Bawal ang lablayp kung si Anecto the third lang naman

78 9 4
                                    

Lunes na naman! Parang nung isang araw lang ay sabado. Ang bilis bilis talaga lumipas ng araw. Hindi ko man lang na-enjoy ang dalawang araw kong pamamalagi sa bahay ng pamilya ko. Ano pa nga ba ang aasahan mo sa mga nilalang na kasama ko doon? Malamang wala. Pulos ka-pestehan lang ang alam. Bat di nila ako gayahin? Ay ewan, makaalis na nga. 

Nilalakad ko lang ang unibersidad kung saan kami nag-aaral na magba-barkada. Nasa ika-apat na taon na ako sa kolehiyo at kumukuha ng kursong Information Technology. 'Yun ang kinukuha ko, kasi, wala lang. Trip ko lang.

Naglalakad na ako ng makasalubong ko ang hudas na si Anecto the third. Kahit kailan talaga panira ng araw ang hinayupak na 'to. Ba't ba kasi ka-schoolmate ko pa 'to, e. Kung saan ako, nandoon din. Peste talaga. May gusto ata sa'kin 'tong hudas na 'to.

"Oy oy oy, himala at papasok ka ngayon? Anong natira mo? Nagdurog kana naman ng bato, ano? Sinasabi ko sa'yo, wala kang mapapala sa bisyo mo. Ba't di mo ako gayahin? Pogi na nga, pogi pa! Hahaha!" Pagmamayabang ng hinayupak. Akala mo naman kung sinong pogi. Muka niya. Pa-akbay-akbay pa amputa. Kadiri. Baka mahawaan ako ng ka-demonyohan nito.

"Sa susunod na kausapin mo ako, maligo ka muna. Minsan hindi lang puro yabang ang pinapairal, kailangan malinis ka rin. Tumabi ka d'yan at baka 'kita matantyang hudas ka. Nakakasira ka ng araw." Saad ko habang naglalakad.

"Aba, tigil tigilan mo ako ng kaangasan mo d'yan, ha. Hindi porket koryano ka magaling ka mag-taekwando. 'Wag kang mag-aangas sa lalaking mas bal--" Hayup na 'to, may pakanta-kanta pang nalalaman. Hinalikan ko nga. De, dyowk lang. Sinapak ko lang naman. Akala mo ang ganda ng boses. Boses ipis naman ang tukmol.

"'Wag kang mag-feeling songer lalo na kung nandito lang ako sa tabi kung ayaw mong makatikim ng sapak. Walangya ka, ang lakas ng apog mong kumanta. Pa-expose ka din masyado, e 'no?" Tinulak ko nga at dumiretso na 'kong maglakad. Malapit na rin naman ako sa University. Ang Maangath University ng Santong Kabayo. Na matatagpuan sa Pilipinas na pinamumunuan ng isang panot na nilalang kung saan pinamumugaran ng sangkatutak na buwaya.

Buti na lang at hindi na ako naabutan ng hinayupak na Anecto. Masyadong pa-epal din 'yung isang 'yun, e. Pabida, e ako ang bida dito? Isa lang s'yang ekstrang kuto dito.

Pogi naman sana 'yun, e. Nasobrahan lang sa nalanghap na usok kaya lumobo ang ulo. Sa lobo ata pinaglihi si gago. Kawawa naman. Buti na lang hindi ko kaklase 'yun. Dahil kung kaklase ko 'yun, tiyak palagi lang nakadikit sa'kin 'yung ulupong na 'yun. Kaya sumisikat e, dahil pasikat.

"Friendship! Friendship!" Patiling pagtawag sa'kin ng baklang si Uwa hangang papasok ako ng classroom.

"Oh baket? Buntis ka? Kelan pa? Sinong ama? Paanong nangyari?" Kung makatili, e.

"Sana! Ahihihi. Wet! Na-saytsu ko kayo ni Papa Tres kanina. Ah-uhm! Nakaakbay s'ya sa'yo at kinakantahan ka. I was like, naiihi sa super duper kelegs, Friendship! Kayo na ba? Ahihihi." Ani Uwa na napaka-eksaherada kung magkwento. Sinikmuraan ko nga. Kung anu-ano pinagsasabi, e. Dagdag pa sa iritasyon ko. Kaya ayaw kong pumasok kapag mga ganitong tao ang nakakasalamuha ko sa araw-araw. Pulos kaartehan, kayabangan, kaikayan lang ang alam ng mga taong 'to. Sirang-sira talaga ang araw ko.

"Kung wala ka namang sasabihing matino, mas mabuti pang pumasok ka na lang sa room mo, o di kaya umuwi ka na lang at magtanim ng kamote ng may pakinabang ka sa lipunan. Umalis ka na nga, isa ka pang panira ng araw, e. Dagdag ka pa sa polusyon, pulpul ka.' Pananaboy ko sa bakla. Ke aga-aga makikipag-chismisan. Nahawa na sa mga chismosa nilang kapitbahay. Ang sarap lagyan ng dinamita ang mga bibig, e.

Pumasok na lang ako at naupo habang nakataas and dalawang paa ko sa lamesa. Buti na lang at wash day ngayon. Kaya kayang-kaya kong itaas ang mga binti ko. Kabanas kasi kapag nakapalda, hindi ako makagalaw ng maigi dahi. sa ikli. Putya, buti patay na ang nagpauso ng paldang 'yun dito.

Habang nakaupo ako, panay ang tingin ng mga kaklase ko sa gawi ko. Alam ko namang maganda ako pero iba ang reaksyon ng mga mata nila saken ngayon, e. May halong uyam at inggit ang masasalamin mo sa mga mata ng mga hipong ito.

"Oh, baket ganyan kayo makatingin saken, Rebeka? Alam kong maganda akom pero pwede ba tigilan n'yo ako ng kakatitig n'yo. Baka malusaw ako, kayo din." Litanya ko sa kanila.

"Napapansin lang kasi naming, masyado kang malapit kay Tres. Pero palagi mo na lang ini-snob ang kapogian niya. Marami tuloy ang naiinggit sa'yo sa buong campus." Malungkot na pamamahagi niya sa'kin.

"Hahaha! Alam mo, Rebeka mag-aral ka na lang ng mabuti, ano? Hindi 'yung puro buhay ng iba 'yung inaatupag n'yo ng mga kaibigan mo. Puro kasi kayo pagbabasa ng mga jeje cliche love stories kaya kayo nagiging hopeless romantic! Pati buhay ng pag-ibig ko, pinagpapantasyahan ninyo! Subukan n'yong magbasa ng horror tutal bagay naman 'yun sainyo." Pangangaral ko sa kanila. Puro lang kasi pagbabasa ng mga romance ang inaatupag. Puro kalandian tuloy ang naiisip, nakakalimutan ng mag-aral. Kaya dumadami ang mga naglalabasang istoryang ganyan, e. Dahil tinatangkilik ng mga kabataang malalandi ang kaluluwa! Pati mga jeje marunong na ring gumawa. Pwe!

Bawal!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon