluto dito ay narinig kong tumatawa si Rhian. Di ko namamalayan na nanonood pala siya

Nung napaharap ako sa kanya ay napasimangot ako samantalang natatawa siya kaya lumapit saakin at tinulungan ako

"Hinaan mo lang yung apoy, Hindi ka nagluluto ng barbeque" ana niya at hininaan niya yung apoy. Masyado bang malakas? Siguro nga kasi umuusok na yung kawali. Wala naman kase akong alam sa ganitong bagay eh.

"Tapos sa mantika konti lang, hindi ka magsasabaw ng mantika. Hindi sinigang na bacon ang iluluto mo kaya hinaan mo" dagdag niya at binawasan ang mantika na nasa kawali. Napanguso na lamang ako habang pinapanood lamang siya.

"Use the long spatula para hindi ka matalsikan. Kung ilalagay mo yang bacon make sure na mainit na yung mantika" aniya. Napangiti naman ako saka tumango.

It was kinda cool that she knows this things kahit na lumaki siyang mayaman. Bilib rin ako sa kanya.

Uhm, isa pa she's cute, trying to educate and guide me. Para siyang nanay, napaka-wife material. I just can't help falling— WOOHHH HEP HEP! Jah, tumahimik ka na, baka mapahamak ka pa sa mga sasabihin mo eh.

"Oh, bat ka nakatunganga dyan? Luto mo naman yung parte mo" ana niya. Teka, hindi pa niya niluluto yung sakin? Pero andami nung sa kanya. Akala ko share na kami dun eh.

"Akala ko niluto mo na rin yung akin?" Tanong ko pero dumeretso siya sa lamesa saka dinilaan ako.

"Akala mo lang yun, asa ka" ang sama. Binabawi ko na yung sinabi ko kanina

Teka, bakit ko nga ba sinabi yun? Jah, inaantok ka na naman. Sabi naman sayong matulog ka na ng maaga eh. Pasaway ka talaga.

"Sige na, hati na tayo dyan please" sabi ko at sinubukang iaangat ang takip habang nagpapa-cute pa pero agad niya akong hinampas. Masakit yun ha.

"Mag-luto ka ng sarili mo" irap na sabi niya. Bakit maattitude ang kuting ngayon? Pfft.

"Eh di ako marunong, ayan nalang kakainin ko besides sobrang gutom na ako. Kita mo naman yung hirap nung nagluluto ako diba? Please Rhia" nagpapa-cute muli na sabi ko with matching nagmamaka-awa na hand gesture. Gumana ka na pleaseeee!

"Diba tinuruan na kita?" Tanong niya pero nag-pout lang ako

"Please" pacute na sabi ko. Tumayo lang siya at umirap muli sa akin.

"Bahala ka" ani niya bago umakyat sa kwarto niya. Pfft, ang cute niya. Hindi niya siguro ako matiis. I guess, I'll just use my charms next time.

TO BE CONTINUED..

❛Marrying You❜ ┇ SB19's Justin✔️Where stories live. Discover now