30

1.5K 17 5
                                    

Time flies so fast. I'm now six months pregnant. Hindi na din ako pumapasok sa trabaho dahil ayaw ni Mommy at Kenzo.

"Babe, gusto ko nga, 'to, eh!" Naiinis na reklamo ko kay Kenzo.

"It's not healthy, Babe." Inagaw niya pabalik ang chips at binalik sa shelf.

Nandito kasi kami sa grocery at ayaw niya akong bilhan ng chips! Kahit isa!

I glared at him.

"Fine, just get one." He sighed.

I smiled widely. "Thank you!"

Natapos kaming mag-grocery ng puro vegetables at fruits ang laman ng cart namin.

"Pwede ba tayo pumunta kila Lola Rosita?" Tanong ko habang pauwi kami.

"Of course, Babe. We will go there tomorrow." He said.

I miss Lola so much, the last time I saw her was almost eight months ago.

"How did you know pala na wala na si Lolo Leon?" I asked when I remembered seeing him at the cementary.

"I continued helping them." Maikling sabi niya.

Tumango ako.

Pagkabalik namin sa bahay ay tinulungan ako ni Kenzo na mag-ayos ng mga groceries. Sunday naman ngayon kaya wala siyang trabaho.

"Pwede ko na ba kainin, 'to?" Parang batang tanong ko, hawak ang chips.

He sighed and nodded.

"Yes!"

Nanood lang kami ng mga movies at kumain buong araw. Natutuwa ako kasi we got to do things that we like again.

Kinabukasan ay maaga niya akong sinundo sa bahay kasi pupunta kami kila Lola

Rosita.

Nagsuot lang ako ng white flowy dress and sandals. Nagdala 'rin ako ng mga pagkain para may makain kami doon.

"Let's go.." Tanong ni Kenzo at inalalayan ako sa pagbaba ng hagdan. Nakasuot lang siya ng black t shirt at maong jeans pero ang lakas pa rin ng dating niya.

Pagdating namin sa Home of the Aged ay agad kong nakita si Lola Rosita na nasa garden, nakaupo sa wheel chair.

"Lola!" Masayang tawag ko at agad na yumakap sakanya. Mukhang nagulat naman siya sa pagdating ko pero nang makabawi ay niyakap niya din ako pabalik.

"Laurene, Iha!" Masayang sabi niya at humiwalay sa yakap. May sasabihin sana siya ng makita niya si Kenzo sa likuran ko.

"Lola.." Nagmano siya at ngumiti.

Lola Rosita smiled. "Aba'y nagkabalikan na pala kayo." Tumango ako.

"Magkakaanak na, La." Mahinang pinalo ko si Kenzo sa braso.

Nanlaki ang mata ni Lola at binaba ang tingin sa tiyan ko. Naluluhang hinaplos niya ito.

"Napakasaya ko para sa inyo.." Ngumiti siya sa amin. "Sa loob ng ilang taon ay inalagaan niyo kami ng asawa ko. Para ko na rin kayong mga anak, kaya masayang masaya ako.

Naluluhang hinaplos ko ang pisngi niya. "At hindi po kami magsasawang bantayan at alagaan kayo."

"Maraming salamat.."

Natatawang pinunasan ko ang luha ko. "Wag na po tayong mag-iyakan! Kumain na lang po tayo."

Natatawang tumango naman si Lola Rosita.

---

"Hello?"

Kakauwi lang namin ni Kenzo nang may tumawag sa akin. Umuwi din agad si Kenzo dahil may gagawin daw siya.

Reminiscing Memories (Fernandez Series #1)Where stories live. Discover now