Bawal ang pakialamero

64 8 2
                                    

Buong araw akong nakahilata at animo dyos ng mga dyos sa aking kwarto. Ang sarap sarap talagang matulog. Buti na lang at sabado ngayon, walang pasok sa klase. Panigurado na-miss na naman ako ng mga hampas lupa kong kaklase. Sa katunayan, na-miss ko rin sila. Na-miss kong pag-tripan. Nakakatuwa. Naisip ko tuloy ang ginawa ko ng isang araw.

Nag-eskapo ako nun sa huling subject ko. Puro lang kasi numero at kung anu-anong equations ang itinuturo. Namomroblema na nga kami sa projects na binibigay ng mga mahaderang titser, eto at binibigyan pa kami ng problemang sila ang may gawa. Pati ba naman numero binibigyan nila ng problema? Ang walang kamalay-malay na mga numero eh idinadamay pa nila. Bat hindi na lang sila mag- pokus sa problema ng Pilipinas? Alam na nga nila ang sagot, itatanong at ipapa-solb pa samin. Minsan hindi ko sila maintindihan, e. Kay eto, iniwan ko sila dun. Kumain lang naman ako ng paborito kong isaw sa may labasan ng iskwelahan namin. Kahit pa sabihing madumi to, kinakain ko pa rin. Lakompake basta kakainin ko to. Mga sampu yung binili ko. Kulang pa nga to. Nang matapos ng ihawin yung isaw, nagtanong yung lalaking tindero..

"Ate, san ko ba to isa-sawsaw?"

"Sa suka na lang, boy." Sagot ko.

"Ah, ipa-plastik ko ba?" Tanong niya ulit.

"Isako mo, tapos sumabay kang pumasok." Alam na ngang kakainin ko magtatanong pa.

"Ang taray mo naman, ate."

"Buti nga pinansin pa kita. Magpasalamat ka na lang." Turan ko.

"Thank you poooooooo." Pota ginaya pa si Chichay ng kumag na to. Muntanga.

Kinuha ko na sa kanya yung isaw, hindi ko na pinabalot. Sayang ang lalagyan. Nilantakan ko agad yung isaw, ang sarap talaga nito. Enjoy na enjoy na akong kumakain ng magsalita ulit yung tindero..

"Nag-escape ka naman ano, ate? Naku wag mong sayangin ang pinaghihirapan ng magulang mo. Dapat nag-aaral ka ng mabuti. Hindi yung nagbubulakbol ka. Kung ako yung nasa katayuan mo, mag-aaral talaga ako ng mabuti. Hinding hindi ko sasayangin ang pinagpawisan ng magulang ko." Mahabang litanya ng pakialamerong tindero.

"Alam mo, hindi ko na lang pala babayaran tong kinain ko. Masyadong madami ang alam mo. Sige nga palit tayo ng uniporme." Sagot ko sa kanya.

"Hehehe, si ate naman masyadong mapagbiro." Aniya sabay hampas sa braso ko na animo magbarkada lang kami. Aba, umaambisyon to ah.

"Alam mo boy, hindi ako nakikipagbiruan sayo ah. Suntukan na lang, oh?" Pang-aamok ko sa kanya. Nakakasira ng panlasa. Tinabi ko nga yong isaw at kinaluskos ko yung manggas ng blouse ko. Kahit lalaki sya di ko sya uurungan. Pakialamero, e.

"Huy ate, dyowk lang naman yun. Sige wag mo na lang pala bayaran yung kinain mo. Libre na yun." Aniya na animo maamong tupa.

"Aba, dapat lang. Walang kwenta tong isaw mo. Lasang ipis. Wag ka ng magtitinda dito, a. Isarado mo na to. Nakaka-peste." Niloko ko lang ang kulugo. Masarap naman talaga yung isaw. Nakaka-pang-init lang ng ulo yung ugaling pakialamero. Mas marunong pa saken. Wala naman palang maibubuga, puro lang satsat. Makauwi na nga.

Ayun nga ang nangyari nung nakaraang araw. Kinabukasan nun ay 'di ko na nakita ang stall niya sa labasan. Natakot ata baka itumba ko yun. Hay, weaklings!

Bawal!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon