26

1.4K 14 1
                                    

"Mom.."


Mabilis na nagtuluan ang mga luha ko nang mayakap ako ni Mommy. Matapos ng nangyari sa amin kagabi ni Kenzo..


I left him..


Now I feel unhappy again. I feel so empty again. Nawala nanaman 'yung nagpapasaya sa'kin.


"Anak.." Hinigpitan niya ang yakap niya sa'kin.


"It hurts so much, Mom.." I cried. It fucking hurts...


Seeing him peacefully sleeping while I leave..it's the most painful thing I did.


"I love him so much.." Napahagulhol ako.


Hindi ko kaya pero anong magagawa ko? Sa aming dalawa ni Chescka, siya ang lamang.


"Shh, anak..." Hinaplos niya ang buhok ko.


I don't want to leave him, but I have to.


Risks and sacrifices...


"You'll get through this , anak. You're strong.." Pagta-tahan sa akin ni Mommy.


Ang gusto ko lang naman ay maging masaya kasama siya.. pero ang daming hadlang. Gusto kong maging akin siya, pero hindi pwede.


"Drink this." Inabot sa akin ni Mommy ang isang basong tubig.


"I love you.." Bulong ko habang humhikbi.


Nakahiga na ako sa kama pero hindi pa rin ako tumitigil sa pag-iyak. Niyakap ko ang unan ko at doon nilabas lahat ng emosyon ko.


Sana lang pagkagising ko ay wala na ang sakit, kahit na imposible.

---

"Coffee, Ma'am."


Hindi ko maangat ang tingin ko kay Sherly dahil alam kong mahahalata niya ang pamamaga ng mga mata ko.


Ayaw na sana ako papasukin ni Mommy ngayon pero nagpumilit ako. Ayoko naman na tumunganga sa bahay at walang gawin, dahil mas lalo ko siyang maaalala. Kahit na ang tagal na nung araw simula ng iniwan ko siya.


"Thank you." Pagpapasalamat ko sakanya, ang tingin ay nasa laptop parin.


Naramdaman ko namang sinubukan niyang silipin ako pero yumuko ako at nagkunwaring may kinukuha sa drawer.


Nang makalabas siya ay natulala nanaman ako. It's been a two months, yes, two months since I left him. But still, no signs of him. Baka na realize niya din na may asawa at anak na siya at mali ang ginawa namin.


Umasa ako, oo, umasa ako na baka isang araw hanapin at katukin niya ang pinto ng office ko para kausapin ako, pero wala. Walang dumating, walang siya.

Reminiscing Memories (Fernandez Series #1)Where stories live. Discover now