Ipinikit ko ang aking mga mata. Bakit s'ya pa din ang iniisip ko?. Kahit saan ata ako pumunta o kahit anong gawin ko, hindi na sya maalis sa sistema ko.

Lahat...yung paghawak nya sa kamay ko, bawat pag ngiti nya sa akin, bawat akap at halik nya ...para bang parte na 'yon ng buhay ko. Para bang parte na ng pagkatao ko na mahirap ng alisin. Kahit ang mga simpleng pagsasabi nya ng "good morning" tuwing magkikita kami ng umaga at paghalik sa pisngi ko tuwing nanggigigil sya sa 'kin, hinahanap-hanap ko 'yon. Hindi ko na nga alam kung paano ba ako pag wala sya. Sa loob ng limang taon, sa kanya umikot ang mundo ko. Sa kanya lang at wala ng iba..

Umupo ako sa sofa at tumingala. Ilang buwan palang ang lumipas simula ng kasal niya. Simula 'nong tanggapin ko nalang ang katotohan na hindi talaga sya para sa'kin.

Nagulat ako ng biglang tumunog ang landline na nandito sa condo. The fck?sino ang naka-alam agad na nakabalik na ako?.

Ilang sandali ko pang pinakinggan lang ang pag-ring nito bago ko tuluyan nang sagutin.

"Hello."

"Heard that you're back." ahhh, luckily it's just Sean. Nawala ang kaba ko at naupo ulit ng maayos sa sofa.

"Yep,ngayon lang. Sino nagsabi sa'yo?."

"Daryl. Sabi niya kamustahin daw kita. So, how are you now?okay na?."

Nangiti ako ng pilit. "I think this will take a lot of time." tinignan ko ang singsing na suot ko. Yes, i'm still wearing our engagement ring. And im still finding the courage to throw it away.

"Tsk tsk, i don't know what to say. Wala akong maipayo dahil alam kong hindi ako ang nasa posisyon mo at nasasaktan."

"It's okay.I just need more time,I guess. Anyway, where are you?." pag-iiba ko ng usapan.

"Bahay. Magpi-picnic kaming pamilya. We're just waiting for Yannie. To think katabi ko ngayon dito ang tatlo,tsk." natawa ako. He's referring to his triplets, Gian, Hail, and Ace. Sharp shooter talaga.

"My King, let's go. Sino kausap mo?." rinig kong sabi ni Yannie.

Parang ibinaba ni Sean saglit ang phone sa upuan. "Wala My Queen, and will you take Hail first. I'll go pee." ilang saglit pa bago muling nagsalita si Sean."Call you later,pare." paalam nito.

"Thanks. Ingat din." bababa ko na sana ang telepono pero may hinabol pa si Sean.

"By the way, she's fine. Don't worry." at saka nito ibinaba ng tuluyan ang telepono. Napangiti ako, hindi niya palaging kinakalimutan yon.

Oo, sa tuwing tatawag at kakamustahin ko sila, palagi pa din akong nagtatanong sa kung ano na ang balita sa kanya. Kung masaya ba s'ya o inaalagaan syang mabuti ni Kris. Damn, I know I'm so stupid. Na para bang balewala ang paglayo ko.

Ilang saglit ang lumipas ng muling tumunog ang telepono. Agad ko yong sinagot sa pag-aakalang si Sean lang ang tumatawag.

"Adam!" narinig ko palang ang boses nya,awtomatiko na akong napangiti ng wala sa oras. Para bang kahit anong sabihin at gawin nya sa'kin, ayos lang. Para bang kuhang kuha na nya ang buong pagkatao ko. Fck,Melody what have you done to me?

"Hey..." parang naputol ang dila ko. Nawala ako sa sarili.ko.at hindi ko na alam ang sasabihin. Pagkatapos ng ilang buwan,ito nanaman ako.

Tinawag lang nya ang pangalan ko,gusto ko na agad tumakbo pabalik sa kanya. Kalimutan ang lahat ng nangyari at magmaka awa na mahalin nalang ulit ako. Na sana ako nalang ulit. Pero alam ko nang bawal...may nagma-may-ari na sa kanya at hindi ako 'yon.

"Cheska called me. Naka-on na daw ang phone mo pero 'nong tinawagan naman kita,mukhang pinatay mo ulit. Kaya sinubukan ko itong landline. Nag-alala kami sa'yo." malungkot ang boses nya. Napakagat ako ng labi.

Gusto ko syang makita. Gusto ko syang akapin ngayon at sabihin na wag nya akong alalahanin. Kasi hindi ako makalayo lalo. Hindi ako lalong makatakas sa kanya.

"I'm...i'm doing good. Don't worry about me." pilit kong tinapangan ang boses ko. Kahit na sa totoo lang ay nanghihina na ako. Kahit ang mga tuhod ko ay nanginginig ngayon dahil sa hindi ko malamang dahilan.

"Please take care of yourself,Adam. Wag mo kaming pag-alalahin. I'm really sorry If I called you. I just want to make sure that you're safe. I know you're mad at me---

"No. I'm not mad at you. I can't be mad at you." hindi ko na napigilan pang sabihin. Totoo naman,hindi ko atang magawang maramdaman yon sa kanya.

Nakakatawa,para bang wala na akong natitirang pagmamahal sa sarili ko. Para bang kahit pride man lang ay nawala na sa akin. I changed a lot.

"Okay,okay. Sasabihin ko nalang kay Cheska na nakausap na kita." tumigil sya saglit. "Magpakita ka sa amin,ha?Ingat ka,Adam. Salamat."tsaka nya ibinaba ang telepono.

Ramdam kong naawa sya sa akin. Boses palang nya,alam ko,kilala ko sya, nagui-guilty sya ngayon. Ramdam kong naiilang syang kausapin ako dahil sa nangyari. Ako din naman,kung maari lang wag ko na sya kausapin. Kasi yun naman talaga ang dapat.

Nakaabot na kami sa 'dead-end'. At kapag nasa dead-end na ng isang relasyon,wala ng ibang daan. Wala ng ibang pwedeng puntahan o takbuhan. Kailangan nalang tumigil. Kailangan ng tanggapin na tapos na at hanggang doon nalang.

Kaso alam ko sa sarili konh hindi ko pa kaya. Ang hirap nyang alisin sa sistema ko,ang hirap nyang layuan. Na para syang may magnet at kayang kaya nya akong hilahin pabalik sa kanya. Nabigay ko na sa kanya ang lahat...pero.kahit kailan hindi ko pinagsisihan yon.

Give your best. Do anything and everything you can for love. Not everyone had experience the true meaning of it . For love is a once in a lifetime opportunity a person should take chance.

I took every risk and played every game just to win her. But in the end?i lost myself. I was ruined by my decisions in life.

How can I forget someone who gave me so much memories to remember?

EndlesslyOù les histoires vivent. Découvrez maintenant