" Hindi ko siya kilala okay. Pero mali naman yata na tanggalin mo siya sa trabaho without any valid reason. " naglakad siya papalapit sa akin.

" Liligawan ka niya, dito sa Resort ko, right under my nose? Sapat na dahilan na yon. Hindi ka niya pweding ligawan, hindi niya pweding ligawan ang girlfriend ko. " sobrang lapit na niya sakin. Ang bango niya talaga. Lalong kumabog ang puso ko.

" Sir, FYI lang ha, hindi mo naman  talaga ako girlfriend diba? " nangunot ang kilay niya. Maingat niyang hinawakan ang mga kamay ko saka dinala sa dibdib niya.

" I... I like you Claire."


" Ha?" gulat na sagot ko sabay bawi ng kamay ko.

" Gusto kita, I want you to be my girlfriend, yong totoo at hindi kunwari lang. " napansin ko na nagpapawis na ito. Kinakabahan ba siya?

" Gusto mo ako? Bakit ako?" pero sa totoo lang hindi ko maipaliwanag ang tuwang nararamdaman ko ngayon.

" What's not to like Claire. " namula itong muli.

" Pero hindi parin yon rason para sesantihin mo yong balak manligaw sakin." napangiting sabi ko.

Nagseselos ba siya?

" I'm serious Claire. Ako ang manliligaw sayo. Dapat ako lang." possessive ba ang term don? Yon na nga yata yon.

" Payag ka ba?" mas matindi pa siya magblush kaysa sakin.

Tumango ako. Wow hindi manlang ako nagpakipot mga Bes...

" Talaga?! " nagliwanag ang mukha nito.

" Unli? Kailangan ulit ulit? " sagot ko.

" Yes!! " sabay halik niya sa labi ko.

Pareho kaming napalayo sa isat isa ng marealize ang nangyari. Wow may lahi ba siya ni flash??

" Oh my god!" bulalas niya.

Huh?! Siya pa talaga ang may ganang magulat.

" Ligaw palang ang usapan natin Mister Troy Adrian. Ang bilis mo!" saway ko sa kanya.

" Sorry, na carried away lang." sabay kamot sa batok niya. Halatang guilty ito sa nagawa.

" Hindi ako galit okay. Pero mangako ka, walang mawawalan ng trabaho dahil lang gusto mo ako. " iniabot nitong muli ang kaliwang kamay ko saka dinala sa labi, sabay dampi ng halik.

" I promise." nakangiting sabi niya.

Tinulak ko na siya palabas ng storage baka may makakita pa samin na magkausap.

Pagkasara ko ng pinto, napahawak ako sa labi ko.

Gusto niya ako?

Liligawan daw niya ako?

Totoo ba to?

Kinurot ko ang pisngi ko.

" Aray.. " gising naman ako.

Kahit lutang dahil sa mga nalaman ko naitawid ko naman na matapos ang duty ko sa araw na ito. Nag aabang na ako ng taxi ng tumigil sa harap ko ang sasakyan ni Troy.

Bumaba ito saka inalalayan ako sa pagpasok sa front seat. Gentleman diba? Matagal naman na.

" Hindi mo naman ako kailangan ihatid." saway ko sa kanya pagpasok niya ng kotse. Araw araw niya na kasing ginagawa to.

" Mas lalo kitang dapat ihatid at sunduin araw araw, baka maunahan pako ng iba. Mahirap na." sabay kindat niya.

Ang gwapo! sigaw ng utak ko. May pagkindat na siya ngayon.

" Mahirap naman yon. Baka ma issue tayo sa trabaho. Diba bawal ang magkaroon ng relasyon sa work place? " paalala ko sa kanya.

" So payag ka na magkaroon tayo ng relasyon? Kasi pinoproblema mo na yan." may panunukso sa himig niya.

Inirapan ko siya.

" Don't worry Claire, ako parin ang Boss. Pwede ko labagin ang rule na yon. Sunduin natin si Nate tapos kain tayo labas?" date ba tawag don? Pero kasama si Nate.

" Next time tayong dalawa lang, promise. Kawawa naman si Nate kung di natin isasama ngayon. Nag aantay na yon sayo diba? " nabasa niya ang iniisip ko.

Nasa apartment kasi si Nate. Kasama ang anak ng katabi naming unit na dalagita. Nagpresentang magbantay sa kapatid ko habang wala siyang pasok.

Magkakaboyfriend  na ba ako? Ulit?

Itutuloy...






Hello guys. Keep safe.

Ate Cha
Skycharm24

  

  

His HEARTWhere stories live. Discover now