CHAPTER 8

172 85 33
                                    

Nasa sala kami ngayon ni Miss Superstar. Nakaupo siya sa mahabang kawayan samantalang ako naman nasa iisang upuan na gilid. Nakacross ang mga kamay at paa niya na makikitang galit siya.

Tinitignan ko lang siya. Sa tuwing titingin siya ay iiwas naman ako ng tingin. Hindi ako makatingin sng deretso sa kanya dahil sa kahihiyan na nagawa ko.

"Saan tayo mag pa-practice?" Tanong ko sa kanya nang hindi parin natingin.

Naisipan ko na tulungan na siya mag practice tutal ako naman nagpahamak sa kanya.

"Magbihis ka at pumunta ka agad kila Manong Gino ha!" Sabay tayo niya at lumabas ng bahay.

Seryoso kaya siya dun?

Pagtapos ko magbihis ay pumunta na ako kila Manong Gino dahil baka mabugbog pa ako pag tinagalan.
Pagpunta ko doon ay may nakita akong babaeng naka talikod. Naka leggings siya na nagpakita ng kurba ng bewang niya at naka sando na halos kita buong likod niya. Nakatirintas pa ang buhok niya.

"Sexy!" Bulong ko.

"Sinong sexy ha!" Pag harap ng babae na doon ko lang nalaman na si Jennieca pala. Sabay hatak niya sa kwelyo ko para masakal ako at lumapit ang mukha ko sa kanya.

Hindi ko alam bakit parang bumagal ang mundo. Parang nag slow mo yung pag tinginan namin sa isa't isa. Kung dati ay naiinis ako sa itsura niya pag galit siya ngayon parang natutuwa pa ako.

Bumagal talaga lahat ng galaw hanggang sa sikmuraan niya ako.
"Pinagtatawanan mo ba ako?"

"Oh! Oh! Hindi!" Sagot ko habang naubo ako. "Hindi pa nga simula nanakit kana! San ba tayo magpapractice?"

"Dito." Turo niya sa kulangan ng mga baboy.

"Ayoko nga! Maputik dyan eh!" Pag angal ko sa pa square na kulungan ng baboy.

"Arte mo ikaw ba artista dito?!" Galit niya talagang sigaw.

"Hindi." Nahihiya kong sagot.

"Hindi pala edi pumasok kana!" Paborito niya ako sigawan ngayon.

Pag pasok ko sa loob ng kulungan ay nagulat na lang ako nang bigla akong na-spear ni Jennieca. Kaya napahinga ako sa putikan buti na lang at malambot. Nagulat ako ng lumapit ulit si Jennieca at pumatong sa harapan ko.

"Hoy anong ginagawa mo! Public to!" Kinakabahan kong sabi kanya. Baka kung anong gawin niya e virgin pa ko.

"Nagpapractice tanga!"

"Hindi na practice yang ginagawa mo eh! Teka nga!" Sabay pag laban ko sa kanya para makatayo. "Maglalaban ba tayo?" Tanong ko nung pagkatayo ko.

"Malamang kaya nga pagpraktisan kita diba. Tanga!" Sigaw niya sa akin.

"Daya mo dinambahan mo agad ako eh! Manong ikaw referee!" Pag utos ko kay Manong at nag ready na ako.

"Okay! Ready in 3, 2,1!"

Nag iikutan kami ni Jennieca ngayon sa kulungan ng baboy habang nakataas ang parehong kamay. Sabay na kaming nag hawak ng kamay. Tinatry ko siya patumbahin pero nagulat ako sa lakas niya at kaya niyang baliin ang kamay ko. Bigla niya akong pinatid sa paa kaya napatumba na naman niya ako. Hiniga niya ako sa putikan gamit yung kamay niya na hawak parin ang mga kamay ko.

Pumatong ulit siya sa harapan ko ngayon at hindi ko magalaw ang mga kamay ko sa lakas niya. Nung pagtingin ko sa mukha niya ay biglang... Bumagal na naman ang mundo.

Nagagandahan ako sa mukha niya ngayon kahit gigil siya. Cute niya talaga pag nagagalit siya at kaya ko na siyang titigan ng ganito.

"Anong ningingiti-ngiti mo dyan??!!!" Mabagal na sigaw niya.
Pag tapos nun ay mabagal niya akong sinapak at biglang dumilim ang paligid.

JENNIECA'S POV

Nasa kawayan parin siya ngayon at nakahiga. Hindi parin siya nagigising dahil sa suntok ko. Ganun ba talaga kalakas ang suntok ko para hindi siya magising hanggang ngayon?

"Bakit mo ba kasi ako tinatawanan kanina? Bakit mo ako binibigyan ng ganung kagandang ngiti?" Sabay yuko ng ulo ko.

"Nakakainis kase yung ngiti mo! Oo yung ngiti mong pinapatibok ang puso ko." Sigaw ko sa kanya pero tulog parin.

"Nakakainis ka! Nakakainis ka!" Sabay hampas ko sa braso niya.

KRISTOFF'S POV

Nagising ako ng tuluyan dahil sa nahampas sa akin.

"Aray! Bakit ka nanghahampas! Sinapak mo na nga ako eh!" Sigaw ko kay Jennieca na nandito sa harap ko nakaupo.

"Narinig mo yung sinabe ko?" Tanong niya bigla.

"Ano yung sinabe mo?" Pagtataka ko.

"Wala! Talaga sa hampas ka lang nagising?"

"Oo at pinutol mo pa ang panaginip ko!" Sabay alala ko sa magandang panaginip ko.

Tungkol parin kay Jennieca. Ganun ba talaga siya kagusto ng puso ko para pati sa panaginip ay nagpapakita siya. Pero ang ganda ng panaginip na yun, kase doon parang nakita ko yung totoo niyang ngiti. Yung ngiti na hindi ko pa nakikita sa personal at kahit sa TV.

Sa panaginip, masaya kaming nanonood ng tv at sabay na kumakain. Ang mas nakakatuwa doon ay sabay kaming kumakan---

"Aray!" Naputol pag iisip ko dahil sa batok ni Jennieca.

"Anong ningingiti-ngiti mo dyan ha? Para kang timang!" Sigaw niya.

"Yung panaginip ko. Maganda yung babae dun eh!" Sagot ko sa kanya.

"Mas maganda pa sakin?" Tanong niya na mukhang nagseselos.

"Oo, mas maganda kase laging nakangiti yung babae. Hindi tulad mo na laging nakasimangot!" Matapang na sagot ko sakanya. Sakit parin ng batok niya eh!

Bigla niya akong sinakal. "Siguraduhin mong mas maganda sakin yan dahil kung hindi, hindi lang yan ang aabutin mo sakin." Sabay bitaw niya sa leeg ko at pumunta sa kwarto niya sabay sinarado yung pinto ng padabog.

Napangiti ako, hindi niya alam na siya ang tinutukoy ko.

Ikaw lang mismo ang mas gaganda pa sa sarili mo pag ngumiti ka.

Mess With YouWhere stories live. Discover now