"That's her fault mom, bakit dinala niya ang sarili niya ron? Hindi ba siya marunong dumiskarte?" Sarkastikong sagot niya sakin, kaya naman hindi ko na napigilan ang sarili ko at dumampi na sa mukha niya ang palad ko.

"Baka nakakalimutan mong babae ang tinutukoy ko claud? no matter how strong she is, she is still a woman..a girl, a young girl.."

hindi siya nakasagot.

"Isang beses nang nalagay sa alanganin ang buhay niya para lang protektahan ka..tayo, 'wag na sana nating hayaang maulit 'yon. Dahil kapag nalaman niya ang katotohanan, wala tayong laban."

Nagbaba ako ng tingin. Hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit abot abot ang kaba ko, pag nagkataong tama nga ang hinala ko. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa'kin!

"A-anong katotohanan mom..?" Muli kong hinarap ang anak ko.

Inirapan ko lang siya at saka kinalikot ang telepono para magpadala agad ng backup kay miss zin. Kakagaling niya lang sa ospital. Mahina pa siya, kahit hindi niya sabihin..

Ilang minuto pa ang lumipas, hindi maalis-alis ang kaba ko. Parang may hindi magandang mangyayari, natatakot ako..

"Hindi pwedeng nakaupo lang ako dito!" Palabas na ako ng mansyon nang biglang..

"Mom! Saan ka pupunta?!"

Pero hindi ko siya pinansin. Dire-diretso lang ako palabas

"Madam, dinala daw po sa hospital si parkzin" biglang salubong saakin ng isa sa pinadala kong backup.

"What!? Alright, dalhin moko ngayon ron! Hurry up!"

Nang makarating kami ay ilang doctor agad ang kinausap ko na gawin lahat para lang maging maayos agad ang lagay niya. Nakahinga naman ako ng maluwang nang malaman kong sa paa lang siya napuruhan.

Nang kusang kumalma ang sarili ko ay doon na ako pumasok sa kwarto niya.

"Owemji! Miss zin, Gising kana!"

Andon agad ang kunot noo niyang reaksyon. "A-ah oho.."

"May masakit ba sayo?" I asked. Umiling naman siya

"Isang araw ka ng tulog after ng surgery mo. Doctors already remove the bullets." Ngumiti ako. Malamang sa malamang may nalaman na siya. Dahil galing na siya sa puder ng kaaway, marami na siyang nalalaman, panigurado.

"Alam ko.." pangunguna ko

"H-ho..?"

"Pervoux, kilala ko na sila."

Lalo namang kumunot ang noo niya,

"H-how..?"

"Its not the right time to talk about it. Take some rest, miss zin. You're parents doesnt know this. I keep it as our secret, dahil alam kong magaalala lang sila." Pagiiba ko ng usapan. Hindi ko muna pwedeng sabihin sakanyang may mga nalalaman pa ako bukod ron.

Na hindi niya pwedeng malaman, buhay ng buong pamilya ko ang mawawala sa'kin..

Selena's pov

"Are you really all stupid?!!!" Malakas na sigaw namin ni boss kendrick. Natahimik lang kami.

'Ikaw ang tanga, kendrick. Ang tanga tanga mo'

"Ikaw, kyrie? Nagiisip ka ba talaga o gusto mong ipalunok ko sayo 'tong baril para magkalaman ka!?" Inis na inis na baling niya kay kyrie. Hindi manlang tumingin sakanya ito.

"..talagang nagdala kapa rito nang ikapapahamak natin!? Napakabobo nyong lahat!"

"Ikaw ang bobo, kendrick. Ginusto mo 'to, kasalanan mo lahat 'to. Bobo ka"

Gustong gusto ko yan sabihin pero gusto ko rin mabuhay, alam kong wala akong laban sakanya, walang wala.

"Nasan 'yong mga pinadala na'tin sa eskwelahan nila claud!? Nasan!!?" Muling sigaw niya.

"Patay na ang isa, habang ang dalawa naman pinatakas ni park--parkzin, boss." Kinakabahang sagot ni klient. Agad naman siyang napalingon dahil don.

"I-isa pa yan.." sabi niya habang napapapikit sa sobrang pagkainis. "Masyadong magaling ang isang 'yan, base sa nalaman ko" parkzin? Sino naman 'yon!? Tsk!

"..at selena" biglang lingon ko naman agad. "Siya ang babaeng nandito kanina" literal na nanlaki ang dalawang mata ko! Hindi na nakakapagtaka, pero talagang gulat ang naramdaman ko.

"At ngayong buking na tayo, hindi muna tayo magpaparamdam ng ilang buwan at sa ilang buwan na 'yon. Mag handa kayo, dahil magbabalik tayo para tapusin ang dapat tapusin. End of conversation! Leave!" Muling sigaw niya.

Hind ko alam pero, eto na naman ang pakiramdam.

Bakit ako kinakabahan?!!

Tattooed Heart (ON GOING)Where stories live. Discover now