CHAPTER 13

138 61 29
                                    

"Toff!" Tapik ni Jennieca sa mukha ko para magising ako. "Alis tayo?"

Bumangon ako para maupo. "Saan tayo pupunta?" Napapakamot kong sabi. Ang aga niya akong gisingin jusko. Pinuyat niya ako kagabi e.

"Let's climb." Masaya niyang sabi.

"Ano?" Pagpapaulit ko habang pinupunasan ko ang mata ko.

"Bungol ka ba? Mamundok tayo tanga!" Sigaw niya para magising ako ng tuluyan.

"Saan naman?" Naiinis kong tanong.

"Sa kabilang isla. Sabi ni Manong Gino may maganda daw na bundok doon na pwedeng akyatin." Masaya niyang sabi na parang excited.

"Lahat naman pwedeng akyatin." Bulong ko.

Bigla niya akong sinampal. "Pumayag ka na lang!" Inis niyang sabi.

"May choice ba ko?" Ngumisi lang siya.

Nag gayak na kame at sumakay ng bangka. Mga 30 minutes lang ang byahe at nakapunta na kame sa isla na tinutukoy ni Jennieca. Kaibigan ni Manong Gino ang naghatid samin si Manong Estor. Kaming dalawa lang ni Jennieca ang namundok at may hawak siya na mapa ngayon.

"Marunong ka magbasa ng mapa?" Tanong ko sa kanya.

"Malamang! Anong gagawin ko dito tissue?" Pamimilosopo niya.

Tinignan ko yung mapa. "Hirap kaya niyan." Sabi ko dahil ang raming bilog at maraming nakasulat na nakakalito.

Tinignan niya lang ako. "Walang mahirap sakin." Pagmamayabang niya. Sabay lagpas niya sakin. Napanganga na lang ako as in Wow.

Balak niya ata akyatin yung tuktok ng bundok dahil kanina pa kame naglalakad at sumasakit na ang paa ko.

"Lakas naman ng trip mo ngayon mo pa binalak umakyat ng bundok. Ang sakit na ng paa ko." Pag aarte ko.

"Ang arte mo babae ka ba?!" Galit niyang tanong.

"Huy pinagod mo talaga yung tuhod ko kagabi." Sigaw ko rin sa kanya.

"Hoy walang nangyare satin kagabi!" Sigaw niya sabay hampas niya sakin.

"Aray! May sinabi ba akong meron?" Tanong ko sa kanya na hindi siya agad nakasagot. "Magdamag ka kayang nakapasan sakin kagabi!" Sigaw ko sa kanya dahil iba iniisip niya.

"Ay gusto ko yun ngayon. Yuko ka dali!" Masaya niyang utos sinesenyasan ako na umupo.

"Ayoko nga! Hirap kaya! Nagha-hiking tayo eh. Sakit na nga ng paa ko papabuhat ka pa." Itong babae na ito mahilig akong pahirapan.

"Diwag! Hindi ka makakatikim sakin hanggang matapos yung taon na ito ha!" Sigaw niya.

Nag isip ako, yung loving loving ba ang tinutukoy niya? Next year pa? So 2 weeks pa yung susunod na kiss niya sakin. Hindi ko kakayanin yun baka manghina ako ng todo.

"Ito na sumampa kana!" Sabay upo ko.

Tumingin lang siya. "Nagbago na isip ko. Punyeta ka." Sabay alis niya.

"Huy sigi na sakay kana! Kaya ko naman mag tiis eh! Pero yung two weeks na walang loving loving hindi ko matitiis!" Sigaw ko sa kanya pero patuloy lang siya sa paglalakad.

Maya maya ay napuntahan na nga namin ang tuktok ng bundok. Kitang kita namin ngayon ang dagat at lasap namin ang sarap ng simoy ng hangin. Lalo na at December ngayon kaya talagang malamig.

Mess With YouWhere stories live. Discover now