Bawal mag-selfie sa banyo

363 15 5
                                    

Kumakain ako dito sa isang restawran ng mag-isa. Hindi ko kailangan ng kasama dahil kaya ko ang sarili ko. Masyado kasi akong nabato sa pag-iskate sa kabilang kanto kaya iniwanan ko na lang ang mga kupal kong kasama doon. Mga wala kasing kwentang kalaro, mga weak! Bakit ba kasi sila nabuhay sa mundo? Sana ipinunas na lang sila ng tatay nila sa kumot para wala ng weak na tao akong nakikita pagkalabas ko ng bahay. Hay, bat ko ba sila iniisip? Walang kwenta!

Makapag-banyo nga.

Hindi ko pa nabubuksan ang pintuan sa banyo pero may naririnig na akong maingay, mga babae nga naman. Pulos kachismisan.

Nang mabuksan ko na ang pinto, tumambad lang naman sakin ang mga pilingerang garapata na ito na nagseselfie sa harap ng salamin dito sa banyo. Biglang uminit ang ulo ko sa nakita ko. Bigla kong ibinalibag ang pinto kaya nagulat ang mga garapata.

"CR, ito mga panget. Hindi studio para sa inyong mga kupal. Kaya alis! Nagdidilim ang paningin ko sainyo!"

Biglang nagsalita si Garapata 1: "Excuse me? Pakialam mo ba, Miss?"

Garapata 2: "Oo nga, ano bang problema mo kung mag-selfie kami dito? Pag-aari mo ba tong banyo? My gosh!" Aniya sabay irap sakin.

Futa, andameng alam ng mga panget na to.

Kinuha ko na lang ang trash bin sa side ko na may mga tissue at sanitary napkin. Tinapon ko sa pagmumukha ni Garapata1. Ayun, tumama sa mukha niya, na-out balance si gaga, dumugo ilong, at mangiyak-ngiyak na.

"Tss, ang ingay mo. Bawal mag-selfie dito sa banyo."

Si Garapata2 naman, nakanganga, akala mo naman maganda ang ngipin niya, puro naman tinga amputa.

Tiningnan ko siya.

"Ano may sasabihin ka?! Ang sakit nyo sa mata, lumayas na nga kayo sa harapan ko at baka makalimutan kong tao kayo."

Garapata2: "Oo-opo opo."

"Sabi ko naman kasi sayo friend wag na tayong magselfie dito eh."

Garapata1: "Hoy bruha! Tigil-tigilan mo ako dyan ah, ikaw ang nag-aya sakin dito sa banyo tapos ako sisisihin mong puta ka?!"

Garapata2: "Aba! Wala kang utang na loob gaga ka! Nilibre na nga kita dito sa restaurant tapos gaganyanin mo ako? Pakyu!" (Sabay sipa ng trash bin papunta sa nakahiga paring garapata)

"Hoy, umalis ka dyan. Dadaan ako." Pagsipa ko kay Garapata1.

Tumayo na sya at nakipagsabunutan kay Garapata2.

Pumasok na 'ko sa isang cubicle. Mga walang kwentang nilalang. Tss.


2/2/2015 last published in wp.

Bawal!Where stories live. Discover now