Bawal ang pa-VIP kapag tumatagay

88 6 2
                                    

"Uy! Nandito na pala kayo?" Ani Palakiko na lumabas galing kusina nila Uwa.

"Drawing lang to, brad." Sagot ko sa kanya. Bobo talaga nito, alam na nga magtatanong pa. Idol ata nito si Dora, potek.

"Hehehe." Pagtawa ng patabingi ni Palakiko habang kumakamot sa ulo. May balakubak ata ang gago.

"Oh em jey! Anyare sa peys mo, brad? Bat kulay levoyet? Yan na ba ang uso ngayon?" Pagtatanong ni Bee sa mukhang hinampas ko kanina ng board.

"Ah- eto kasing si brad hinampas ako kanina ng skateboard niya, eh inaaya ko lang namang tumagay tapos hinampas na ako. Ang sakit-sakit kaya." Nag-puppy eyes pa ampota kay Bee.

"Mukha kang askal, gago." Asik ko sa kanya.

"Hardcore! Buti buhay ka pa, brad? Hahaha!" Ani Uwa na panay ang tawa.

"Ulol!" Pagmumura ni Palakiko habang sinisikmuraan si Uwa.

"Aray! Tangina mo Palakiko! Baka gusto mong makitang binubugbog ka ng isang baklang pogi? Ano? Sabihin mo lang." Asik ni Uwa na nagboses lalaki.

"Hehehe, dyowk lang, brad. Ikaw kasi eh, pinipikon mo ako. Nakita mo namang puro na ako pasa, gaganyanin mo pa ako."

"Tama na nga yan, simulan na natin. Inom na inom na ako kanina pa." Ani Bee na nauna ng pumunta sa labas kung nasaan ang session house. May maliit na bahay-inuman kasi sila bakla sa labas. Malamang dun kami lalaklak.

Binubuksan na ni Palakiko ang Emperador.

"Si brad muna ang mauunang tumagay." Aniya habang nagsasalin ng alak.

Kinuha ko na at dinirechong lagok. Sabay kuha ng pulutan at lagok ng chaser na Nestea. Di ko pa nga nalalapag yung tagayan bigla na lang inagaw ng uhaw na uhaw na si Bee. Ang walangya sugapa talaga sa alak. Di makapaghintay ampota.

"Ahhh! Alas! Nadantayan na rin ang dila ko ng alak. Hahaha!" Mungbaliw talaga tong babaeng to. Hayok na hayok sa alak. Tss.

Habang ito namang baklang si Uwa, kinu-kutkot ang kuko. Hindi pa tumatagay. Pa-VIP pa ang gago.

"Hoy bakla! Yung baso may ugat na! Yang bunganga mo inu-uod na! Walangya ka ang tagal mong tumagay!" Asik ko sa kanya. Tawa lang ng tawa ang askal na si Palakiko. Inirapan lang ako ni Uwa. Akala naman nya kinaganda nya ang pag-irap. Muka nya. Hatawin ko sya ng mesa makita nya.

Bawal!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon