Pagdating namin sa fake wedding ..

"Hello, may magpapakasal."- sabi ko sa mga organizers

"Bakla ka, nakakahiya."- John Mark said

"Huwag ka ngang maarte dyan, bakla."- i laugh

"Eh?"- wala na siyang laban, hahaha!

"Sino po ang magpapakasal?"- Tanong ng oganizer

"Kami po."- sagot ni Khent, sabay hawak sa kamay ni John Mark.

Halos mapahiyaw naman kaming tatlo sa sobrang kilig.

"Yiiiiiieeeeeeeeeeeee!! Go mga baklaaaa!"- cheer ko

"Ikaw lalaki tinatanggap mo ba na maging kabiyak si John Mark Briones sa habang buhay, sa hirap man o sa ginhawa?"- tanong ng isang fake Pari. Hahaha!

Tumingin naman itong si Khent kay John Mark at ngumiti muna.

"Opo Father."- sabay suot ng fake ring ni Khent kay John Mark.

"Ikaw lalaki----"

"Yes Father!"- hindi pa tapos ang tanong ng fake Pari nang sumagot na agad si John Mark, loka talaga 'tong baklang 'to. Haha! Then pagkasuot ng mga fake rings ..

"Bakla, Mahal Kita."- marahan na sambit ni Khent kay John Mark.

"Ayiiiiiiieeeeeeee!"- hiyawan ng lahat ng mga nanunuod.

"Pwede bang, baby nalang? Ang sagwa naman ng bakla eh."- request ni John Mark kay Khent, natawa naman kami.

"Okay, baby."- Khent said

Sabay kiss smack sa lips ni bakla.

OMG!!!

Maya-maya dahil walang klase, tumambay muna kami dito sa stage. Kung saan dito ko unang nakita si John Mark, dito ko siya noon nagustuhan habang kumakanta siya. Hihi!

"Thank you."- biglang sambit ni John Mark

Nagtaka naman ako.

"For what?"- i ask

"For everything. Sa pagtanggap sa akin at sa pagtanggap sa amin."

Napangiti naman ako.

"Wala 'yon, lahat ng tao deserve ang love at deserve ng second chance."- i said

"Hindi ko na rin sinasayang ang chance na 'to na magustuhan ako ng lalaking gusto ko. Dahil sabi sa akin noon ni Mama, ang importante maging masaya ako."- he said

Napangiti ako at napatango.

"By the way John Mark, iniinvite ka ni Mama mamaya sa dinner."- singit ni Khent, nanlaki naman ang mga mata ni John Mark.

"H-Ha? Really?"

"Oo at excited silang makilala ka."

Halos mapangiti naman si John Mark ng sobrang lapad.

"O-Oo ba, sige mamaya."

"Ayiiiieeee ili-legal kana bakla."- i said

Hindi naman mawala ang mga ngiti nya. Pagkatapos nun, naisipan namin na maglakad-lakad muna at lumibot sa mga activities area.

Nang mapahinto ako bigla. Natatanaw ko ngayon si Dexter at Xandra sa lobby habang nag-uusap.

He's here. Ano kayang ginagawa nya dito sa school?

Pagkatapos namin maglibot-libot nang mag-aya naman si Crissa na kumain sa labas ng kwek-kwek. Syempre kailangan hindi humindi sa babaeng jontes. Kaya naman bumili kami ng kwek-kwek at doon na kumain.

"Hmm sarap!"- sarap na sarap si Crissa.

"Hmp, pinag-lilihian ang kwek-kwek."- Apple said

"Ewan ko ba, gustong-gusto ko nito."- sabi ni Crissa habang kumakain.

"Oo nga pala, nakapag-usap na ba kayo ulit ni Jayvee?"- i ask

Natahimik naman si Crissa.

"Hmm, I guess."- i said at kumain nalang, pero napatigil ako because speaking of ..

"Omg girl, he's here."- bulong ni Apple kay Crissa.

Napalingon naman si Crissa.

Jayvee is here ..

"Siya ba ang tatay?"- Khent ask me

Tumango lang ako.

Nag-aalangan na lumapit sa amin si Jayvee.

"A-Ahm Crissa , pwede ka bang makausap?"- Jayvee ask her

"May naririnig ba kayo?"- tanong sa amin ni Crissa. Nagkatinginan naman kami.

"Crissa, please? Pakinggan mo ko."- pagmamakaawa ni Jayvee.

Hindi naman siya pinansin ni Crissa.

"Heto yung bayad ko, Manong oh."- sabay bayad ni Crissa sa tindero then nag-back out. Tumayo naman ako at agad na sinundan si Crissa.

"Crissa wait."

"Hmm?"- she ask

"I think kailangan nyong mag-usap."

"Para saan pa?"

"Para sa magiging anak ninyo."

Napatigil naman siya.

"Mag-usap kayo, pakinggan mo siya."








To be continued ...

Nothing But The LoveWhere stories live. Discover now