Chapter 1

297 5 3
                                    

Chapter 1

Hindi mawala ang ngiti ni Lorraine sa kanyang mga labi ng pirmahan ni Mr Chan ang kontrata na ibinigay nito sa kanya. It took her almost two months para lang mapapayag ito na maginvest sa company nila. His investment will surely help their company to expand its branches from southern Asia kaya ganun na lang nya kung pagtrabahuan ito, tiyak matutuwa ang Daddy nya kapag nalaman nito ang magandang balita na sasabihin nya. Pagkatapos pirmahan nito ang kontrata, may ngiti ang mga labi nito na iniabot ito sa kanya na masuyo nya namang tinanggap.

"You're really an asset of your company Ms. Atienza. You're really smart and beautiful as well. I'm really hoping that my investment with your company will be really worth it." wika ni Mr Chan sa kanya.

"Thank you for your compliment sir and I'll make sure that your money will be worth it." She said with full of assurance and confidence

"I am looking forward with that" sagot nito sa kanya at sunod na  tumayo para makipagkamay sa kanya na agad nya naman inaabot na may ngiti sa mga labi.

"Thank you Mr Chan."

Ngumiti lang ito sa kanya bago nagpaalam na aalis na dahil marami pa raw itong gagawin. Nang makita nyang nakalabas na ang kausap na investor sa pinto ng restaurant na pinagtapuan nila, agad syang umupo sa upuan na inuukupa at agad na hinanap ang cellphone para tawagan ang Daddy nya. Ilang rings lang ay sumagot agad ito.

"Hey Dad!" Masayang bati nya sa ama

"Why did you call Lorraine?" Tanong naman nito sa kanya na halata sa boses ang pagtataka

"I have surprise with you Dad. Where at you now? Are you in the office?" sagot lang niya sa ama dahil mas gusto niya sabihin ang napagtagumpayan niyang deal dito ng personal

"Yeah, Come here quick" sagot na lang nito sa kanya

"Okay Dad, I'm on my way" masaya nitong sagot sa kanyang ama bago tapusin ang tawag.

Niligpit na niya ang lahat ng kanyang gamit bago naghanap ng waiter. Habang naghahanap sya ng waiter sa paligid para sana bayaran ang bill nila ni Mr Chan, her eyes suddenly settled on the man who are wearing very elegant business suit na lalong nagpagwapo dito na kakapasok lang sa restaurant. Nakangiti ito habang papalapit sa table ng isang magandang babae. At medyo nakaramdam sya ng kunting kirot sa puso ng makita nyang hinalikan nito sa pisngi ang magandang babaeng iyon bago umupo sa upuan nito. Pinilit na nyang alisin ang paningin nya sa dalawa or rather say sa kanya lang.

"7 years na ang nakalipas Lorraine, sa tingin mo di pa rin sya makakamoveon sayo?" Mahinang sambit nya sa sarili nya.

Itinuon na lang ulit nya ang atensyon nya sa paghahanap ng waiter, at nang may nakita syang waiter na kakalabas lang galing kitchen, itinaas nya ang kanyang kamay para sana kunin ang atensyon nito pero bigla itong tumingin sa kabilang table at ng sundan niya ang tingin ng waiter, bigla syang nakaramdam ng kaba ng magsalubong ang tingin nila ng lalaking patuloy na nagpapatibok ng kanyang puso kahit na ang tagal na nitong hindi niya nakikita. Nakataas rin ang kamay nito na halatang kinukuha rin ang atensyon ng waiter. His smiling face turn into serious face nang makilala siya nito, She saw an anger at his eyes.  What will she expect? Matutuwa ito na makita ang babaeng pinaasa lang sya at pinamukha pa sa kanya na napakawala nyang kwentang lalaki. Dahil hindi niya kayang labanan ang tingin ng binata siya na lang ang unang bumaba ng kamay at nagiwas ng tingin. Masarap sanang pagmasdan ang napagwapo nitong mukha pero hindi nya kayang harapin ang galit nitong mga titig sa kanya. Kumuha na lang sya ng 5K sa wallet at iniwan ito sa table na inuukupa nya bago nagmadaling tumayo at umalis.

Nang makapasok sa kanyang sasakyan hindi pa rin maalis ang kaba sa dibdib nya ng magtagpo ang tingin nila ni Patrick, pilit na pumapasok sa kanyang alaala ang mas naging gwapo nitong mukha. Sobrang gwapo na nito noong college pa sila pero mas lalo syang naging gwapo ngayon. Hindi maalis sa isipan nya ang kulay berde nitong mata na paborito niyang titigan noong college pa sila na mas lalo pang gumanda sa paningin nya ngayon. Pero nang maalala nya ang galit sa mga mata nito ay bigla na lang napalitan ng kirot ang kaba na nararamdaman nya.  Alam nya sa sarili na may karapatan itong magalit sa kanya, sino ba ang hindi magagalit sa ginawa nya dito noon.

The Adopted Daughter (COMPLETED)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें