CHAPTER 11

157 77 34
                                    

WARNING: PLEASE BE ADVISED THAT THIS CHAPTER CONTAINS MATURE SCENES AND STRONG LANGUAGES.

JENNIECA'S POV

Nasa bahay ako nila Aling Minela ngayon dahil aayusan nila ako para sa darating na awarding at celebration mamaya sa baryo.

"Sa totoo lang Aling Minela hindi mo na ko kailangan ayusan dahil maganda naman ako kahit naka lipstick at eye shadow lang." Pagmamayabang ko sa kanya.

"Haha. Maganda ka naman talaga Jennieca. Pero mas magugustuhan ka ng mga tao pag simple lang." Malambing na sabi niya. "Lalo na ni Toff."

"Oh?! E gusto naman talaga ako nun kahit hindi pa simple ang mukha ko! Lagi ba namang nakanganga sa harap ko na parang aso." Pagpapaliwanag ko habang tumatawa si Aling Minela.

"Ganon ba? Ikaw ba Jennieca?" Napalingon ako sa tanong ni Aling Minela. "Gusto mo ba si Toff?"

"Uhm??" Sagot ko habang nag iisip nang maisasagot. "I don't know."

"Haha Ows." Sagot ni Aling Minela na parang hindi naniniwala. "Pero natitipuhan mo ba siya?"

"Uhm. Pwede na. Mukhang tao naman e." Sagot ko at tumawa lang ulit siya.

"Sa sobrang ganda mong babae. Ano ba gusto mo sa mga lalaki?"

"I don't have characteristics when it comes to love. Naniniwala ako na pwede tayo mainlove kahit kanino."

Kahit sa mukhang abnoy pa na tulad ni Toff.

Napangiti ako nang maisip ko ang mukha niya tuwing inaasar ako.

"Kung ganon pwede ka magkagusto kay T--"

"Wag ka nang magtanong Aling Minela!" Sabat ko agad sa kanya. "Ayusan mo na lang muna ako at ayoko pumangit ngayon." Sabi ko sa kanya at tumawa lang ulit siya.

KRISTOFF'S POV

6pm na at mag i-start na ang celebration dito sa pinaka barrio ng isla. Parang party talaga kung titignan. Ang raming led lights na nakalawit, maraming naka design na flower at may nailaw na pang disco. Parang mga nasa 80s o 90s kame.

Wala pa si Jennieca dahil inaayusan siya nila Aling Minela dahil mamaya rin yung awarding sa mga nanalo sa palaro kanina. Suot suot ko ngayon yung magandang bili sakin na polo ni Miss Superstar. Ngayon hinihintay na lang namin sila na dumating.

Maya maya may dumating na pinagtinginan ng mga tao. Nasa malayo pa yung tao pero makikita na naka dress siya na puti. Noong lumapit siya ay hindi ako makapaniwala na si Jennieca pala.

Ibang iba ang itsura niya ngayon. Iba ang charisma niya ngayon dahil para siyang anghel. Nakalugay yung buhok niya na ngayon ko lang nakita dahil lagi siyang nakatali.

Simple lang ang mukha niya. Wala gaanong kolorete pero kitang kita ang ganda niya ngayon. Madilim ang paligid pero parang siya lang ang lumiwanag ngayong gabi. Parang siyang galing langit na sinusundo ako.

Oo nga pala patay na ako. Patay na patay sa sayo.

"Ka gwapa nimo Ma'am Jennieca." Bati ng karamihan pero ako nanatiling tahimik parin.

Yes, I'm speechless about her beauty right now.

Nasa harap ko na siya ngayon at nakangiti siya sa akin pero ako hindi ko parin alam ang sasabihin ko. Binuka ko na lang yung upuan para pa-upuin siya. Hanggang titig lang ako sa kanya ngayon.

"Kanina ka pa titig ng titig, mukha kang timang." Sabi niya na natatawa.

Napaiwas ako ng tingin sa kanya. "Ganda mo ngayon eh." Sabi ko nang hindi natingin sa kanya.

Mess With YouKde žijí příběhy. Začni objevovat