"Hey, you're okay?"



Sumulyap ako kay Jasper nang magtanong siya.



"Huh? Uh, ayos lang ako." Sagot ko saka siya binigyan ng ngiti bilang assurance.



Nakiusap ako kay Jasper na ilihim na muna namin ang kung anong mayroon sa amin dahil wala pa akong lakas ng loob na aminin sa mga kaibigan ko ito, lalong-lalo na kay Kyo. Though, ang sabi niya ay wala naman daw siyang pakealam kung may ibang makaalam ng tungkol sa amin, um-agree parin siya sa pakiusap kong ilihim na muna ito.



Sabay kaming pumapasok sa umaga, habang sa hapon ay inihahatid niya muna ako sa apartment at babalik nalang siya sa University para mag-practice. Pakiramdam ko nga ay naha-hassle ko na siya dahil imbes na magpahinga nalang siya bago ang practice ay inihahatid niya pa ako sa apartment.



Sa tuwing sasabihing hindi naman niya na ako kailangang ihatid dahil pwede naman akong makisabay kay Athena pauwi, tumatanggi siya. Gusto daw niyang siya mismo ang maghatid sa akin sa apartment para matiyak niyang safe ako.



Sa tanghali naman ay hindi siya nakakakalimot na itext ako para paalalahanan akong kumain na. Minsan natatawa nalang ako sa kakulitan niya. Pakiramdam ko tuloy ay para kaming mga high school students na nagsisimula palang sa puberty stage!



"Huy! Kanina kapa ngiti ng ngiti diyan!"



Mula sa aking cellphone ay nalipat kay Athena ang aking paningin. Naka-vacant kami ngayon dahil nasa leave ang professor namin kaya nagpunta kami ng café sa labas ng University.



"Ha? Ako nakangiti? Hindi ah!" Pagtanggi ko saka muling sinulayapan ang aking cellphone.



"Hindi daw e kanina pa ako salita ng salita dito hindi ka naman nakikinig! Para kang timang diyan sa harap ng phone mo na ngiti ng ngiti!" Reklamo niya saka sumimsim sa kaniyang inumin.



Pinatay ko ang cellphone ko at inilagay iyon sa lamesa.



"Tsk. May nabasa lang akong meme." Sabi ko. Umikot naman ang kaniyang mga mata indikasyon na hindi siya naniniwala sa akin. Itinuon ko ang atensyon ko sa pagkain.



"Naku, style mo bulok! Sabihin mo Ryu, may dine-date kana ba?"



Halos masamid ako sa tanong ni Athena. Narinig ko ang paghalakhak niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

The Sparks of Our Stars (Varsity Boys Series #1)Where stories live. Discover now