Bawal manood ng Dora The Lakwatserang Negra

198 13 4
                                    

Dumiretso na muna ako sa bahay, nakakatamad nang mag-skate kung maraming panget ang makikita mo sa araw na to.

Bago pala ako makatuntong sa bahay namin, marami muna akong pagdadaanan. Katulad na lang ng mga malaunggoy na pamilya na nagkukutuhan sa gilid ng daan. Simula sa pinakabunso hanggang sa tatay ang pila ng mga unggoy na to. Partida isang dosena ang anak nila. At eto naman, mga lasinggero sa tabi kung saan ang tinutungga ng mga hinayupak ay Black Label. Ang sosyal ng mga bopols.

"Oh brad! Tagay ka muna dito!" Sabi ng tropa kong manginginom. Si Palakiko.

"Sige tatagay ako, pero ihahampas ko muna sayo tong skateboard ko."

"Ang taray mo talaga. May PMS ka ano? Hahaha."

"PMS mo muka mo." Sabay hampas ng board ko sa pagmumukha niya.

Hindi na sya nakapalag dahil nakatulog na ang balasubas. Lakas talaga ng deck ko, buti na lang hindi nagcrack sa mukhang pader na mukha nito.

Sa bahay..

Inabutan kong nanonood ng Dora the Explorer si Pimay, ang anak ng nanay at tatay ko.

"Huy ate bat mo nilipat?! Waaaaaaaaaa!" Pag-ngawa ni Pimay habang inaagaw ang remote.

"Ang panget ng pinapanood mo, kasing panget mo. At pwede wag na wag mong panunoorin tong si Dora ha! Baka magaya ka pa sa negrang yan na lakwatsera na bobo na akala mo bulag eh ang laki-laki naman ng mata. Pag nakita mo yan pagsabihan mo ah, tumingin sya sa paligid niya, hindi yung tanong sya ng tanong para syang tanga!"

"Ang dami mong alam ate! Manonood ka lang naman ng Oggy and the Cockroaches siniraan mo pa si Dora!"

"Tang-ina mo umalis ka sa harap ko kung ayaw mong malasahan tong remote control!"

"Isusumbong kita kay mama!"

"Kahit sa panot nyong presidente pa, sasamahan pa kita!"

"Argghhh! I hate you sagad talaga!"

"Bakit sinabi ko bang I love you kita? Kapal mo ah. Lumayas ka na nga, ang sakit mo sa mata. Masyado ng marami ang exposure mo dito."

Walang nagawa ang pobre kong kapatid.

Bawal!Where stories live. Discover now