Ako kaya? Kung magmamahal ako sa hinaharap, makakaya ko rin kayang sumugal ng malaki? Makakaya ko din kayang tumaya para sa emosyon na nararamdaman ko?



Past midnight na nang makauwi kami ng Manila. Sobrang nakakapagod pero alam kong mas pagod si Jasper dahil siya lang naman ang nagda-drive sa aming dalawa.



"Thanks for coming with me."



Sabi niya nang nasa tapat na kami ng pintuan.




"Salamat rin. Sige good night." Paalam ko sa kaniya. Tumango naman siya sa akin. Narinig ko pa siyang nag 'good night' bago ko isara ang pintuan ng unit ko.



Hindi ako lumabas maghapon sa unit kinabukasan dahil sa mga tinapos kong requirements at nagbasa na rin ako ng advance para sa mga lesson sa susunod na linggo. Nalaman ko naman na may practice the whole day sina Kyo kaya hindi din siya nagpunta sa unit ko na usual niyang ginagawa sa tuwing weekends akpag walang practice.




"Asan ka noong Sabado? Pumunta ako sa unit mo walang tao. Hindi ka din sumasagot sa text at tawag ko. Hindi ka naman daw umuwi sa inyo sabi ni Mama Isabel." Sabi sa akin ni Kyo nang magkita kami sa canteen ng building namin.



"May pinuntahan lang ako." Sagot ko. Minabuti kong huwag nang sabihin sa kaniya ang naging lakad namin ni Jasper noong Sabado dahil magtataka siya kung bakit naman kami magkasama ni Jasper. Paniguradong mau-ungkat pa niya na nagpa-checkup tungkol sa injury ko malamang ay mago-OA na naman ang reaksiyon niya.




Kasunod namin sina Clarence at Athena na naupo sa mesa. As usual parang may sarili na namang mundo ang dalawa. Hindi gaya noon na naasiwa ako sa paglalandian nila sa harap namin, ngayon ay medyo nasanay na ako.



"Saan naman iyon? Bakit hindi moa ko sinama?" Pangungulit niya.



"Date. Bakit gusto mo sumama sa date ko? Hindi ko kailangan ng chaperon." Panloloko ko sa kaniya. Para naman siyang nakarinig ng isang malaki at nakakagulat na balita at napatigil pa siya at napatulala sa akin.



"NAKIPAG DATE KA?!"




Shit! Halos maitapon ko ang pagkaing isusubo ko nang sumigaw siya.



"What the?! Anong problema mo bakit ka sumisigaw?" Asik ko sa kaniya saka lumingon sa paligid. Napatingin samin ang ibang mga tao. Maging yung dalawa sa harap namin ay natigil sa kanilang paglalandian at napatingin sa aamin. Awkward!

The Sparks of Our Stars (Varsity Boys Series #1)Where stories live. Discover now