Bawal yumakap kapag hindi pa naliligo

142 7 10
                                    

Matapos kaming kumain ay sinundo ako ng mga barkada ko. Si Bee at si Uwa. Tatagay raw kami kina Uwa, nauna na raw si Palakiko sa kanila dahil niluluto pa raw ang sisig para sa pulutan. Wala talagang awa sa alak tong si Palakiko eh. Halos buong araw naglalasing ang gago. Eto naman si Bee, isa ding manginginom. Stupident sa umaga, tanggera sa gabi. Eto namang si Uwa bakla, stupident din sa umaga, pornstar sa gabi. De, manginginom din ang gaga.

"Bakla, bilisan mo na dyan. Thirsty na ang friendships mo ateng! Enebeyen, wag mong pinaghihintay ang dyosa!" Sigaw ni Uwa bakla habang nagbibihis ako. Dinig na dinig ko ang boses ng gaga. Walanghiya talaga.

"Tara na!" Saka ko sila nilampasan ni Bee. Bitbit ko naman ang skateboard ko, palagi ko tong bitbit kapag lumalabas ako ng bahay. Wala, gusto ko lang ikwento. Istorya ko to eh. Hindi na ako nagpaalam kina Pablo, busy ang dalawa kumain ng twister fries. Sobrang patay gutom talaga ng dalawang yan, kakatapos pa lang kumain, ayan kakain na naman. Mga bulate lang naman ang nakikinabang sa kinakain nila.

Habang papunta kami sa bahay ng baklang si Uwa, panay naman ang kwento ng gaga na marami raw syang nakilala kanina sa mall na mga pogi. Halos maglaway pa ang gaga habang nagkukwento.

"Grabe talaga girl yung si Patrick, hiningi pa niya yung number ko kanina! OMG!" Ani Uwa na animo naiihi sa sobrang kilig.

"Alam mo Uwa, uso na ngayon gumamit ng toothbrush. Dapat makiuso ka rin. Napag-iiwanan kana kase." Pagbibigay-alam ko sa bakla. Tangina ang baho kasi ng hininga, amoy kanal. Hindi uubra ang isahang toothbrush lang sa bunganga nito eh, kelangan dapat Muriatic Acid ang i-mouthwash ng baklang to.

"Ang hardcore mo talagang babae ka! Nagtoothbrush kaya ako!" Usal ni Uwa na naka-pout. Akala naman niya kinaganda niya ang pag-pout niya. Ang sagwa  lang tingnan.

"Oh? Kelan? Nung isang linggo? Kaya naman pala kitang-kita ko pa ulam nyong malunggay dyan sa ngipin mo." Ulam kasi nila yung malunggay nung isang linggo. Grabe talaga tong baklang to, gumagamit ba to ng salamin? Puro lang paglalandi ang alam. Tss.

"Hahaha! Tangina, pag-uwi mo mag-toothbrush ka girl, ah? Kaderder ka poreber, hahaha." Panay ang halakhak ni Bee. Eto lang kasi ang ma-i-ko-contribute niya sa storya. Ang paghalakhak, at pagdagdag sa sasabihin ko.

"Argh! Bat ko ba kayo naging kaibigan?! Ang meanie niyo, huhubels." Pagdadrama pa ng gaga. Palagi yang ganyan pag napagtitripan. Asar-talo.

"Kami dapat ang magtanong niyan, gunggong!" Sabay batok ko sa baklang amoy kanal ang bunganga.

"Ang sadista mo talagang bruha ka! Bugbog-sarado ako sayo pagkasama kita!" Himutok ng bakla.

"Wag ka ng mag-inarte, bakla. Magpasalamat kana lang at naging kabarkada mo ako. Ako na to oh, aarte ka pa? Sungalngalin kita ng tubo gusto mo?" Pananakot ko sa kanya sabay akbay sa kanila ni Bee. Hindi na ko nakapag-skate, si Bee na ang pinabitbit ko ng board ko. Para naman may silbi sya sa istoryang to. Panay lang ang kulitan namin at halakhakan hanggang sa makarating na kami sa bahay nila Uwa.

"Ate ate! Namiss ka namin ni Inday Badids!" Pagsalubong sakin ng kapatid ni baklang Uwa. Si Swarding, na isa ding bading. Otso anyos lang to pero lantad na lantad na sa pamilya niya ang malanding kaluluwa niya. Unlike kay Uwa na nung isang taon lang nag-ladlad dahil sa takot na rin na mabugbog ng tatay niyang si Mang Tikboy. Siga-siga pa naman yun dito sa lugar namin. Nung nalaman ngang bakla ang pagkapogi-pogi niyang anak, eh grabe ang hagulhol ng kumag. Grabe kung magluksa, akala mo patay na si Uwa. Buti na lang hindi binugbog si Uwa, pinakiusapan ko kasing wag na niyang bugbugin dahil ako na lang ang gagawa para sa kanya. Ayun, sumang-ayon naman ang matanda. Kaya ako na nga ang bumugbog sa bakla. Ala Vhong Navarro ang kinalabasan ni Uwa. Ilang linggo din syang naratay sa ospital dahil dun. Tuwang-tuwa naman ang hampaslupang si Mang Kanor dahil sa ginawa ko, para raw magtanda na si Uwa.

"Yayakap pa eh. Pwede namang sabihin lang di ba, Swarding?" Sabi ko kay Swarding habang nakatapal sa mukha niya yung kamay ko.

"Na-miss din kita ate!" Isa pa to, si Inday badiday. Ang bunsong kapatid ni Uwa. Ito ang unica hija ng pamilya nila, na mukhang lalaki. Malandi din tong batang to eh, namana sa kuya niyang bakla. Hahalik sana sa pisngi ko tong kutong lupa na to pero bago pa man mangyari ang isang makagimbal-gimbal na pangyayari, ang skateboard ko na ang nahalikan niya. Mukha kasi siyang paa kaya bagay lang na sa board ko talaga sya humalik.

"Ano ba tong mga kapatid mo bakla, parang nakakita ng artista. Eh dumating lang naman ako."

"So, ikaw lang talaga ang artista dito ganern ba kapatid? Ano kami dito, ekstra lang?" Sawsaw ni Bee.

"Tumahimik ka Bee, hindi kita kinakausap. At tama ka, ekstra lang kayo, buti alam mo." Pambabara ko kay Bee.

"Grabe ang yabang mo talaga ate, kaya nga idowls kita eh, ahihihihi." Si Inday badiday na yumayakap pa sa braso ko. FC talaga to kahit kailan. Kadiri, hindi pa ata to naliligo eh.

"Ano ba Inday wag ka ngang yakap ng yakap sakin. Maligo ka muna ng zonrox at magbanlaw ng downy isang banlaw bago mo ako yakapin, ah? Ang baho mo!" Asik ko sa kapatid ni Uwa.

"Nyay! Bakit ate, bawal bang yumakap sayo kapag di pa naliligo? Dalawang linggo na kasi akong hindi naliligo eh, ahihihi."

"Gaga! Nagtanong ka pa! Wag ka ngang bobo Inday, alam mo na ngang bawal magtatanong ka pa? Manang-mana ka talaga kay tatay sa kabobohan!" Singhal ni Uwa sa kapatid na hindi pa naliligo.

"Hahaha! Laptrip talaga tong pamilya nyo bakla! Hahaha!" Alam na kung sino to.

Ayun nga, patakbong tinungo ni Inday ang banyo para maligo, para lang mayakap ako.

Bawal!Where stories live. Discover now