CHAPTER 6

186 90 35
                                    

Bago dumilim ay pumunta ako kila Manong Gino at sinabi ko sa kanila ang plano ko. Noong dumilim na ay tinawag kami nung isang bata at sinabe na naliligo na daw si Jennieca. Yun ang inutusan namin kasi kung si Liam baka pag taksilan kame. Nag ready kame at pumunta sa harap ng pinto ng bahay. Lahat nakasuporta sa akin kasama yung mga chismosang kapitbahay.

Hinintay namin si Jennieca na lumabas ng bahay pero hindi namin namalayan na aabot ng ilang oras ang pag hihintay namin. Ang kupad talaga ng babaeng ito.

Maya maya nahiya na ako sa mga naghihintay kaya kumatok na ako sa pinto ng bahay.

"Sino yan?!" Sigaw pa ni Jennie.

"Lumabas ka nga dito babae!" Sigaw ko rin sa kanya para marinig niya.

"Bakit ba?" Mataray niyang sagot.

Hirap talaga nito pakiusapan. "Basta lumabas ka!"

"Pumasok ka na lang kaya!"

"Lumabas ka nga sabi!" Pagpipilit ko.

JENNIECA'S POV

Bwiset naman yung abnoy na ito. Ngayon pa nang abala kung kalian ginaganahan ako maglinis.
Madali kong binuksan ang pinto.

"Punyeta bat hindi ka na lang kase pumaso-" Napatigil ako sa pag bulyaw sa kanya ng makita ko ang mga tao sa harap ko. "Anong meron?" Pagtataka ko dahil marami sila.

Biglang may tumunog na tipa sa gitara na gawa ni Manong Gino. Inabutan rin akong ng mga bata ng bulaklak.

Tapos dahan-dahang bumuka ang gitna at biglang bungad si Toff.

Wise men say

Only fools rush in

Pagkanta ni Toff nung pagpunta niya sa harapan.

But I can't help falling in love with you

Naweweirdohan ako sa nakikita ko ngayon. Si Manong Gino ay nag gi-gitara, yung mga bata ay nasayaw at si Toff naman ay nakanta.

Shall I stay?

Would it be a sin

If I can't help falling in love with you?

Harana ba ito? Ngayon lang ako nakaranas ng ganito sa buong buhay ko. Pero nakakatuwa pala ang ma-harana.

Like a river flows

Surely to the sea

Darling, so it goes

Some things are meant to be

Lumapit siya habang nakanta. Parang nag slow mo ang bawat hakbang niya at ramdam ko ang lambot ng bawat kanta niya, samahan pa ng malamig niyang boses.

Take my hand

Sabay lahad niya ng kamay pero napatingin lang ako sa kanya. Iba ang nararamdam ko ngayon. Bakit niya kaya ginagawa ito?

"Huy take my hand nga." Sabi niya ng nakalahad parin ang kamay niya.

"Bakit? Ano meron?" Pagtataka ko.

"Basta hawakan mo!" Paglilit niya.

"Ayoko nga!" Pagtanggi ko. Ano kayang trip nento.

"Haysh! Hirap mo naman papayagin agad samantalang ako napa oo mo agad nun!" Pagtotopak niya.

"Hindi ako uto-uto e."

"Dali na! Nangangalay na ako!" Sigaw niya pa.

"Sige na po Miss!!!" Sigaw rin ng mga bata kaya huminga ako ng malalim at tinanggap na ang kamay niya kahit ayoko.

Mess With YouWhere stories live. Discover now