limampu't lima ┃ ʳʰⁱᵃⁿ'ˢ

599 29 10
                                    

RHIAN'S

"Goodluck sa campaign, Rhian!" bati ni Sally sa akin. I smiled at her.

"Thank you! Don't forget to vote for us ah" sabi ko saka binigyan sila ng flyers.

"Syempre naman! We are sure na mananalo kayo ni Justin" I just smiled by that thought. Sana nga, alam kong hindi ako nakakaangat sa klase pero I will try my best to be a good leader.

"Oo nga, wala kayong panama sa group nila Yohan" oo nga pala, group nila Yohan ang makakalaban namin for the elections. Confident rin ako na mananalo kami. Well, may dalawa pa kaming kalaban at dun ako mas kinakabahan. Well-known ang dalawa na kakandidato for President and Vice-president. We are actually four pairs at kabado ako sa magiging resulta ng elections bukas.

"Thank you ha, nung una kase hindi ako confident na tumakbo for this position. Dahil lang dun sa nerd na yun kaya napilitan akong tumakbo. Thank you guys!" nakangiting sambit ko sa kanila.

Ewan ko ba, I just feel so happy today. Pakiramdam ko ay nabawasan ang bigat ng damdamin ko after our conversation kasama si Reia. Pakiramdam ko panibagong Rhian ang narito ngayon sa harap nilang lahat. Sana magtuloy-tuloy na 'tong ganito

"No problem, Rhian. Goodluck sa inyo ni Justin bukas!" tumango lang ako sa kanila. Ayokong biguin sila kaya gusto kong galingan kahit na first time ko lang mag-join sa mga ganito.

"Jade!" napatingin ako ng tawagin ako ni Justin.

"Tawag na tayo nila Ma'am Dela Cruz sa Student Council Room. Tara na?" ngumiti ako sa kanya saka tumango. Napansin niya atang hindi stable ang reaksyon ko nang marinig ko siyang mag-salita.

"Okay ka lang ba?" tanong niya sa akin kaya tumango muli ako

"I'm fine, just a bit nervous" sabi ko saka pilit na ngumiti. Maglalakad na sana ako papunta sa Student Council Room nang hablutin niya ang kamay ko. Anong ginagawa ng engot na 'to?

"It's okay to be nervous, I will always be here para samahan ka" at this point, for I don't know how long but I just felt my heart again. Jusmiyo, para akong aatakihin sa puso sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

Kasalanan mo 'to, de Dios!

Napaiwas ako agad ng tingin. I just can't manage myself kapag nakikita ko siya. Para akong sasabog na di mo maintinidihan. Aaaaaahhh! Ano ba 'to?!

"Lika na" nagulat ako ng kunin niya ang kamay ko. I just felt some sparks flowing into our hands. Pinaglihi ba sa kuryente 'tong lalaking 'to?

Hindi ako makapag-react, hindi ko alam kung bakit hinahayaan ko siyang hilain lang ako papunta sa Student Council Room samantalang noon halos isumpa ko na siya sa tuwing lalapit lang siya sa akin. Bakit Rhian?! Sinapian ka ata kaya wala kang imik ngayon eh!

Ilang minuto lang ay nakarinig ako ng umubo kaya napaangat ang tingin ko at nakita si Ma'am na nakatingin sa kamay naming dalawa ni Justin na hanggang ngayon ay magka-kabit parin.

"A-ahh sorry po ma'am!" sabi ko saka dali-daling bumitaw. Bitin!

Charot! Rhian ano bang pinagsasabi mo dyan ha?!

Tinawanan lang ako ni Ma'am Dela Cruz saka nagsalita na.

"So candidates, ngayon ang campaign niyo for the Elections. I wish everyone prepared their speech para mamaya and best of luck to all of you. Kung sino man ang mapipili for the position, sana maging responsible and trustworthy. Goodluck candidates!" nagsipalakpakan kaming lahat sa sinabi ni Ma'am.

Woooohh! Nag-practice ka na kagabi ng sasabihin mo. Kaya mo yan! For the position, kaya mo yan!

"Resourceful Partylist, be prepared mauuna kayo" napahinga ako ng malalim nang hindi ang group namin ang mauuna.

"VP, naubusan na kami ng flyers. Kulang ata yung prinint namin kahapon" rinig kong sabi ni Christian. He was running for the secretary position. He was also the same class with me and Justin.

"No problem, here's mine. Medyo marami pa namang natira eh" sabi ko saka kumuha ng kalahati mula sa hawak kong flyers saka ibinigay sa kanila.

"Kami na bahala mamaya, VP. Makakaasa kayo ni Pres samin" buti na lang talaga at mati-tiyaga ang napunta sa grupo namin ni Justin dahil kung hindi siguradong mahihirapan kami.

"Thank you guys! Goodluck sa atin mamaya" they lifted their hands saka nag-gesture rin sa akin ng 'Fighting'

Napangiti na lamang ako saka umikot to see Justin smiling at us. Luh, nabuang na 'tong isa.

"Ngiti-ngiti mo dyan?!" sita ko sa kanya. Narinig ko siyang tumawa.

"Wala lang. Cute mo eh" shuta 'tong lalaking 'to. Bigla-bigla umaatake eh!

"A-alam ko" sabi ko saka umiwas ng tingin at nangalumbaba sa table.

"Akala ko hindi mo page-effortan 'to since pinilit lang naman kita sumali. Ikaw pa ata mas stressed sa akin eh" sabi niya sa akin.

"Uhm, Justin?" parehas kaming napatingin ng may tumawag sa kanya.

"Ah yes?" tanong niya. Nakita kong tumikhim yung babae saka pabebeng hinawi yung buhok niya papunta sa likod ng tenga niya.

Nanggigigil ako ah, gusto kong sumapak ng tao ngayon. Masapak nga si Justin mamaya pag-uwi.

"Uhh, I just wanted to say goodluck to you, sana manalo ka" napatingin ako sa kasama na bahagya pa siyang tinutulak-tulak. Sa kabilang partylist 'to ah? Bakit umeeksena 'to dito?

Napairap na lang ako saka sarkastikong napatawa. Akala mo ang gaganda, hoy! Mas maganda pa ako sa inyo wala na kayong pag-asa kay Justin!

"Oh, thank you. What's your name?" nakita kong kulang na lang ay maglupasay yung babae nang itanong ni Justin ang pangalan niya. I swear to this man, I will kill him.

"Queenie po, running for Treasurer. And this is Casey, running for Auditor po" Oh talaga? Sinong may pake? Arghhh!

"Ohh. Nice to meet you two. Goodluck!" gusto kong tahiin yung bibig niya for smiling like that to them. Binibigyan kaya ng malisya! Bakit ba kase ganyan ngumiti yan? Kainis naman!

"qUeEnIe pO. Kala mo naman kung sino" mahinang panggagaya ko sa babae kanina. Mabuti na lang at umalis na siya sa harap ko at baka hindi ko mapigilan ang sarili kong tanggalan siya ng ngala-ngala.

"May sinasabi ka?" tanong niya.

"Tanong mo sa Queenie mo" sabi ko saka padabog na pinatong ang bag ko sa lamesa para umub-ob at pumikit sandali.

TO BE CONTINUED..

❛Marrying You❜ ┇ SB19's Justin✔️Where stories live. Discover now