CHAPTER 16

122 59 9
                                    

Nagising ako nang maaga at tulog parin si Toff. Napangiti ako. Ang gwapo niya talaga pag tulog.

Umalis ako ng tahimik sa kwarto. Balak ko siyang lutuan ngayon para pag gising niya ay kakain na lang siya. Kaso punyeta wala nang maluluto sa ref dahil wala nang mga pagkain. Naisip kong mamalengke na lang at sakto kailangan ko rin kontakin ang assistant ko about my contract if  na-cancel na ba.

Nagpahatid ako kay Manong Estor kaibigan ni Manong Gino na namamangka rin papuntang bayan para mamalengke.

Sinamahan niya rin ako mamalengke at siya ang nagbubuhat lahat. Pag katapos mamalengke ay pinahatid ko muna sa kanya ang mga pinamili doon sa bangka habang kino-contact ko ang assistant ko.

Inactivate ko ang social media ko saglit para ma-contact yun pero walang sagot ang gaga.

Naghintay muna ako saglit baka tulog pa kaya nag scroll muna ako sa social media.

Nagulat ako nang makita ko ang post ni Harry.

Alone forever! At surigao.

15 mins pa lang ang nakakalipas sa post niya na nasa magandang river siya at nakalagay sa location ay Hinatuan.

Biglang dumating si Manong Estor kaya nagulat ako.

"Ma'am okay na po ba kayo? Naka ready na po ang bangka." Masaya niyang sabi.

"Where is this?" Sabay pakita ko sa kanya ng river kung nasaan ngayon si Harry.

"Enchanted river po yan Ma'am. Dito po yan sa Surigao at isang oras po makakapunta dyan kung sasakay kayo ng tricycle simula dito." Pagpapaliwanag niya.

"Okay." Sabay tago ko ng Cellphone ko. "Hindi pa nasagot ang assistant ko. Pwede bang mauna ka na lang?"

"Ano ho?" Paguulit niya.

"Mauna ka na lang bumalik ng isla. Sasakay na lang ako sa ibang bangka pauwi. Pahatid na lang sa bahay namin yung mga pinamili." Utos ko sa kanya.

"Sige po Ma'am." Sabay alis ni Manong Estor.

Pumara ako ng Tricycle at sumakay agad.

KRISTOFF'S POV

"Manong Gino nakita niyo po ba si Jennieca?" Tanong ko kila Manong noong pagpunta ko sa kanila.

"Nagpaalam siya kanina. Ayun mamalengke daw siya." Sagot niya agad.

"Nang mag isa lang?" Pag aalala ko.

"Nagpasama siya kay Estor balak ka daw niya pag lutuan para kakain ka na lang daw pag gising." Sabi ni Manong.

"Sige po. Balik na po ako ng bahay baka dumating na yun, mag wala pa pag wala ako." Sabay tawa namin parehas ni Manong Gino.

Naglalakad ako pauwi. Kinilig ako dun ah. Balak niya pala ako lutuan. Ang sweet niya talaga, minsan. Noong malapit na ako sa bahay ay nakita ko si Manong Estor na nakatok sa pinto.

"Manong Estor!" Pag tawag ko sa kanya.

"Ay Toff andyan ka pala. Ito pala yung mga pinamili ni Ma'am Jennieca." Sabay abot niya ng mga nakabalot na pagkain.

"Bakit po kayo ang nagbigay? Nasaan ho siya Manong?"

"Ay nagpaiwan doon sa bayan, hinihintay niya daw sumagot ang assistant niya." Sagot ni Manong Estor na kinabigla ko.

"Nako Manong bakit mo iniwan yun??!" Pag panic ko kaya napasigaw ako. "Dudumugin yun dun! Tara na puntahan natin." Sabay hila ko kay Manong Estor at pag punta sa bangka niya.

Mess With YouWhere stories live. Discover now