“And I didn’t expect this, mukhang mas maraming examinee’s ngayon kumpara last year.” And then he smiled. “I’ll give you to the Linus Academy’s Director. Let us all welcome, Mr. Derick Cameo!”

Magkasabay na pumalakpak ang lahat ng mga estudyanteng andoon sa gym, kabilang na si Solo na ngayon ay nakikisabay lang sa mga nangyayari sa paligid niya.

“Good morning, ladies and gentlemen.” Anang Direktor na ngayon ay may hawak ng microphone. “Huwag na nating pahabin ang lahat dahil alam kong lahat kayo ay naaatat nang sumabak sa exam. And all I have to say is that, good luck and do your best.” And then he smiled.

Matapos magsalita ng Direktor ay may pumalit na naman sa kaniya. Ilang haba pa ang kinuda nito bago nito inanunsiyo kung saan nila gagawin ang exam. Hindi naman lalagpas sa bilang na bente ang mga gurong nandoon para igiya sila.

Kaya naman hinati rin ang bilang nilang mga examinee’s ng sampu. Kaya naman doon sumunod si Solo sa ika-siyam na guro dahil sa kaniya naka-assign ang mga estudyanteng nagsisimula sa S at T ang apelyido.

“Students, this way please.” Anito saka nagsimula nang maglakad palayo sa iba.

Patuloy lang sila sa pagsunod sa kung saang classroom man ito pupunta. Habang naglalakad sila ay kapansin-pansin ang ingay mula sa mga estudyante na halatang sobrang excited nang makakuha ng exam.

Well, hindi naman natin sila masisisi. The Linus Academy had it all, kaya nga sobrang daming nangarap na makapasok dito. Unlike Solo na napipilitan lang at walang ibang choice.

“Students, silence please. We’re currently on the 3rd floor and others are now starting their classes.” Saway ng guro sa kanila.

Matapos ang ilang minutong paglalakad ay tumigil din sila nang tumigil ang gurong sinusundan nila, “Students who’s surnames started with letter S, kindly enter this room. Their are student personnel inside and they’ll be the one who’s responsible of assisting you. The rest, follow me.”

Halos mag-unahan pa ang mga estudyanteng nagsisimula sa letter ‘S’ ang apelyido na makapasok sa loob ng classroom na ‘yon. Habang ang iba naman ay sumunod na sa gurong ngayon ay nagsisimula na namang maglakad.

Naiwan si Solo’ng mag-isa sa tahimik na hallway. Naka-alis na ang mga kasama niya kanina habang ang iba naman ay nakapasok na rin sa loob ng classroom sa harapan niya. Her surname started with letter S but she’s having second thoughts either she’ll enter the classroom or not.

But she ended up standing there. Sa halip na pumasok sa loob ay nilabas niya ang kaniyang telepono saka tinawagan si Zon, na sumagot din naman kaagad.

“Kamusta ang exam? Nakapasok ka ba? Pang-ilang section ka?” Atat na atat nitong tanong nang sumagot siya.

Solo breathe heavily and then rolled her eyes, “Hindi ako pumasok.”

“Ha?! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo, Solo?!” Gulat na gulat na tanong ni Zon mula sa kabilang linya.

“Tsk, hindi ko alam kung magagawa ko ba ‘to, Zon. Hindi ako sigurado.” Iritang aniya.

“Anak ng—,” tumigil saglit sa pagsasalita si Zon para bumuntong hininga. “Paano natin malalaman kung hindi mo susubukan?”

“Kung magpalit na lang kaya tayo ng trabaho? Alam mo, kayang kaya ko ‘yang trabaho mo—”

“Eh sa tingin mo ba kaya ko ‘yang pinapagawa ko sa‘yo? Diyan pa lang, paniguradong papalpak tayo.”

Solo couldn’t stop herself but to tsk-ed.

Napabuntong hininga si Zon. “Kung hindi lang sana tayo pumalpak dati, hindi sana tayo nahihirapan ng ganito ngayon.”

Linus Academy: School Of ElitesWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu