"Are you okay, hon?", bigla ako napabalik sa realidad at napaayos ng upo.

"Ha? Ah, oo. Oo naman! Okay lang ako."

"Are you sure? Kanina ko pa kasi napapansin na parang something is bothering you. What is it?"

"Wala! Okay lang talaga ako. Pagod lang 'to kasi alam mo na, busy, gano'n!" dipensa ko. "Ikaw? How's work?"

"Nakakapagod pero masaya naman," a smile crept into his face.

He looks so happy and somehow, it hurts to see him like that. Maybe, because a part of me is doubting him?

"Mabait ba yung boss mo? Lara, right?"

"Ah, si Lara!" he laughed as if I said something funny and it breaks my heart more.

Masakit kasi may ibang babaeng kaya siya pangitiin ng ganyan kahit pangalan pa lang marinig niya. Nakatatakot isipin na may ibang babaeng kaya siyang pasayahin at baka mas higit pa sa kaya kong gawin.

"Masungit 'yon! Sobrang perfectionist," masayang saad niya.

"May... boyfriend ba siya?" Marahan kong tanong.

Pag-iling lamang ang ibinigay niyang sagot habang ako, mabigat na singhal ang ginawa.

Alam ko na dapat ikatuwa ko iyon dahil ibig sabihin malaki ang tsansa na wala nga talagang namamagitan sa kanila, na baka mali lang pagkaka-interpret ko sa mga litratong natanggap.

Pero ibig sabihin lang din noon na malaya siya. Malaya siyang ligawan ng kahit sino, kahit pa ang kasintahan ko 'yon.

Masakit isipin na magagawa iyon ng kasintahan ko pero alam kong hindi malabo. Oo, matagal na nga kaming dalawa pero nasa tagal ba ng pagsasama ang basihan ng loyalty at faithfulness namin sa isa't isa?

Paano kung...

Paano kung dumating ang araw na sabihin niya sa akin mismo na hindi na siya masaya at...

Na hindi na ako ang iniibig ng puso niya...

Kaya ko bang magpalaya.

"Bakit mo naman natanong?" natauhan ako mula sa malalim na pag-iisip. Isang maliit na ngiti ang iginawad ko sa kaniya bago ko iniwas ang mga tingin.

"Wala naman. Curious lang," halos naging pabulong na ang dalawang huling salita.

Mabilis na lumipas ang mga araw. Halos makalimutan ko na ang tungkol sa mga nangyari dahil sa pagkakaabala ko sa trabaho.

Sa mga nagdaang araw rin, parang walang pinagbago sa relasyon namin ni Eron. Ganoon pa rin si Eron. Ganoon pa rin ang takbo ng relasyon namin.

Kapag hindi abala sa opisina niya, sinusundo niya pa rin ako mula sa trabaho at kakain sa labas. Lumalabas din kami 'pag weekends at walang trabaho. Para lang kaming dati.

Akala ko lang pala 'yon.

Sa buwan na lumipas, pakiramdam ko may nagbago. May ideya sa isip ko kung ano iyon pero ayokong pakinggan.

Ayoko pa tanggapin dahil nanghihinayang ako.

Kaya sa mga buwang lumipas, isinasantabi ko ang bagay na gumugulo sa akin at pinipilit kong ipaniwala sa sarili ko na parte lang 'yon ng mga nangyayari.

Pilit kong pinanghahawakan na nag-ooverthink lang ako at mawawala rin ito.

"Sandy, hinahanap na ni sir Alfie yung mga papeles na pinapaasikaso niya sayo."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 10, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love Me FearlessWhere stories live. Discover now