"Ayos lang girls, okay naman na ako sa ngayon." tinapik ko ang mga braso nila at mapait na ngumiti.

Maaga silang dumating dito ngayon, kaya naman nag agahan muna kami naabisuhan na si Nana na madami silang dadating kaya nakapag handa na si Nana, dahil hindi kami kasya dito sa may lamesa, sa may sala na lang kami kumain.

Ni isa walang naisipang basagin ang katahimikan na bumabalot sa amin ngayon, ayaw siguro nila akong abalahin lalo na at nag luluksa pa din ako ngayon pero dapat malakas ako dahil 'yan ang sabi ni Ysrael sa akin at hindi ko siya bibiguin.

Sa mga oras na lumipas habang hinihintay namin ang itinakdang panahon para dalhin sa huling hantungan si Ysrael nanatili kaming tahimik may ilan na natulog muna dahil napagod sa byahe, pero ang tao na siyang hindi ako iniwan simula umpisa nandito pa din sa tabi ko.

Dahil sa pagkaulila ko kay Ysrael muli kong binalikan ang mga picture namin noon at noong nakaraang araw, ang matatamis niyang ngiti, ang pagbungisngis niya, ang pagpapatawa niya, ang pagiging malambing niya, lahat 'yun ay mamimiss ko.

"Mahal na mahal ka ni Ate..."

Braso na siyang naging tahanan ko nitong mga nakaraang araw ay muling yumakap sa akin, tila awtomatikong tumigil ang pag tulo ng luha ko nang maramdaman ko na naman ang mga bisig niya.

Katulad ng sabi niya, siya ang haharang upang walang makakita na umiiyak ako ayaw niyang may makakita ng kahinaan ko. Ilang sandali pa ay sumali na si Zean sa pag browse ko ng mga litrato namin.

Mabilis na lumipas ang mga oras at ito na ang pinakahihintay ni Ysrael, madadala ka na namin sa huling hantungan mo, Ysrael. Gising na din ang mga kaibigan namin na piniling mag pahinga muna sandali, naka suot na din sila ng mga puting damit sumisimbolo na tanggap na namin ang pagkawala niya.

Inabot na ni Zean ang kamay niya sa akin para alalayang lumabas. "Shall we? Nandiyan na 'ata ang mag dadala ng kabaong ni Ysrael."

"Pare, pwede bang kaming anim na lang?" dinig kong sabi ni Brind at turo sa tatlong sisiw at sa kanilang tatlong itlog.

Hindi sana papayag si Zean pero nag pumilit sila, binayaran na lang ang dapat na mag bubuhat at sinabing mga kaibigan na lamang namin ang bubuhat.

"Kahit sa ganitong paraan lang makatulong kami, hindi man namin siya lubusang kilala pero alam ko na malaki ang papel ni Ysrael sa buhay ni Yanyan." tinig naman ni Jiron ang narinig ko ngayon.

Nahagip ng mga mata ko ang litrato niya na matamis na nakangiti.

See, ang swerte mo Ysrael kasi nandito kami sayang hindi mo nakilala sila Kuya Itlogs and Kuya Sisiws mo.

Nandito na din sila Mama, kung si Zean ang umako ng pang burol, slla naman ang sumagot ng pag papalibing kay Ysrael, kung nag sabi lang talaga sila matutulungan namin si Ysrael dahil maswerte siya na nandito kaming lahat para sa kaniya, para sa kaniya.

Dinaluhan ako nila Mama at Papa niyakap nila akong dalawa na siyang ikinatulo na naman ng mga luha ko bakit kasi ang babaw ng mga luha ko sobrang bilis tumulo, pero ito na ang huling pagkakataon na iiyak ako ng ganito.

Mabilis na kaming pumosisyon at ang anim na lalaki ang siyang nasa unahan na sinundan namin nila Mama, Papa, Nana, Tatay Rogelio, at ang dalawang lalaki na nasa mag kabilang gilid ko ngayon. Frano and Zean.

Katulad ng seremonyas mabagal kaming nag lakad hanggang makarating sa pinakamalapit na sementeryo dito sa baryo nila, hindi bakas sa anim ang hirap at pagod alam ko na hindi pa nila nakikilala si Ysrael pero handa nila itong gawin.

THE PATH FINDING THE CURE (On-going) Where stories live. Discover now