Ngumiti naman siya ng pa-cute at inilapit pa sa mukha ko ang mukha nya.

"Hihihi ang ganda-ganda mo alam ba 'yon ha? Kaya nga ako na-inlove sa'yo eh .. sobrang gaaaaandaaaaaa mooo tapos ang cute cute moooo."- sabi nya pa sabay ngiti ng pa-cute ulit.

Sobra siyang lasing. Napapangiti naman ako, dahil gusto ko ang nangyayari ngayon mas lumapit at humarap pa ako sa kanya.

"Anong sinabi mo? Nainlove ka sa akin?"- tanong ko sa kanya

Tumango siya pero nalungkot bigla.

"Kaya lang .. n-nasasaktan ako kasi may boyfriend ka. May boyfriend ka."

Napaseryoso naman ako sa sinabi nya.

"Wala na kami ni John Mark matagal na, hindi ba sinabi na nila sa'yo 'yon kanina?"

Tumingin siya sa akin.

"K-Kaya lang .. may boyfriend ka, h-hindi ko masabi sa'yo na, hindi ko masabi sa'yo na kung gaano kita kamahal .. h-hindi ko masabi ... n-nasasaktan ako .."

Natahimik ako sa sinabi nya. And h-he's crying. I think sinasabi nya sa akin ang nararamdaman nya noon nung kami pa ni John Mark. H-Hindi ko alam kung gaano pala siya nasasaktan noon pa.

"Gusto kong kalimutan si Ravelyne, p-pinipilit kong alisin siya dito sa puso ko ... p-pero ayaw eh .. kahit anong gawin ko mahal ko parin siya ... mahal na mahal ..."

Napapunas agad ako sa pisnge ko, hindi ko mapigilan ang pag-iyak ko. Tumingin siya sa akin, umiwas naman ako ng tingin at nagpunas ulit ng mukha.

"R-Ravelyne .. ikaw ba yan?"- tanong nya ulit at hinawakan ang magkabilang pisnge ko.

"Ravelyne .. bakit ka umiiyak??? a-ayokong nakikita kang umiiyak ...."- pati siya umiiyak narin, siraulong 'to.

"I love you, i love you Ravelyne .."- he whispered then napapikit siya sandali at agad ding dumilat, tapos lumayo na siya sa akin.

"Kaso hindi mo ko mahal, hindi mo ko mahal dahil bestfriend lang ang tingin mo sa akin."

Umiling ako sa kanya.

"H-Hindi .. hindi totoo 'yan, mahal kita Dexter. Mahal na mahal kita .."- i whispered

Tumingin siya sa akin, maya-maya at ngumiti siya sa akin.

"Alam ko naman 'yon eh, mahal mo ko bilang bestfriend .."

Hinawakan ko ang magkabilang pisnge nya at iniharap ko sa akin.

"Makinig ka, mahal .. kita! Mahal na mahal."- i said

Matagal nya akong tinitigan ..

Then suddenly ...


He kissed me ..












At nasabi kong 'di na iibig pa
Ngunit 'di magawa nung nakita ka na
At muli nadama ang pag-ibig
Sa aking puso'y ikaw lang

Ikaw pala ang hanap ko, ang nais ko
Ang hinihintay ng puso ko
Tunay na kung siya ang kapalaran mo
Darating sa buhay mo
Ikaw pala ang langit ng pag-ibig ko
Binuhay mo ang puso ko
Sana kailanma'y hindi magbabago

[ Featuring Song: Ikaw Pala by: Kris Lawrey ]


__________________________________


(DEXTER POV)

Napahawak ako sa ulo ko dahil sa sobrang sakit. Tsk. Pagdilat ko nandito parin kami sa guestroom lahat, dito na pala kami nakatulog? Tsk. Kinalabit ko naman si Zandy.

"Pre."- gising ko, nagising naman siya agad. Hanggang sa nagising na silang lahat.

Tumayo ako habang hawak ang ulo ko at naglakad palabas ng guest room. Nang makasalubong ko naman si Apple.

"Oh gising na pala kayo? Bilisan nyo kakain na tayo, mamaya aalis na sila Crissa at Jayvee."- she said

Tumango lang ako. Naalala ko naman bigla si Ravelyne.

"By the way, where's Ravelyne?"- i ask her

Ngumiti naman ng malapad si Apple.

"Ayiiiiiieeeeeeeee. Bakit mo hinahanap?"

Napalunok ako.

"M-Masama bang hanapin siya?"

"Hindi naman, nasa kwarto pa nya ata. Pupuntahan mo ba? Sa room 103."- she said sabay alis.

Napailing ako sa babaeng 'yon, hindi ko naman tinatanong room ni Ravelyne ha. Tss! Pero kung daanan ko kaya siya? Gusto ko siyang kumustahin eh, baka nalasing 'yon ng sobra nang hindi ko alam.

Naglakad-lakad ako at hinanap yung room nya, hindi nagtagal nang makita ko na agad. Pinag-iisipan ko pa kung kakatok ba ako o hindi, h-hindi ko alam eh. N-Nakakaramdam ako ng hiya. Tss!

Hays, bahala na!

Pakatok na sana ako nang biglang bumukas yung pinto. Napatigil ako bigla.

"O-Oh Dexter?"- lumabas siya ng kwarto at sinara ang pinto.

Napapalunok ako ng simple, bakit ba sa tuwing nakikita ko siya ang ganda-ganda nya? Bakit laging kumikinang ang mukha nya?!

She's wearing a simple white dress, pero ang lakas ng dating nun para sa akin.

"Huy."

Natauhan naman ako.

"A-Ahm ano, kakain na daw sabi ni Apple."

"Ah yeah i know, papunta kana ba dun?"

Napapakamot ako sa ulo ko.

"H-Hmm mag-ccr lang ako, sige mauna kana."- sabi ko sa kanya at ngumiti ako

"Oh sige."- then umalis na siya sa harap ko

Napahinga ako ng malalim sabay sampal ko sa sarili ko at pumunta na sa banyo. Pagpunta ko dun tumingin ako sa harap ng salamin.

"Gusto mo parin siya, Dexter. Mahal mo parin si Ravelyne."

Tsk! Dexter bakit hindi mo parin siya maiwasan?

I have a girlfriend!

Yes!

I have a girlfriend!

Pero tsk!

That's a fake girlfriend.

Yes, hindi ko totoong girlfriend si Xandra. She's my cousin actually. Tsh!

Heto namang si Xandra napakagaling umacting, tinatakot nya pa si Ravelyne para lang malaman kung may gusto din ba sa siya sa akin.

Nagawa nya pang pag-tripan nun si Ravelyne sa resort, kunwari hinalikan nya ako kahit na hindi naman. Tss!

Pero kahit na ano namang mangyari, hindi parin ako gusto ni Ravelyne.

Hays!

May naalala naman ako bigla.



"Hakdog ka Dexter, walang jowa yang kaibigan ko! Single ulit 'yan oy matagal na."



Nanlaki ang mga mata ko. W-Wala na talaga si John Mark. Hindi ko alam pero, napapangiti ako bigla ngayon. Tsk Dexter pwede na ulit!








To be continued ...

Nothing But The LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon