Nang makabalik ako sa room, walang teacher at ang ingay sa loob. I placed my bag on my arm chair and silently sat down. Buti nalang at tahimik lang ang katabi ko, he's busy playing Mobile legends.

I glanced at the white board. Nomination for muse and escort... September na nga pala next week. They were already preparing for this coming intramurals. Hindi naman ako interested dahil hindi naman ako sporty. Marunong ako mag-volleyball, pero hindi ako magaling. Besides, hindi ko talaga hilig sumali sa mga gan'yan and sa kahit ano pang competitions. Hindi ko naman na kailangan ng mga extra curricular grades, kaya ko namang bawiin sa mga recitations, activities, requirements and examinations namin.

"I nominate Kicy Jynette." Nagulat ako nang marinig ang boses ni David. We're in the same class, but we rarely talk, when it just so happens that we're group mates in a group activity. I looked back and glared at him. Anong trip niya? Alam naman niyang ayokong sumasali sa mga gan'yan.

Madalas din akong ma-nominate noon pero tinatanggihan ko, hindi naman ako mapipilit na gawin ang isang bagay na hindi ko gusto. I don't want to join those because I don't want other people's attention.

"I second the motion."

I sighed. Nomination pa lang naman. Kaunti lang naman sa mga classmates ko ang ka-close ko, for sure, hindi ako iboboto ng karamihan. I just stayed silent as if they're not talking about me.

"Close the nomination na! Si Icy nalang."

I shifted my gaze at them. What?!

"Oo nga! Maganda, matangkad tapos brainy pa. Oks na tayo riyan."

Lumingon ako kay Idy, na parang batang humihingi ng tulong. I want her to disagree. I can't represent our class. Ano ba ang alam ko sa mga gano'n? She shook her head when she got what I wanted to convey. I sighed.

"Magtaas ng kamay 'yong mga disagree." It was the class president.

Nilibot ko ang paningin ko sa buong room, umaasang may kahit isang magtataas ng kamay. But, no one raised a hand. Gusto nila pero ayaw ko. Pwede ba 'yon? Nasa akin pa rin ang final decision, wala sa kanila dahil ako rin naman ang mapapagod sa practice, ako ang haharap doon at hindi naman sila. And, I know that it's not that easy. Baka pag-akyat ko sa stage ay magsing-alisan ang mga tao.

Hindi ko gusto ang nangyayaring 'to. "Hey, I don't want to be the muse. I can't-" I tried to speak and explain but they cut me off.

"Majority wins."

I was about to defend myself when the teacher enter our room. Umupo na ang president at secretary, umayos na rin ng upo ang mga kaklasi ko. Saglit niyang tinignan ang white board at nakita ang nakasulat doon. Muse: Icy, malaki ang pagkakasulat ng name ko roon kaya kapansin-pansin talaga, binilugan pa ng mga kaklase ko.

"Who will be her escort?" she asked. Walang sumagot sa klase. "Wala pa ba?" she asked, once again.

"Wala pa po. Pag-uusapan pa lang namin mamaya."

She nodded and there's a smile plastered on her lips. "I nominate David."

They all agree on her. Hindi na raw kailangan ng voting, dahil pumayag naman na agad si David at wala namang ibang gustong maging escort. Hindi ko alam kung anong nakain no'n at ako pa ang naisipang i-nominate sa muse.

Parang mas lalong ayaw kong maging muse. Siya pa talaga ang napiling escort, pwede namang iba na lang. Panigurado palagi kaming magkakasama niyan dahil sa mga practice. I'm not bitter, I just don't want to be close to him again.

"Ma'am, all goods na. May mga players na rin tayo sa lahat," the vice president of the class said.

Mukhang wala na talaga akong magagawa. I sighed, feeling defeated. Okay, fine. Muse.

Her Stormy Seasons (Vitality Series #1) | ✓Where stories live. Discover now