CHAPTER 18

110 47 9
                                    

Nagising ako at nagulat ako noong wala na sa tabi ko si Jennieca. Hinanap ko agad siya.

"Pretty Baby!" Pagtawag ko pero walang sumagot kaya tinignan ko sa kusina pero wala siya.

"Jennieca!" Pagtawag ko ulit at lumabas ng bahay.

Wala siya sa tapat ng dagat kaya pumunta na ako kila Manong Gino.

"Miss Superstar! Aga mo mangtrip ah!"

Habang naglalakad ay nanginginig na ako at kinakabahan.

"Nasaan po si Jennieca?" Tanong ko sa kanila na mga matamlay at biglang umiyak si Aling Minela.

"Umalis na siya Dong." Sabi ni Manong Gino habang himas ang asawa niya.

Napasinghal ako. "Hindi totoo yan!" Sabi ko dahil hindi talaga ako maniniwala na umalis yung babae na yun ng walang paalam. Impossible yun.

"Hoy babae lumabas ka diyan!" Sigaw ko sa bahay nila Manong at tinignan ang bawat sulok nito.

Impossible umalis yung babae na yun ng ganun lang. Pinagtitripan lang ako nun.

"Ay D-dong, umalis na talaga si Ma'am Jennieca. Hinatid siya ni Estor kanina." Naiilang na sabi ni Manong Gino

"Manong bakit niyo pinayagan?!" Pagwawala ko pero wala silang imik.
"Hindi pa nakakaalis yung eroplano nun, lagot sakin yun pag nahuli ko siya. Pahiram ng bangka niyo Manong."

"S-sigi hahatid kita." Naiilang na sagot ni Manong.

"Hindi na ho Manong ako nalang, please po."

"S-sige." Sabay bigay niya ng susi sa kandado ng bangka at kinuha ko ito.

Tumakbo na ako kakamadali para mahabol siya. Pilit kong pinapabilis ang andar ng bangka pero hindi ito mapabilis pa. Hindi ako mapakali ngayon at pilit kong hinahanap si Jennieca.

Hindi ko kaya. Hindi ko kaya na mawala siya.

Noong makarating nang bayan ay tumakbo agad ako. Nilibot ko ang mga mata ko sa mga paligid baka madaanan ko siya.

"Kristoff!" Napahinto ako ng may tumawag sa akin.

"Harry?" Bigla kong nakita si Harry. "Nakita mo si Jennieca?" Nagmamadali kong tanong sa kanya.

"Yeah nagkasalubong kami kanina." Sagot niya agad.

"Okay brad kailangan ko siya puntahan." Sabay akma kong tatakbo ulit pero hinawakan niya ako.

"Can we talk?" Sabi niya.

"Pwede bang mamaya na lang pupuntahan ko pa si Jennieca." Naiinis kong sabi dahil nagmamadali ako.

"Nakaalis na siya." Malungkot na sabi niya.

Nabigla ako sa sinabi niya. Napaupo ako at napayuko. Hindi makayanan ng puso ko yung sakit ngayon.

Ramdam kong lumapit sa akin si Harry. "Ganyan talaga mang iwan si Jennieca. Hindi siya nagpapaalam kase ayaw niya daw umiyak." Sabi niya.

"Anong sabi niya sayo?" Sabay tayo ko.

"Wala siyang sinabi kanina. Nung nakaraang araw meron." Nakangiti niyang sabi.

"Oo narinig ko pa nga eh."

"Ow. Alam mo na kung gaano ka kaswerte?" Parang may sarkasmong ngiti pa sa mukha niya.

Mess With YouWhere stories live. Discover now