Bawal ang wakas

97 8 9
                                    

Dahil ata sa mga sinabi ko kaya hindi nakarating ang professor namin. Naaksidente raw, ayun duguan at agaw buhay. Mamamatay na nga lang makikipag-agawan pa. Nagtsismisan lang ang mga kaklase kong babae habang kami naman ng mga kaklase kong lalake ay nagto-tong its. Sampung pilipinong salapi ang taya ng bawat isa at singkong pilipinong salapi naman sa red pair at black pair. Seryosong-seryoso ang mga kalaban kong sina Jepoy at Junjun sa pag-aayos ng kanilang mga baraha habang ako naman ay pasimpleng itinatago ang isa kong baraha. Tawa ng tawa ang mga fans ko sa likod dahil hindi nahalata ng dalawang kulugo ang ginawa ko. Yung mga fans ko ang may hawak ng alas ko mamaya.

"O, sinong may black at red pair sainyo? Red pair lang ang meron ako, nuwebe." Ani Jepoy.

"Black lang yung akin, e. Jack. Ikaw ba?" Tanong ni Junjun saken.

"Red at black pair yung aken." Pinakita ko sa kanila yung kwadro kong alas. Buti na lang tinago nung mga fans ko sa likod yung alas ko. Haha.

"Aba, ayos den." Ani Jepoy.

Natapos na kaming maglaro na ako ang panalo. Mga weak talaga tong mga klasmeyt ko. Hindi man lang nila napunang dinaya ko sila. Mga bopols talaga. Matapos pa ang isa naming subject, e nag-uwian na kami. Nasa pintuan na ako ng bigla akong mapatid. Ampota lang talaga, sino namang papatid saken? Lagot to saken. Buti na lang may nakasalo saken.

"Hahaha! Ano ba yan, ang lampa mo naman palang talaga ano? O sinadya mo talagang magpa-patid saken para lang saluhin kita? Ikaw ha, lumalandi ka na." Ang hayup na Anecto pala! Putangina talaga nito, e!

"Ano ba problema mong hayup ka, ha? Papansin ka din e, no?" Sinipa ko nga siya sa tuhod. Nakaka-badtrip na, e.

"Simple lang naman ang gusto ko, ang makipag-date ka saken sa darating na linggo. At magsusuot ka ng damit na magmumukha kang babae. Yun lang naman. Ano deal ka? Pag pumayag ka, e di titigilan ko na ang pang-aasar sayo." Ani gago sabay kindat saken. Kadiri lang talaga. Dahil gusto ko namang mawala sya sa landas ko, makikipag-deal ako sa demonyo. Bahala na.

"Sige, papayag ako. Pero pagkatapos nun, wag na wag mo ng ipapakita yang tatsulok mong pagmumuka saken. Nagkakaintindihan ba tayo ha, Anecto?" Turan ko sa kanya habang kinukwelyuhan ko sya.

"Oo naman, tumutupad ako sa usapan." Sabay kindat ng mutain niyang mata saken.

"Basta susunduin kita sainyo sa linggo." Pahabol pa niya.

Mayabang din, e. Subukan lang niyang hindi tuparin ang pangako niya, wala siyang aasahang lahi pagnagkataon. Ako pa ba ang magpapatalo sa masasamang elemento? Asa.

Lumipas ang mga araw at dumating na ang linggo. Ayos lang naman saken ang magsuot ng pambabaeng damit. Hindi lang talaga ako mahilig magsuot ng mga yun. Mas gusto ko ang mga kumportableng suotin. Jeans at tees ayos na 'ko.

Nakasuot na nga ako ng bestidang kulay krema na hindi umaabot sa tuhod ko. At tinernuhan ko ng sapatos na iniregalo saken ni Dolores nung nakaraang kaarawan ko. Light make-up lang  naman  ang inilagay ko sa pagmumukha ko. Ang kyut ko raw sabi ng tropa ko. Nandito kasi sila para tulungan mag-ayos ng sarili ko. Wala nga silang ginawa kundi ang tingnan lang ako at magkulitan sa likod ko. Mga walang silbi, wala namang naitulong. Ang sabi naman ng pamilya ko ay napakaganda ko raw, hindi raw sila nagkamali ng paggawa saken. Gagawa raw sila ulit ng katulad ko. Aba, ang tatanda na gusto pang humabol. Ang kapatid ko ngang si Pimay, eto buhay pa. Gusto niya rin daw sumama at gustong magpa-make-up. Binatukan ko nga, umaandar na naman ang pagka-kiri ng gaga.

Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako sumunod sa isang utos. Hindi naman talaga problema kung asar-asarin at guluhin ako ng hinayupak na Anecto na yan. Walang kaso sakin yun. Kaya ko naman syang patumbahin kung gugustuhin ko. Ang kaso, iba tong nararamdaman ko. Ibang-iba sa mga taong nakakasalamuha ko sa araw-araw. Para bang may mali sa pagkatao ko na hindi ko mapunto. Ngayon ko lang naramdaman ang ganito sa isang lalaki. Babae na ba ako? Hindi kaya? Ay wag na nga lang. Kung anu-anong iniisip ko. Baka sa huli ako lang ang lugi. Hindi dapat nalulugi ang anak ni Pablo at Dolores.

Nandito na ako sa restawran na sinabi sakin ng hudas. Hudas talaga dahil hindi man lang ako sinundo. May pera naman daw ako at kaya ko naman daw mag-isa papunta dito. Gamitin ko na lang raw yung skateboard ko. Amputa sya, sa suot kong 'to, mag-e-skate lang ako papunta dito? Pakyu sya ng solid. Kaya naman nag-taxi na lang ako. Muntik ko pa ngang maupakan yung driver dahil siningil ako ng mahal. May daya yung metro, e. Hindi nya ba alam na bilang ko rin kung ilang metro at kung ilan ang konsumo ng gaas at ng babayaran ko sa kanya? Mabuti na lang may application akong ganun sa selpon ko kaya hinding-hindi nila ako maloloko mga punyeta sila. Pumasom na nga ako at mabilis ko namang makita ang hinayupak na Anecto na yun. Sa hilatsa ba naman ng pagmumuka, malamang buhok pa lang kilalang-kilala mo na.

Sosyal ang restawran na pagdarausan namin ng date na 'to, a. Andito kami sa labas kung saan napapalibutan ng floating candles ang isa sa mga pond ng restawran. May mgga rose petals din sa aapakan mo. Mukhang pinaghandaan talaga ni gago to, a. Pansin ko ngang hindi nagsasalita to ngayon pero inaalalayan naman ako. May konting pagka-maginoo din pala.

"Ano, nagustuhan mo ba ang presentation ko?" Tanong niya na ngiting-ngiti pa. Iba talaga ang pakiramdam ko dito, e. Hindi ko maipinta, dahil hindi naman ako pintor.  Kinakabahan ako. Papano kung magtatapat pala ng pag-ibig tong hinayupak na to? Anong gagawin ko? Amputa naman, o.

Hindi ko na lang sya sinagot, umupo na lang ako dahil napapagod ako sa suot kong sandalyas. Nagugutom na rin ako.

"Nagugutom na 'ko, asan na ba ang pagkain?" Tanong ko sa kanya.

Pumitik sya at nagsidatingan na ang mga waiter na may dala dalang pagkain. Pagkalapag pa lang ay inupakan ko na ang steak. Gutom ako, e. Bigla namang tumikhim si Anecto kaya napatingala ako sa kanya.

"May ipagtatapat nga pala ako sayo. Wag ka sanang magagalit." Potek, ito na ba yun? Kinilabutan ako bigla. Tae. Dahil sa sinabi ng kumag ay nabilaukan ako. Buti na lang binigyan niya agad ako ng tubig.

"Hoy, pwede ba mamaya na yang sasabihin mo? Patapusin mo muna akong kumain, pwede ba?" Asik ko sa kanya. Hindi ko pwedeng ipakita ang pagkagalak ko sa kanya, baka lumaki lang ang ilong at kantyawan pa ako. Hindi dapat ako nakatatanggap ng ganung insulto.

"Hindi mo man lang ba ako aayaing kumain? Ikaw ba magbabayad at ikaw na ang umunang pumapak ng mga to? Grabe ka." Turan niya. Pinakyuhan ko na lang para màgtigil. Baka di ko sya matantya. Di porket poging pogi sya ngayon at sya ang magbabayad nitong kinain namin ay mag-aangas na sya dyan. Ulul nya kamo.

"K fine, sabi ko nga kakain na 'ko." Maarteng sabi niya na may kasamang pag-irap pa. Aba naman, dinaig pa 'ko ng walangya.

Natapos na nga kaming kumain ng matiwasay. Hanggang sa inaya nya 'kong magsayaw. Pinagbigyan ko naman, tutal sy ang magbabayad ng kinain namin. Biglang tumibok ang puso ko ng hinawakan nya ang kamay ko. Bakit ganito? Parang ewan lang.

"Mas maganda ka talaga kapag nag-aayos. Kailangan lang ng konting highlights yung buhok mo at hot oil. Masyado kasing dry." Pamumuna nya sakin. Kumakabog ang dibdib ko ng hinahawakan nya ang hibla ng buhok  ko.

"Ano ba ang sasabihin mo kanina, ha?"  Tanong ko sa kanya. Kinakabahan talaga ako sa sasabihin nya, nanlalamig din ang paa ko.

"Basta kapag sinabi ko 'to sayo, hindi mo 'ko pagtatawanan, a? Pramis mo." Tumango ako, pero inabot nya sakin ang hinliliit nya para makipag-pinky promise. Inabot ko naman yung akin. Nahihiwagaan na talaga ako sa galaw ng kumag na 'to.

"Ahm, a-ano." Aniya habang kumakamot sa ulo. Muntanga. May balakubak din ata 'to.

"Putangina, ano?!" Nakakabadtrip.

"Ano, baklà ako! Gosh! Kainis naman to, e." Aniya na inirapan pa ako. Amputa! Akala ko pa naman magtatapat na ng pag-ibig ang hinayupak na 'to. Walang kwenta! Bigti sa kamatis!

The end.

Bawal!Where stories live. Discover now