CHAPTER 12

153 74 36
                                    

Nagising ako nang katabi parin si Jennieca. Nakaakbay ako sa kanya at at siya naman ay nakahiga sa dibdib ko. Kita ko ang labi niya at naalala ko ang lambot at tamis ng paghalik niya. Hindi ako makapaniwalang hindi na ako virgin. Ang mas hindi ako makapaniwala ay sa superstar pa!
Nasa akin na ata lahat ng swerte.

Naisip ko siyang lutuan kase malamang gutom siya pag gising kaya binuhat ko siya at hiniga sa unan yung ulo niya pero nagising na siya.

"Good Morning, Pretty Baby." Bati ko sa kanya at ngumiti siya.

"Good Morning Baby!" Sabay pisil niya sa pisngi ko.

"Big boy na kaya ako! Big ba?" Pagbibiro ko sa kanya.

"Siraulo ka! Virgin ka pa ba? Bakit ang galing mo ha!" Pag hampas niya sa braso ko.

"May kasama kasing pagmamahal yun!" Pagmamayabang ko. "Tara breakfast na tayo." Sabay hila ko sa kanya pero sumampa lang siya sa likuran ko para madala ko siya.

"Antukin ka talaga. Ito mag coffee ka para magising ka." Sabay timpla ko ng kape kahit nakapatong pa siya sa likod ko. Pag tapos nun ay inupo ko na siya para kumain na.

Pag tapos mag breakfast ay naisipan namin mag linis ng bahay. Habang naglilinis ay nagpapatugtog kame sa radio ng masasayang kanta kaya habang nagpupunas at nagwawalis ay nasayaw kame. Kitang kita ang kakulitan ngayon ni Jennie ko.

Naging masayahin siya ngayon pero minsan andun parin ang kaartehan niya lalo na pag pinipilit ko sa ibang bagay. Pero mas nakakatuwa siya kausap ngayon dahil nagsasalita na siya ng marami at natawa pa.

Mga hapon kung kailan may sunset na ay tumayo si Jennieca sa tapat ng dagat. Tinitignan niya ang sunset at nilalanghap ang hangin.

Lumapit ako at niyakap siya sa likod. Nakapatong sa balikat niya ang mukha ko at magkatabi ang pisngi namin ngayon.

"Sa tuwing malungkot ako tinitignan ko itong sunset at dagat." Malambing na sabi niya. "Akala ko ito lang yung magpapasaya sa akin noon, nag-iba na nung dumating ka." Sabay harap niya sakin at hiwakan ang mukha ko.

"Ang lalim ng kalungkutan mo, dahil lang ba yun sa ex mo?" Naisip kong itanong agad sa kanya.

"Hindi, noong bata ako masayahin ako. Pala kanta at sayaw pa ako nun. Pero nagbago yun noong iwan kame ni Daddy. Nalungkot ako nun pero mas nalungkot si Mommy kaya sumama siya sa ibang lalaki." Malungkot niyang sabi sabay tingin sakin. "Kaya simula nun mag isa na lang ako." Sabi niya na naawa ako.

Hinawakan ko nag pisngi niya. "Hindi kana magiging mag isa, dahil nandito na ako."

"No choice ka rin dahil hindi kana makakaalis dito." Biro niya kaya natawa ako.

"Bakit ako yung napili mo na isama? Pwede naman yung guard? Yung tsuper? O yung assistant mo?" Tanong ko sa kanya na natawa siya.

"Hindi ko alam, siguro napangiti mo ako ng onti nun na hindi nagagawa ng ibang tao."

"Na yung ex mo lang ang nakakagawa?" Natatawa kong tanong.

"Ahm medyo? Siguro dahil comfortable ako sa kanya dahil siya lang yung nakasama ko noong bata ako." May kirot akong naramdam ng onti doon sa sinabi niya. "Pero ikaw lang ang nagpasaya sa akin ng ganito." Sabay ngiti niya sakin ng malaki.

Ngumiti ako dahil sa sinabi niya at hinalikan ko siya.

JENNIECA'S POV

Naglalakad kami ngayon sa tabi ng dagat. Dati ayoko hawakan yung kamay niya dahil marumi, ngayon ayoko nang bitawan. Hindi ko alam kung gaano karami yung gayuma na nilagay nito sa kape ko para maadik ako sa kanya at mahalin ko siya ng ganito ka sobra.

Mess With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon