Nanatali kami roon hanggang sa maghating gabi. Pinag-uusapan ang mga pwedeng gawin kapag pareho na rin kaming nasa kolehiyo.



Ayoko sanang umalis, gusto kong huminto muna ng isang taon para sabay nalang kami ni Ryu pumasok sa kolehiyo sa susunod na taon ngunit hindi siya pumayag.



Ayaw niyang pati raw ako ay mahuli dahil lamang sa kaniya. It's my choice though, at desidido akong huwag mag enroll sa University sa Manila ngunit hindi pumayag si Ryu. Dahil sa mahal ko siya at ayokong magalit siya sa akin dahil sa selfish decision ko ay sinunod ko ang gusto niya.



Dahil sa iba ang buhay sa kolehiyo naging madalang ang pag-uwi ko sa probinsya. Naging parte rin ako ng basketball team tulad ng napagkasunduan namin ni Ryu noon na maglalaro kami sa varsity team ng University na aming papasukan. Nakakalungkot lang at hindi na siya pwedeng maglaro pa dahil sa aksidente.



Lumipas ang mga araw at buwan na matagal kaming hindi nagkikita ni Ryu. Noon akala ko nawala na yung nararamdaman ko para sa kaniya. I tried to date different girls in the University but it didn't work out. Hindi ko maramdaman yung sayang nararamdaman ko kapag kasama ko si Ryu.



Finally, a year had passed and first year college na rin si Ryu. I tried to convince him na sa unit ko nalang rin si tumira since malaki naman iyon at may isa pang bakanteng kwarto. Ngunit hindi siya pumayag dahil ayaw raw niyang maging pabigat sa akin.



I actually don't mind though. Wala akong pakealam kung ibigay ko sa kaniya lahat ng oras ko. Wala akong pakealam kung mag exert ako ng sobra-sobrang effort para sa kaniya. I am willing to give him everything. But of course, hindi ko pwedeng ipagpilitan ang sarili gusto ko.



Kaya naman sa unit nalang niya ako madalas makitulog kahit na medyo parusa ang matigas na sahig! Ipinakilala ko si Ryu sa mga teammates ko at sa ilan pang mga kaibigan ko sa University.



May kaibigan akong bisexual, at unang kita niya palang kay Ryu ay natipuhan na niya ito kaagad, Sinabi niya iyon sa akin at hiningi ang permiso kong pormahan ang aking kaibigan. Alam kong wala akong karapatan kay Ryu, ngunit hindi ko mapigilang ipadamot siya sa iba.



Hindi ako pumayag at sinabi kong off limits siya. Marami pang ibang tao ang nagtangkang pumorma kay Ryu ngunit lagi ko itong hinaharang. Alam kong selfish ang ginagawa kong ito ngunit masyado kong mahal si Ryu at natatakot ako na maagaw siya sa akin.



"Geez. Hanggang kailan mo palihim na babakuran si Ryu, Kyo?" Tanong sa akin ni Clarence isang beses.



Sinulyapan ko iyong chocolate na ipinabibigay ni Daniel, isa sa mga teammates ko para kay Ryu saka iyon inabot kay Clarence. Nagkibit balikat ako.



"Ewan." Sagot ko.



Sinabi ko kay Daniel na wala siyang aasahan kay Ryu dahil wala siyang interest sa mga ganitong klaseng bagay.



"Tsk. Paano kung isang araw biglang may dumating na iba, tapos hindi na gumana iyang ginagawa mo anong gagawin mo?" Sabi ni Clarence.



Sumuluyap ako sa kaniya nang nakakunot ang aking noo. Hindi ko itinago sa malalapit kong kaibigan ang aking nararamdaman kay Ryu. Hindi naman ako nakaramdam ng pagkutya mula sa kanila bagkus ay sinuportahan nila ako sa bagay na ito.



"Kyo, payong kaibigan lang. Aminin mo na sa kaniya ang nararamdaman mo bago mahuli pa ang lahat."



"Kailangan ko pang mag-ipon ng lakas ng loob." Sagot ko.



The Sparks of Our Stars (Varsity Boys Series #1)Where stories live. Discover now