Bawal ang istorbo kapag natutulog ako

183 12 7
                                    

Oh well, habang prenteng prente akong nanonood ng Oggy and the Cockroaches, biglang lumabas si Dolores mula sa kusina kasama ang napakasumbungerang si Pimay na anak nila ng asawa niya. Halatang-halata naman na nagsumbong na ang lukaret kong kapatid dito.

"Ayan mommy oh, inaway ako niyan kanina! Sinabi pa nga niyan hindi niya raw ako love! Huhubels." Ani Pimay the sumbongerang kapatid.

"Aba't nakapag-mommy ka saken ngayon Pimay? Rich kid ka bh3?" Turan ni Dolores kay Pimay the sumbungerang rich kid kuno.

"Mama naman eh! Panira ka ng momentum! Tss, kainis!" Walk-out ang bata.

"Momentum daw? Kaartehan talaga nitong anak ko." Palatak ni Dolores.

"Ayan nakukuwa mo kakanood mo sa negrang unano na si Dora! Puro ka kaartehan letse ka!" Sigaw ko sa kanya habang paakyat sya ng hagdan. Akala naman niya kakampihan siya ni Dolores, kwento niya sa patatas!

"Oh Do! Saan ang sagala?" Tanong ko sa nanay ko.

"Dyan lang kina kumare, magtotong-its! Baka may bente ka dyan pahingi ako, pang-cornetto lang."

"Ako ba dyino-joke mo ha Dolores?"

"Ahehehe hindi ka na talaga mabiro anak, may bente pala ako dito sa bulsa ko oh. Hehehe"

"Tss."

"Oh sya sige, gogora na akes anak. Magbalat ka pala ng patatas, at magluluto ako ng twister fries mamaya."

"Ano?! Tek-" bago ko pa makumpleto yung sasabihin ko, nakaalis na ang magaling kong ina! Ang bastos kausap!

Pagbabalatin nya ako ng patatas? Seriously? Naka-tsongki ba sya? Panira talaga tong si Dolores kahit kailan! Ako na nasusunod sa lahat ng bagay inuutusan niya lang?! Magrereklamo ako sa barangay! Isusumbong ko sya kay Tulfo! Slavery ito!

Pero bago pa man ako makapaghanda, biglang dumating ang magiting kong ama. Hah! Bright idea!

"Oh tay, san ka galing? Nan-chix ka na man ano?"

"Mahal na mahal ko ang nanay mo anak, hinding hindi ko magagawa ang pinaparatang mo saakin. Nakakahurt ka ng feelings anak alam mo ba yun?" Sabi ng tatay ko na namamasa na ang mata. Mukhang iiyak pa ata to.

"Talaga tay mahal nyo si Dolores? Ang sabi kasi niya sakin bago sya umalis para makipag-tong its eh magbalat daw kayo ng patatas. Gagawa daw kasi sya ng twister fries."

"Talaga anak? Gagawa sya ng paborito kong twister fries?" Nagningning ang mga mata ng tatay ko. Grabe nag-aadik din ata to ah.

"Oo tay, kaya tama na ang satsat. Sa patatas kana lang makipagkwentuhan at nanonood ako ng tv." Agad-agad namang pumunta sya ng kusina. Basta talaga patatas sa matandang to eh.

"Taena! Tapos na?!" Wooo! Di ko man lang napanood ang last episode, fota! Andame kasing epal sa istoryang to eh! Kinginerns. Makaidlip na nga lang.

Sa kwarto..

"Ate, ate!" Panay katok ng pesteng si Pimay.

"Pota, Pimay ano ba! Natutulog ako, natutulog tapos istorbo kang yagit ka!" Sigaw ko sa anak ni Dolores at Pablo. Mukhang kabado ata ngayon to ah. Ano naman kayang pakulo nito?

"Ate, ate si tatay.."

"Ano?! Ano si Pablo?! Patatas na?! Nag-evolve ganon?!" Iniwan ko lang yun kanina sa kusina na nagbabalat ng patatas ah.

"Hindi ate, si tatay.."

"tangina ano nga?!"

"Pwede patapusin mo muna ako? Kanina ka pa sabat ng sabat eh!"

"Tangina mo sabihin mo na, sapaw kana naman. Pa-expose ka masyado sa istorya ko."

"Si tatay panay iyak dun sa kusina, hindi ko nga maintindihan kung bakit."

Isa pa tong si Pablo eh, sapaw din. Tss.

Bumaba na nga kami papuntang kusina.

Umiiyak nga ang gago.

"Tay ano bang kadramahan yan? Mag-aartista ka ba? Hindi kana pwede, overage kana."

"Kasi.." sabay punas ng uhog. Kadiri tong si Pablo.

"Ano?! Magsalita ka! Tangina naman oh."

Nababadtrip na ko talaga. Kanina pa maraming epal sa istoryang ito. Pati pagtulog ko may iistorbo.

"Kasi anak, kanina ko pa kinakausap tong patatas kasi sabi mo sa patatas ko na lang ikwento lahat. Pero, wala man lang akong makuhang feedback. Nakakainis anak alam mo yun? Kwento ako ng kwento tapos parang wala lang pakialam sakin tong patatas na to! Paksyet oh!" Kwento ni tatay habang naiiyak pa rin.

"Ay tanga! Pano sasagot yan tay eh ginagahasa mo? Syempre matatakot yan." Sabat ni Pimay. Sawsawera din to eh.

"Hoy sumabat ka kung nakakatawa na yang sinasabi mo ah?"

"Ang drama mo Pablo, hindi sayo bagay. At tsaka wag mong gawing sibuyas ang patatas, wag mong iniiyakan. Hindi ka nakakatuwa." Pangangaral ko kay tatay. Parang ako na lang ata ang matino sa bahay na ito. Futa, ampon lang ata ako.

"Sorry anak, masyado lang ata akong eksayted sa twister fries na gagawin ng nanay nyo. Alam nyo namang paborito ko yun di ba? Dahil dun, nagkakilala kami ng mama nyo. Dahil dun minahal ko si—" Pinasakan ko na ng patatas ang bibig ni Pablo. Pota andameng satsat eh. Puro ka-ek-ekan lang ang alam.

"Ayan tay, kainin mo yang patatas. Nakakarami ka na."

"asgdhfkgjsgajdkdidhdhfjsiehroekk." Si Pablo yan.

"At ikaw naman panget ka, akyat sa kwarto dali! Wag kang makikipag-usap dito sa tatay mo at nag-aadik yan. Pagtuntong mo na ng sampu dun ka mag-adik." Pagtaboy ko kay Pimay na nakatingin pa rin kay tatay na halos mabilaukan sa patatas.

"Ang sama talaga ng ugali mo ate! Pati si tatay hindi mo na ginalang! Bad ka! Bad ka!" Ani Pimay na panay ang hampas sa braso ko. Ibabalibag ko tong kutong lupa na to eh.

"Oh good girl kana niyan sa paghampas-hampas mo saken, ha? Ikaw umayos ka ha, baka di kita matantyang unano ka baka mahagis kita palabas ng bahay na to."

"Isusumbong kita kay kapitan! Ang bad bad mo shaken! Aheytyu!" Maluha-luhang sambit ni Pimay habang pumapanhik sa kwarto niya.

Tss. Ewan ko sainyo, nakakapraning kayong pamilya.

Matutulog ako ulit, at wala ng dapat mang-istorbo pa.

Bawal!Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ