Bawal akong utusan pwera na lang kung may kapalit na iphone 6

149 10 3
                                    

Naparami ata ang tulog ko. Medyo madilim na kasi sa labas. Bumangon na ako at nakakaramdam na ako ng gutom. Ano kayang ulam ang niluto ng nanay ko? Wag naman sanang puro patatas. Puta nakakasawa na.

Habang bumababa ako sa hagdan, naririnig ko ang halakhakan ng pamilya ko. Ha, mukhang masaya ata. Siguro panalo sa tong-its si Dolores.

Naabutan ko sila sa kusina. Sakto pala ang pagbaba ko, nakahain na ang pagkain. Pero may nakita akong parang kaedad lang ni Pimay, lalaki ito. Mga walong taong gulang sa tantya ko, may dalang bulaklak. Sino ba to? Anak ni Pablo sa ibang chix? Aba hindi ito pwede.

"Hoy bata, sino ka? Anong ginagawa mo dito sa kusina namin ha? Anak ka ba ng tatay ko sa ibang babae? Magsalita ka!" Pambungad ko sa kanila habang nakatingin dito sa bata.

Mukhang natakot ata, biglang nanigas sa kinauupuan niya at hindi makapagsalita. Parang tinakasan ng dugo ang batang to.

"Ah ahm-" Magsasalita pa lamang ang bata ng sumabat si Dolores.

"Pinagsasabi mo dyan anak? Kaibigan yan ni Pimay. Binibisita ang kapatid mo. Manliligaw ata, hihihi." Turan ng nanay ko na animo naiihi sa kilig. Ang sagwang tingnan. Kadiri.

"Manliligaw ka?!" Gulat na tanong ko sa bata.

"Hi-hindi po. Magkaibigan lang po kami ni Pi-pimay." Bulol ata to eh.

"Ayos yan, wag puro paglalandi ang atupagin. Wag ka ng gumaya sa kapatid ko."

"Oo-opo!"

"Futa, bulol ka ba?!" Kanina pa to eh. Para pang natatae kausapin.

"Hi-hindi po, nahihiya lang po ako." Nakayukong saad nito.

"Anong pangalan mo, boy? At sino ang mga magulang mo, saan kayo nakatira?" Sunod-sunod na tanong ko.

"Pwede po isa-isa lang na tanong?"

"Ako ba inuutusan mo ha? Kaya mo na ba ang sarili mo? Kilala mo ba kung sino ako? Umayos ka ha. Wag kang paepal sa istorya ko, extra ka lang."

"Sorry po. Ako po si Elmer. Anak ni Rosita at Baraka." Paghinging paumanhin ni Elmer sakin.

"Elmer?! Taena ang panget ng pangalan mo! Kasing panget mo, hahaha!" Ayan pinagtawanan ko tuloy sya.

"Anak tigilan mo na yan si Elmer, mukhang takot na takot na sayo oh. Tapos pagtatawanan mo pa at lalaitin na ang panget niya. Wag kang bad anak." Paninita sakin ng tatay kong si Pablo.

"Alam mo Elmer, the truth really hurts talaga. Masanay ka na, ok?" Anak nang! Ang walanghiya! Akala mo kung sino kung manita sakin, sya din pala! Tungunong Pablo talaga eh.

"Hoy tay, tapos ka na bang sumabat? Ikuha mo na nga lang ako ng kubyertos at ng may pakinabang ka man lang dito sa istoryang to."

Masyado rin kasing epal ang isang to eh.

Ang pobreng si Elmer naman, eto nakaupo hinihintay atang bumaba si Pimay. Si nanay naman naglalapag na ng tubig. Tubig kasi nakahain na nga di ba?

"Anak, tawagin mo na nga ang kapatid mo at tayo'y kakain na." Utos sakin ni Dolores.

"Alam mo Dolores, nakakadalawa ka na. Kanina ka pa, ako ba talaga pinipikon mo sa kakautos mo, ha? Ako na panganay saamin ni Pimay, inuutusan mo lang? Ayan si tatay, sya utusan mo, tutal mahal na mahal ka naman nyan, di ba tay?" Baling ko kay tatay.

"Hehehe anak naman eh! Kenekeleg eke!" Ani tatay sabay hampas sa braso ko. Tanginang matanda ito, nagbibinading ampota!

"Hoy Pablo umayos ka nga, may menor de edad sa harap mo oh. Wag mong ipakita yang kabadingan mo. Mamaya mo na ilabas yan." Ani inay kay tatay. Isa itong himala! Matino ata ang mga sinabi ngayon ng nanay ko?

"At ikaw naman anak, tawagin mo na si Pimay. May iphone6 ka sakin bukas. Di ba uso yun ngayon? Panalo ako sa tong-its kanina. Ibibili kita nun, basta tawagin mo lang si Pimay." Aba sinuhulan pa ako ng matandang to. Akala naman niya mauuto niya ako. Pero sige na nga, iphone6 din yun eh.

Umakyat na nga ako papuntang kwarto ng paimportanteng si Pimay. Wala ng katok-katok pa, binuksan ko na ang kwarto ng unano. Nakita kong panay ang lagay ng pulbos at pabango ng unano. Naka-sunday dress pa at hawak-hawak ang cellphone niya at nagseselfie habang naka-pout. Fota, eto na naman ba tayo sa pagseselfie?

"Putragis kang unano ka! Kanina ka pa hinihintay dun sa baba dahil kakain na at may bisita ka dun, tapos andito ka panay ang paganda at pagseselfie mo!" Pambungad ko kay Pimay habang hawak ko na ang cellphone dahil inagaw ko. Tinapon ko sa sahig, ayun basag.

"Ateeee! Bat mo binasag?! Huhuhu ang mahal mahal pa naman nito. Sira na tuloy!" Ani Pimay habang umiiyak at panay pulot sa nabasag niyang cellphone.

"Mahal?! Eh nabili nga lang yan ni tatay ng limang daan kina Ka Tinyo." Si Ka Tinyo ang dakilang isnatser sa lugar namin.

"Kahit na! Mahal pa rin ito. Huhuhu, wala na akong cellphone." Panay pa rin ang iyak na turan ni Pimay.

"Tumigil ka na dyan sa pag-iyak mo Pimay ha, nakakarindi ka na. Buti pa ako, may iphone6 bukas. Ikaw? Nganga! Kumain ka na lang ng patola baka lumaki ka pa. Bumaba ka na nga at kakain na! Puro ka kasi paglalanding gaga ka." Bulyaw ko sa kanya.

Bawal!Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ