Bawal man-trip kapag may amats pa

68 8 3
                                    

Mga alas-tres na kami natapos ng mga balasubas tumagay, mga pito din yung emperador na naubos namin. Grabe, ang sakit lang sa ulo. Tong mga kasama ko plakda na, dito na kami nakatulog sa bahay inuman nila bakla. Kailangan ko ng umuwi, matutulog ako maghapon.

"Hoy bakla, mauna na ko sa kanila. Dun na lang ako matutulog sa bahay." Sabi ko kay Uwa habang tinutusok yung pisngi niya. Kadiri to, naliligo na sa laway. Yuck.

"Sige.." Aniya habang pinupunasan ng palad niya ang bibig niyang puro laway.

Nakimumog muna ako sa kanila bago ako lumarga. Nakita ko pang naglalaro ng yoyo si Swarding habang pinapatama sa mukha ng panget na si Inday Badids ito. Kawawang yoyo.

Ang sakit-sakit ng ulo ko ngayon, grabe.

Naglalakad na lang ako. Wala ako sa huwisyo para mag-skate pauwi. Habang binabaybay ko ang eskinita, may nararamdaman akong parang nakatingin at sumusunod sa akin. Pagtingin ko naman sa likod ko, wala naman. Pota minumulto ata ako. Walang patawad na mga multo yan, kahit tirik na tirik ang araw nangba-badtrip. Wag lang nila akong mapagtripan at may amats pa ako. Subukan lang nila, uubusin ko ang lahi ng mga paksyet na yan.

Pagliko ko, bigla na lang akong may naramdamang tao sa tabi ko. Paglingon ko may hawak itong kutsilyo at nakatutok sa tagiliran ko. Putang-ina talaga, kanina multo tapos ngayon ano na naman ba to?

"Wag kang kikilos ng masama kung ayaw mong magkaron ng gripo tong tagiliran mo. Holdap ito." Sabi ng holdaper na naka-hoodie at naka-snapback na sumbrero. Rapper ata tong gagong to eh. Holdaper daw, muka niya. Wala akong panahong makipaglokohan sa kanya.

"Hindi ako nagtanong kung holdap ito. At pwede ba, wag mong babasagin ang araw ko kung gusto mo pang makita ang pagsilang ng araw sa silangan. Hindi ako nakikipag-biruan sayong hayop ka. Umalis ka dyan." Sabi ko sa kanya, pero hindi pa ako gumagalaw sa kinatatayuan ko.

"Hindi ka ba natatakot sakin? Hindi mo ba ako kilala? Ako lang naman ang lider ng Kutsilyo Gang." Aniya sabay ngising aso. Ang askal lang ng hinayupak na to. Pinagyabang pa ang walang kwenta nyang gang. Pwe.

"Ako ba kilala mo, ha?" Balik tanong ko sa kanya.

"Hindi. Sikat ka ba? Artista ka ba? Songer? Dancer? O mowdeyl?" Tanong niya na nakakabuwisit. Hinampas ko nga ng skateboard ko.

"Tang-ina mo kung wala kang magawa at masabing tama, magpakamatay ka na lang hayop ka!" Di pa ako nakuntento at binayagan ko pa sya. Sabing wag akong pagtripan pag may amats pa 'ko, e. Walang konsiderasyon ang mga paksyet na to.

"Aray! Nag-dyo-dyowk lang naman ako, eh. Ito naman hindi na mabiro. Pero hindi talaga kita kilala, pramis." Sabi pa ng kupal habang nakataas ang kaliwang kamay. Bobo talaga.

"Ewan ko sayo, gunggong! Wag na wag ko ng makikita yang pagmumuka mo dito sa lugar ko, ah. Baka di  na ako makapagpigil pag nakita pa kita dito!" Sabay sipa ko sa pagmumuka niyang askal. Ang lakas ng loob dumayo sa lugar ko at sabihing lider sya ng isang gang. Ipa-salvage ko sya makita niyang hinayupak sya.

Bawal!Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz