CHAPTER 1

580 166 203
                                    

November 2019.

KRISTOFF'S POV

"Final exam mo na bukas! Wala kang ginawa kung hindi matulog!"

Nagising ako sa sigaw ng magulang ko. Dahil binungangaan na naman ako.

Sarap ng almusal ko, isang sermon. Ngayon lang ako nagising dahil napuyat ako kagabi kaka-aral sa darating na final exam bukas. Kagabi ako nag review para pagpahingahin ang utak ko ngayon. Pero wala rin, nai-stress pa rin ako dahil sa sermon nila.

Kahit gawin ko naman lahat galit parin sila sa akin. Kahit puro dean lister na ako, maraming award at medal na naibigay sa kanila, never nila ako magiging paborito. Well I'm not asking to be their favorite but I'm asking them to be equal.

"Daig ka talaga ng kapatid mo! Siya, nagpapakahirap siya para may ibigay sa amin noon! Pero ikaw puro ka lang tulog!" Tahimik parin ako dahil pag sumagot ako magiging salbaheng anak ako. Kaya lahat ng gusto kong isagot ay naiipon sa utak ko at doon sumasakit ang ulo ko.

Lagi nila ako binubungangaan sa mga bagay na hindi nila nakikita. Kino-Compare pa sa iba kahit ako naman ang nakakalamang. Bulag sila sa mga ginagawa ko at hindi nila alam na lahat ng ito ay para sa kanila.

Marami na silang sinabi tungkol sa pag compare sa amin ng kapatid ko kaya hindi ko na natiis at sumagot na ako. "Wala na nga yung tao, Bakit hinahanap niyo pa yun??!!!" Nabigla rin ako sa sinabi ko na napasigaw sa kanila.

"Bastos ka!" Sigaw sa akin ni Daddy. Nagulat na lang ako ng makaramdam ako ng sapak mula sa kamo niya. Dahilan para mapahiga ako sa sahig. "Alam mo! Sana ikaw na lang yung nawala!"

Napatingin lang ako kay Daddy dahil sa huling sinabi niya. Sumakit yung dibdib ko dahil sa narinig ko.

"Be aware of what you wish for." Sabi ko pag tayo. Tinitigan ko lang sila ng masama at pagtapos nun ay mabilis kong kinuha ang backpack at jacket ko sabay bumaba sa hagdan.

Maluha luha akong lumabas ng bahay at nag iisip kung saan pupunta.

Sorry Daddy and Mommy.

Gusto kong mahanginan ngayon kaya aalis muna ako sa bahay na ito. Iiwan ko muna lahat ng problema ng utak ko dito sa bahay na ito.

Ang naiisip ko lang puntahan sa sitwasyon na ito ay ang Tagaytay. Kakaiba ang simoy ng hangin doon. Mawawala talaga stress ko at makakapagpahinga ang utak ko.

Nakasakay na ako ng bus papuntang Tagaytay. Tumingin ako sa cellphone ko at nag scroll sa social media.

Napangiti ako noong nakita ko si Jennieca.

Isang sikat na artista at tinatawag na superstar sa panahon ngayon. Magaling siyang sumayaw, kumanta, umarte at nag momodel rin siya. Nasa kanya na ang lahat kaya gusto siya ng karamihan. Hindi ako ganun ka adik sa mga palabas dahil puro aral ako pero sino ba naman ako para hindi magkagusto sa kanya. Kakaiba ang charisma niya, kahit mukhang mataray siya ay nagugustuhan parin siya. Siya lang rin ang nagpapasaya sa akin ngayon. Siya ang natulong sa akin laban sa depression ko.

You're just too good to be true

Can't take my eyes off of you

Pinapanood ko ang isa sa sikat na kanta niya, na nakakapagbigay ng pahinga sakin ngayon.

You'd be like Heaven to touch

I wanna hold you so much

"Ikaw lang ang meron ako ngayon." Naiiyak kong sabi habang pinapanood ang video niya.

At long last, love has arrived
And I thank God I'm alive

You're just too good to be true
Can't take my eyes off of you

Mess With YouWhere stories live. Discover now