Mahigit isang oras din ang nilakad namin upang marating ang destinasyon namin, ang mga malalapit na kaibigan ni Ysrael na walang mintis na dumalaw sa kaniya noong lamay, nandito pa din sila hanggang ngayon kasama namin.
Naka ayos na ang mga upuan dito umaga pa lamang, sa unahan kami umupo ni Zean at ang pamilya ko, habang sa pangalawang row naman ay ang mga kaibigan namin ni Zean.
Pinili kong sa pag lubog ng araw siya tuluyang ilibing, nag simula na ang seremonyas at binigyan kami ng pagkakataon upang mag bigay ng huling mga mensahe. Naunang nag bigay ng mensahe si Nana sa kaniyang Apo.
"Apo, si Nanay ito naririnig mo ba ako? Apo salamat dahil dumating ka sa buhay ni Lola alam mo bang nag papasalamat ako dahil iniwan kayo sa amin... kayo ang naging lakas namin ni Rogelio... Apo palagi mo kaming gagabayan at ipagdadasal ka namin palagi... Mahal na mahal kita, Apo..."
Hindi namin mapigilan ang mga emosyon namin, kahit na sinabi kong hindi ako iiyak naiyak pa din ako.
"Ysrael, Apo ko mamimiss ka ng Tatay bakit kasi iniwan mo kami kaagad, hindi ba't nangako ka pang magiging engineer ka? Madaya ka naman Apo inunahan mo pa kami ng Nanay mo, Apo palagi mong tatandaan na minahal ka ng buo ni Tatay..."
Nang matapos si Tatay Rogelio, sumunod naman ang kakambal nito alam kong pinipilit niyang huwag umiyak pero tumulo pa din ang mga luha niya.
Alam ko na mas mahirap lalo na para sa kaniya dahil kakambal niya ito, sanggang dikit sila e mahirap talaga maiwan ka ng taong nakasama mo sa sinapupunan hanggang lumaki kayo,
"Kambal! Alam mo bang naiinis pa din ako sa'yo kasi iniwan mo akong mag isa, pero pinaramdam ni Kuya Zean na hindi ako nag iisa kasi nandito pa sila... Kuya, mahal na mahal kita wala ng mag tatanggol sa akin kapag may umaaway sa akin, pero promise magiging malakas na ako. Mahal na mahal kita, Kuya..."
Mabilis siyang tumakbo kanila Nana at umiyak ng umiyak, ayoko ng mga ganitong senaryo lalong nadudurog ang puso ko inubos ko na ang mga luha ko bago pa dumating ang oras ko.
"Ysrael, Anak si Tita Xindy 'to patawad kung hindi ka na namin na dalaw ah, madadalaw ka na nga lang namin sa ganitong sitwasyon pa, hayaan mo Anak, itutuloy ni Tita ang propesyon niya upang mag ligtas pa ng buhay, salamat sa kaligayahan na naidulot mo sa buong pamilya, mahal na mahal ka ni Tita..."
"Ysrael, ito na ang huling hantungan mo, sayang at hindi kita muling nakalaro ng basketball, pangakong magiging matatag kami at huwag mong isipin na malulungkot kami dahil nawala ka, hindi maiiwasan na malungkot kami pero ikaw ang gagawi naming lakas..."
Alam ko na naging malapit din siya sa mga magulang hindi lang siya sila ng kambal, alam ko na nahihirapan sila dahil nawala na nga ang kapatid ko, nawala pa ang isa sa itinuring nilang anak, pinilit ko na huwag silang tignan ngunit naririnig ko ang mga hikbi nila.
Hikbi ng mga kaibigan ko, kaibigan nila Ysmael, kaklase, guro at ilang malalapit na matatanda sa kanila hindi na mapigilang hindi maluha.
"Ysrael, si Ate Hera 'to alam kong hindi mo ako kilala pero ako kilala kita dahil sa kuwento ng Ate Xian mo, aalagaan namin ang Ate Xian mo pangako 'yan, salamat sa pagpapasaya kay Ate Xian mo, Ysrael, be free now we love you..."
Alam kong hindi pa sila nag kakasama ni Hera pero palagi ko itong kinukuwento sa kaniya kaya naman nag karoon ng ideya si Hera kay Ysrael, hindi na natupad ang nais kong dalhin sila dito para mag enjoy.
Ilang sandali pa ay mga kaibigan na ni Ysrael ang nag salita sa harap, sila Francisco, Gian, Erick at Joshua emosyonal ding nag bigay ng mensahe para sa pinakamamahal nilang kaibigan sa murang edad nila nakikita ko ang katatagan nilang magkakaibigan.
YOU ARE READING
THE PATH FINDING THE CURE (On-going)
Teen FictionAre you willing to sacrifice your life for others? Are you ready to fight to save them? Are you ready to go through the path of death? Do you accept that you will be the solution to solve this situation? Or you will be the cause of everyone's death?
PATH TWELVE
Start from the beginning
