Hinawakan ko siya sa braso para pa-kalmahin siya. "Tama na, Jess. Tapos na 'yun e. Hayaan na lang natin sila."

"Ano'ng hayaan? Inahas ka e. Alam mo 'yun friend? Inahas ka ng bonggang-bongga! Nakakainis si Andie! Alam niyang magkaibigan kayo at jowa mo si Ced tapos ganoon na lang? Ganoon na ba sya kakati?" pinaypayan niya ang sarili niya gamit ang kamay dahil sa stress.

"Jessica, tama na. Parang ikaw 'yung inahas sa ating dalawa e."

She composed herself, looked at me then smiled. "Oo nga ano. Pero gosh naman, ano'ng plano mo niyan?"

Nagkibit-balikat ako. "'Di ko na alam. Bahala na. Mabuti na lang at magsisimula na ako sa Masters. This will keep me busy."

"Mabuti naman kung ganoon. Hay, kakarmahin din ang dalawang 'yan! Makikita nila. Digital na yata ang karma ngayon."

Tumango ako bilang sagot. "Pero kasi..."

Nagsalubong ang kilay niya, "Pero kasi ano? Don't tell me babalikan mo si Cedric at magmamakaawa kang balikan siya? Subukan mo lang at kakalbuhin kita talaga, Suri!"

Napakamot ako ng ulo. "Ano ka ba, hindi ko gagawin 'yun ano. Si Cedric kasi, 'yung review center niya katapat lang ng Bradford Building 'di ba? So may chance na magkikita kami."

Nag-cross arms siya. "Oo nga ano, but anyways, patapos na ngayong month ang review niya at ikaw naman magsisimula pa lang sa Masters so keri lang 'yan. Hopefully, 'di kayo mag pang-abot pero 'wag na 'wag mo siyang pupuntahan."

Pinalo ko siya ng mahina sa kamay. "No. I won't. 'Di niya alam kung paano ako nasaktan. At saka sabi rin ni Mikko, hayaan ko na lang din sila and I should move forward for myself."

Iminuwestra niya ang kamay niya na animo'y may ch-in-eck-an sa hangin. "Correct! Ganyan lang ang mantra, friend. Makaka-move on ka rin, okay?" niyakap niya ako pagkatapos. "I'm here, 'di kita iiwan. Love na love kita e."

Niyakap ko siya pabalik. Salamat sa Diyos at kahit papaano ay may mga tao pa ring handang samahan ako sa panahon na nag-iisa ako.

x - - - - - - - - - - x

Okay naman ang first day ng MBA class ko. Medyo nakakalula lang ang mga classmates ko dahil karamihan sa kanila, bukod sa Business Management degree ang tinapos ay may mga entrepreneurs at mga mayayaman din. Kung sabaagay, itong Bradford School of Management ng Rockefeller ang pinaka-magandang MBA school sa bansa.

As usual, loner na naman ako. Hindi naman kasi ako kasing-approachable tulad ni Mikko o kasing-friendly ni Jessica at kung titignan naman ako ay parang ang plain ko at deadkid. Ewan ko ba, ito rin siguro ang dahilan kung bakit ako ipinagpalit ni Cedric. Haaay, ano na naman ba 'tong pinag-iisip ko?! Tama na, Sasha!

Gusto ko sanang makipagkita kay Jess para mag-coffee kami kaso may pasok siya sa sa trabaho kaya ako na lang mag-isa ang pumunta doon. Um-order ako ng Dark Mocha frappe at nag-stay na lang sa table para mag-early study sa mga subjects ko. Ang hirap, pero kakayanin!!!

Sa gitna ng pagbabasa ko, may taong nag-excuse sa akin. Pamilyar siya pero ewan ko lang kung saan ko siya unang nakita.

"Pwede maki-share ng upuan, Miss? Wala na kasing bakante e. Promise, sandali lang ako." sabi niya sa akin. Ang rugged niya tignan, gwapo siya at mukhang suplado pero okay namang makiusap. Tumango ako bilang sagot.

Hindi naman sa ayokong maki-share siya sa table pero kasi ilag talaga ako sa mga tao. Ewan ko ba kung bakit ganito ako. Sa kakaunting tao lang ako kumportable, miski sa mga classmates ko hindi ako close sa kanila. Sadyang sa pamilya ko, kina Jess at Andie pati kay Cedric na talagang malapit ako pero ngayon, nabawasan na ng dalawa 'yung mga malapit sa akin.

Your Boyfriend SucksWhere stories live. Discover now