Nang makapag-order na kami ni Jess, marami kaming napag-chikahan pero wala pa rin si Andie. Sabi kasi ni Jess ay baka makapunta iyon. Hay, namimiss ko na siya.

"Nag-text na ba uli sa'yo si Andie ha?" tanong ni Jess sa akin.

"Wala e. May boyfriend na ba 'yun?"

"Ewan ko ba sa babae'ng 'yun. Pero mukhang may nagpapatibok sa puso ng bruha e."

Tumawa ako sa sinabi niya. "Hayaan mo na lang ma-inspire ang kaibigan natin. At least in love siya. Ikaw? Kailan ka ba magkaka-boyfriend?"

Umakto siyang parang walang naririnig. "Ano kamo, Sasha? Boyfriend? Duh. Hindi pa ako ready mag-jowa."

Nagkatawanan naman kami. Ito naman kasing si Jessica e, kahit kailan hindi nag-fail para patawanin ako.

x - - - - - - - - - - x

Natapos na kaming mag-kape, chikahan at lahat ni Jess, hindi talaga dumating si Andie. Ang talk shit na nun simula nang gumraduate kami ng College.

Naka-receive ako ng text galing kay Cedric na sobrang nai-stress siya sa review kanina at gustong magpahinga sa apartment niya. Syempre kahit paano, gusto ko naman siyang mapasaya kahit paano kaya pinlano kong sorpresahin siya sa apartment niya.

15-minute drive lang naman 'yung distance simula sa Bradford at sa apartment niya kaya okay na 'yun. Alam ko rin naman na hindi siya umaalis doon dahil ka-text ko lang siya kanina at sabi niya'y nagpapahinga lang siya sa kama niya at nanunuod ng soccer match pampa-relax. Nagdala na rin ako ng makakain namin pati ng wine. Hay, excited na akong makita si honey!

Pagdating ko sa pintuan ng apartment niya, kakatok na sana ako pero bukas ito ng kaunti. Hindi ko alam kung lumabas siya o nalimutan niya lang isara. Dahan-dahan kong itinulak ang pinto at sumilip pero wala si Cedric doon pero may naririnig akong mga kakaibang ingay.

Aware ako kung ano iyon pero ayokong paniwalaan ang sarili kong pandinig. Basta, ayoko. Mahirap.

Nang pumunta ako sa kwarto niya at binuksan ang pinto doon, nagulat ako sa nakita ko sa mga taong nasa kama.

Ako dapat ang magsu-surprise pero ako yata ang na-surprise....

Cedric is on top of Andie, they are both naked, having sex.

Oh my God....

Hindi na ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Nanatili akong nakatayo, nakatingin sa kanila habang tumutulo ng kusa ang luha sa aking mga mata. Ilang segundo pa ang lumipas bago ako napansin ni Andie na nakatayo sa tapat nila.

"Suri..."

Gulat na gulat na umahon mula sa kama si Andie at tinakpan ng sarili ang kumot. Tumigil sa ginagawa niya si Cedric at akala mo binuhusan ng malamig na tubig dahil umayos siya sa pagkakatayo pagkatapos isuot ang kanyang boxer shorts.

"Honey--"

"God, what have you done?" mahina 'yung pagkakasabi ko, 'di ko na alam, parang wala akong pakiramdam. Ang bilis ng mga pangyayari. My best friend and my boyfriend is cheating on me. Yes they are!

Lumapit sa akin si Cedric, t-in-ry niyang hawakan ako pero inilayo ko ang braso ko sa kanya. Masama ang tingin ko sa kanya, sa kanilang dalawa ni Andie. Nakita ko na lang siya na umiiyak. Diyos ko, kaibigan ko siya pero bakit niya 'to nagawa sa akin?!

"Kailan pa 'to?" tanong ko pero wala akong sagot na narinig mula sa kanila. "Kailan pa 'to?!" nilakasan ko ang boses ko na halos mag-echo sa buong kwarto. "Bakit niyo ako niloko?" nawalan na ako ng lakas pa para tumayo kaya hinayaan ko na lang ang sarili kong mapaupo sa sahig at nagsimula na akong umiyak ng umiyak.

Ang sakit e. Akala ko sa mga teleserye lang 'to nangyayari. Meron din palang ganito sa totoong buhay.

"I'm sorry, Sasha." inihilamos ni Cedric 'yung kamay niya sa kanyang mukha pataas sa kanyang ulunan. "I-I don't know. Mabilis ang mga pangyayari. I thought I'm happy with us, but it turns out I'm seeking for another. And I got...Andie." at lumingon pa siya sa kaibigan ko na nasa kama niya ngayon.

Galit ako. 'Yun lang 'yung pakiramdam na mayroon ako ngayon. I got cheated twice.

Nilapitan ako ni Andie na ngayon ay nakatapis na ng kumot at niyakap niya ako ng mahigpit pero hinayaan ko lang siyang gawin iyon habang ako ay nakatingin sa kawalan.

"I'm so sorry, Sasha. I love Cedric. We love each other. We tried to avoid our feelings but we just can't. Hindi ko sinasadya..."

Bumitaw ako sa kanya at hindi ko sila tinignan dahil pakiramdam ko nasa harapan ako ng impyerno at may mga traydor akong kasama sa paligid.

Tumango-tango ako. "I understand, I understand. Don't worry. May isa lang akong pabor." tumigil muna ako saglit. "'Wag na 'wag na kayong magpapakita sa akin kahit na kailan."

Ang sakit, ginawa nila akong tanga pareho.

x - - - - - - - - - - x

Your Boyfriend SucksWhere stories live. Discover now