Chapter 1: Alone

174K 2.4K 68
                                    

Alone is without people that you know or that usually are with you.

*****

Chapter 1

Malakas ang ihip ng hangin sa paligid. Ang mga ulap naman ay makulimlim at nagbabadyang umulan. Malakas na kulog rin ang maririnig sa kalangitan na may kasama pang kidlat na pawang nakikiramay sa kung anumang nararamdaman ko ngayon.

"Miss, nandito na tayo," saad sa akin ng trycicle driver na sinasakyan ko. Nagpalinga-linga ako sa paligid, puro kakahuyan lang ang nakikita ko. Parang isang masukal na kagubatan yata ang pinagdalhan sa akin ni Manong. 

"Baka nagkakamali po kayo Manong. Wala naman pong bahay ang nakikita ko rito," sabi ko.

Napakamot siya sa batok. "Eh kasi Miss, hanggang dito lang talaga kami. Property na kasi iyan ng mga Silvestri," sabay turo sa isang papalikong daan. "Diyan ang daan patungo sa mansyon ng mga ito."

"Bakit, hindi niyo po ako pwedeng ihatid sa loob?"

"Matagal nang pinagbabawal ang pagtapak ng kahit na sino sa lupain ng Silvestri. Kung meron lang nga akong kita ngayon ay hinding-hindi ako papayag na ihatid kita rito Miss. Hindi mo ba alam na kinatatakutan ang bahaging ito dahil sa mga kababalaghan na nangyayari sa lupain ng mga yan. Kung ako sa iyo Miss ay hindi ko na itutuloy ang pagpunta diyan sa mansyon, baka ikapapahamak mo pa," banta sa akin ni Manong.

Bigla naman ako nakadama ng takot. Tiningnan ko muli ang daan patungo sa sinasabi nilang mansyon ng Silvestri. Sa tantiya ko ay malayo pa ito mula sa hinintuan namin.

No! Hindi dapat manaig sa akin ngayon ang takot. Kailangan ko itong gawin dahil dito nakasalalay ang kinabukasan naming mag-aama.

"Sige po Manong, salamat sa paghatid," saad ko sabay baba sa sinasakyan kong tricycle. Dala-dala ko rin ang isang malaking bag na naglalaman ng mga kapirasong damit ko.

"Mag-iingat kayo, Miss," sabi pa ng drayber bago pinaharurot nang mabilis ang tricycle na para bang may tinatakbuhang nakakatakot.

Nagpakawala ako ng buntong hininga at tiningnan ang oras sa relong nasa bisig ko. Malapit nang mag-alas singko ng hapon at dahil sa nagbabadyang ulan ay madilim na ang kalangitan.

Napatingin ako sa daang tatahakin ko at parang gusto ko yatang umatras. Isa itong rough road at may mga malalaking puno at damuhan sa gilid ng daan. Ito yung mga daan na nakikita ko sa mga Wrong Turn movies.

Huwag naman sana dahil mukhang gubat yata ang tatahakin ko.

"Ikaw na pong bahala sa akin, Lord," dasal ko sa Panginoon bago nagsimulang humakbang.

Mga ingay ng kuliglig lang ang naririnig ko. Medyo malamig narin ang hangin na humahaplos sa balat ko. Bigla pa akong napasigaw nang kumulog ng malakas na may kasamang kidlat. Napatakip na lang ako ng tenga.

"Relax lang Krish, kaya mo yan. Para ito sa kapatid mo at sa Papa mo," pagpapalakas-loob ko sa sarili.

Nagpatuloy akong maglakad. Tama nga si Manong, para ngang may anong kakaiba sa lugar na ito. Nararamdaman ko ang panganib na taglay sa kagubatang ito na parang may mga matang nagmamatyag sa akin. Iniwasan ko nalang igala ang aking mga paningin dahil baka may makita akong ikakatakot ko.

Bigla akong napatigil nang mabungaran ko ang dalawang daan at hindi ko alam kung saan ako liliko. Unti-unti narin bumuhos ang ulan kaya napatakbo ako ng mabilis sa may puno habang yakap-yakap ko ang bag na dala ko. 

"Paano ito? Anong daan ang pipiliin ko?" tanong ko sa aking sarili habang nanginginig na sa lamig.

Mabuti na lang at may isang kalumaang kubo akong nakita sa may di kalayuan. "Baka pwede ako magtanong doon?" Mabilis akong tumabko sa kinaroroonan ng kubo nagbabakasali na may tao at baka pwede narin ako makisilong saglit. 

"T-tao po!" sigaw ko. "May tao po ba rito?"

Nabigla pa ako nang bumukas ang pinto na gawa sa kawayan. Nabungaran ko ang isang matandang babae na may puti at mahabang buhok. Napalunok ako ng wala sa oras. Kamukha kasi niya ang mga matatandang mangkukulam na nakikita ko sa tv.

"M-magandang hapon po. Makikisilong po sana ako," sabi ko.

Binuksan lang niya ng malaki ang pinto na hindi nagsasalita. Kahit nag-aalangan ay pumasok parin ako dahil kung hindi ay sigurado akong maninigas ako sa lamig.

Walang masyadong gamit sa loob ng kubo. Umupo ako sa isang kahoy na upuan. "Maraming salamat po."

Pumasok siya sa isang silid na nakakasigurado akong nag-iisang kwarto roon. Hindi nagtagal ay lumabas rin siya at may dalang tuwalya na agad namang ibinigay sa akin. "S-salamat po ulit."

Mas lumakas pa lalo ang buhos ng ulan ng may panaka-nakang kidlat. "Pagpasensyahan niyo na po ang pang-iistorbo ko," hinging paumanhin ko sa matanda. Tango lang ang isinagot niya.

Binigyan rin niya ako ng mainit na kape. Tamang-tama para mainitian ang tiyan kong kanina pa nilalamigan.

Naisipan kong magtanong sa kanya baka sakaling magsalita. "A-alam niyo po ba ang daan patungo sa mansyon ng mga Silvestri?"

"Ihahatid kita mamaya kapag tumila na ang ulan," tanging sagot lang niya at hindi na nagsalita pang muli. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil hindi ko na poproblemahin kung paano makakapunta sa mansyon. Mukhang tauhan yata ito si Manang ng mga Silvestri. 

Pinagmasdan ko ang malakas na ulan sa labas mula sa bintana. Naglakbay pabalik ang isip ko sa dahilan kung bakit ako naririto.

"A-ano po!" gulat na naibulalas ko sa aking ama. "Paano pong nangyari yun, Papa? Bakit may ganun tayong kalaking utang?"

"Patawarin mo ako, anak. Magtatayo sana kasi ako ng negosyo, hindi ko naman alam na isang manggagantso yung kasosyo ko kaya ayun at itinakbo lahat ang perang inutang ko," naiiyak na saad ng Papa ko.

"Pa naman! Bakit hindi kayo nag-iingat. Alam mo naman sa panahon ngayon, marami ng manloloko," nanlulumong sabi ko. "Paano natin babayaran yan? Eh kahit magtrabaho ako buong buhay ko ay hinding-hindi parin tayo makaka-ipon ng ganyang kalaking halaga. Kanino ba kayo umutang?"

"Kay Rave Silvestri."

Napakunot ang noo ko. Ngayon ko lang kasi narinig ang pangalang iyon. "Sino naman po iyan? Kaibigan niyo po? Bakit niya po kayo pinahiram ng ganyan kalaking pera?" sunod-sunod na tanong ko.

"Nakilala ko siya sa isang party ng kumpare ko at naikwento ko sa kanya yung kagustuhan kong magtayo ng negosyo kaya lang wala akong pangkapital. Laking gulat ko nga nang sinabi niyang papa-utangin niya ako ng pera na ganun kalaki basta sisiguraduhin ko lang daw na mababayaran iyon kasama na ang interes," salaysay ng papa ko.

"Kaya ngayon ay baon na tayo sa utang at hindi man lang natin nakinabangan yung pera. Pa naman, sana hindi ganun kalaki yung inutang mo. Saan natin pupulutin ang 10 million ngayon?"

"Huwag kang mag-alala anak, gagawa ako ng paraan at kakausapin ko rin si Mr. Silvestri para bigyan tayo ng panahon na mabayaran yan. Ibebenta ko rin yung bahay at lupa natin sa Laguna para pangdagdag."

Bigla naman akong naawa sa Papa ko. Alam kong hindi niya ito kasalanan, sadya lang talagang mayroong mga masasamang tao rito sa mundo na kayang gawin para lang manloko ng tao.

Lumipas ang dalawang buwan ay hindi parin kami nakakalahati sa ibabayad. Tumulong narin ang nag-iisa kung bunsong kapatid na lalaki na ibinenta pa ang sasakyan niya. Ako naman ay nagbenta narin ng mga gamit at alahas, pero hindi parin iyon sapat.

"Tumawag ang sekretarya ni Rave Silvestri at hinihingi na ang kalahati ng bayad," imporma ng Papa ko.

Napapikit na lang ako at hindi alam kung ano pa ang gagawin. Paano namin ito masosolusyunan. Siguradong ipapakulong niya ang papa ko pag hindi kami magbayad.

Kaya ngayon nandito ako para kausapin ng personal si Mr. Silvestri. "Ihahatid na kita," saad ng matandang tumulong sa akin na nagpagising sa akin mula pagbabalik tanaw ko. Tumila na pala ang ulan.

Tumayo na ako at inihanda ang sarili sa pag-haharap namin ni Rave Adrian Silvestri na mag-isa.

*****

-LG-

02-17-15

The Mafia Lord's PossessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon